Chapter 10

3 0 0
                                    

"Attention !!"

Agad din kaming tumayo ng matuwid ng marinig ang boses na yun

"good morning trainees or we should say Students! ... Yesterday I receive a letter from the Monarchy!" Naging tahimik narin ang mga maiingay na estudyante dahil sa sinabi ni Captain

"You can Visit your family" nakaramdam ako ng saya at para na akong maiiyak ng Marinig ang mga katagang iyon

"Wooo!! Makikita ko na sina Mommy at Daddy"
"Makakasama ko na ang pamilya ko"
"Dota !!"
"ROS!"
"Block shot"
"Makakasama ko naa ang aso ko"

Ilan sa mga komentong aking naririnig . Palihim akong ngumiti dahil makikita ko na sa wakas si Moma .

"In 2nd day from now at exactly 8am Aasahan ko ang pagbabalik ninyo" masayang sabi ni Captain "you can pack your things" umalis na sa Harapan si Captain na naka ngiti . Ngayon ko lang nakita ang kaniyang ngiti .

"Von lika na!" aya sa akin ni Shy

Inimpake ko na ang aking mga damit sa Back pack . Magkikita na kami ni Moma at excited na ako!

"Sa wakas makakasama ko na ang pamilya ko!" sigaw ni Shy . Nakaramdam naman ako ng saya para sakaniya at para din kina Ian at Grey . Masaya siguro silang makasama ang kanilang pamilya . Ano kaya ang pakiramdam ng magkaroon ng totoong pamilya . yung kasama mo talaga ang mga ito .

Yung pakiramdam na may inuuwian kng pamilya

Isa isa na kaming naglakad palabas ng kwarto at nagpaalam muna roon para nga kaming mga baliw

Nagsi labasan na ang mga estudyante kaya nagsitakbuhan naman kami dahil sa kasabikang makita ang pamilyang naghihintay sa amin .

'Bye Von bye Ian" sabay kaway sa amin ni Grey at Shy .. Kinawayan naman namin sila

Si Grey at Shy ang magkapitbahay sa amin habang sa ibang subdivision naman kami ni Ian

"Alis na ako" pagpapaalam ko

Bago paman ako maka hakbang ng maramdaman ang kaniyang yakap sa likod ko kaya napa ngiti nalang ako dahil dito

"Take care" bulong nito . tinanguan ko naman ito

"You too" sabay kaway ko sakaniya at kumaway naman din ito

Naglakad na ako habang tinatahak ang daang papunta sa bahay.

Naraanan ko ang isang Market at pumasok ako dito

Maraming mga tinda dito kaya namili na ako

Nahagip ng paningin ko ang isang Kwintas na may pendant na A .. Kukunin ko na sana to ng may iba ng kumuha  . Aagawin ko na sana to ng makita kung sinong hampas lupa ang kumuha ng kwintas

Napalaki ang mga mata ko ng tignan ko ito mula ulo hanggang paa

"C-captain?" takang tanong ko

"Coincidence Ms. Shanzer" sabay ngiti nito sa akin at pumunta na sa Counter para bilhin ang kwintas

Naghanap nalang ako ng iba pang pwedeng iregalo kay Moma . Maganda naman si Moma kahit nagkaanak siya ay Sexy parin ito , maputi at maganda .

Nahagip ng isa kong mata ang isang Dress at alam kong bagay ito kay Moma ..  Kaya agad ko itong kinuha , sinabayan pa ng Isang Doll shoes na bagay na bagay kay Moma .

pumunta na ako sa Counter at pina lagay ito sa isang Gift Box at may ribbon pang naka lagay

Excited ko ng tinatahak ang Daang patungo sa bahay

Halaria Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon