Patawad

34 2 0
                                    

*PATAWAD*

PATAWAD katagang paulit ulit na sinasabi ng mga taong nagkasala na dapat ay di na sayo ulit ginagawa

Ngunit nauulit dahil sa mga bagay na paulit ulit niyang inuulit

Salitang nakakawala ng galit ngunit hindi ng sakit

Sakit na nakuha at paulit ulit niyang ginagawa

Hihingi ng tawad pero hindi kapatawad tawad dahil sa paulit paulit na sakit na kanyang pinapadanas, mas mabuti pa sigurong humingi ka ng tawad sa mga nagtitinda ng ubas

Ubas na tumatagal ang tamis, eh ikaw sa una lang naging matamis dahil tinapos mo ang lahat gamit ang mga katagang "Patawad ngunit ako ay lalakad na sa babaeng aking totoong hinahangad"

Ano ang ibig sabihin nun?

Ako ba'y niloko mo lamang dahil sa aking matalik na kaibigan na iyong hinangad?

Ngunit patawad ginoo, isaksak mo sa baga mo yang patawad na hinihingi mo

Oo mahal kita

Ngunit hindi na ako magpapakatanga pa sa gagong tulad mo

Nasaktan mo ako at aabot ng dekada ang pagkamuhi ko sayo

Ngunit sarili ko lang niloloko ko, kasi mahal na mahal kita at di kita kayang kamuhian ng ganun katagal

Ako ay naging matapat at ngayon ay mas magiging matapat dahil akala ko ay ikaw na ang nararapat sa akin ngunit hindi pa pala sapat ang pagmamahal na itinapat sa pagmamahal mong akala ko ay sakin nararapat

Pinapalaya na kita at ika'y papatawarin na, dahil hindi ka naman perpektong tao na parang santo, kasi wala kang sinasanto pati puso ko winasak mo, sinaksak mo ng milyon milyong kutsilo, at pinudpod mo ng pinong pino

Pero

Pinapatawad na kita at yan ay bukal sa puso kong dinurog mo

~JaQue3ny23

My Short Spoken Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon