chaptera 4:girlfriend

2.9K 69 0
                                    

.

.

.

.

Nagising ako at bago tumayo tumulala muna ako sa kisame saka pumasok sa cr at naligo saka bumaba na ngayong araw na kami aalis ni tita eliz para bumili ng gamit nakakahiya man pero gorabelss nayan atleast makakapag-aral parin ako ayun kasi ang pangarap ko someday makapagtapos ng pag-aaral para makatulong ako kay kuya maggie at mama. Madami naman akong alam dahil top 5 ako sa school namin, oks na sakin yung top 5 ako kaysa naman sa wala ako sa top sa school namin ako ang siga, madaming nagsasabing pag nasa bahay ako iba ang ugali ko pero pag nasa school naman daw ako mas ibang iba ang ugali ko, kaya sabi nila fake daw ako kumbaga sa plastic o goma, ako daw yung plastic at sila ang goma dahil ang goma pagsinunog mo lumalabas ang baho. Ang tunay na maganda may pagka-plastic din pero very very very slight lang hyacinth trixie a.k.a yasi 101 beauty tips

.

Nakita ko ang tahimik sa loob ng palasyo na 'to kaya sumigaw ako ng pag kalakas lakas

.

"MAGANDANG MORNING MGA MADLANG PEOPLE!" maligaliw na sabi ko este sigaw ko pala.

.

Lahat naman ng madadaanan ko binabati ako syempre binabati ko sila ganun dapat ang magaganda, dahil naudlot kahapon ang dapat mag lilibot ako sa palasyong 'to gagawin ko na ngayon. Lumabas ako hindi pa naman sikat ang araw kaya maganda pa maglibot dito sa labas meron palang kubo dito parang fresh dito sa kubo may duyan pa dito ihh.

.

Pumasok. Na ako sa loob ng mag-sawa ako sa labas ng palasyo maliwanag ang bahay kaya mas lalong nag bigay 'to ng ganda sa palasyo yung tiles niya hindi lang siya basta tiles may design pa siya saka yung kurtina niya saka meron 'tong malaking terrace,sa garahe nila maraming kotse ,ang Sy family na ata ang pinakamayaman sa buong karagatan.

.

"Ohh! Iha tara na" nagulat ako sa sumigaw sa likod ko nandito ako sa kubo ala una na pala ng hapon

.

"Tita eliz? Dipo ba nakakahiya? Kami po yung may utang sa inyo, masyado na po naibibigay niyo sa akin, una yung mga masasarap na pagkain, pangalawa yung kwarto pong kinabog ang beauty ko,pangatlo pag-aaralin niyo pa po ako sa isang pribadong paaralan na may libreng mga school supplies" napahinto ako sa pag-sasalita ng maramdaman kong hinihingal na ako "saka akala ko po magiging katulong pa po talaga ako dito" pag-sasalita ko ulit

.

"Haha, Alam mo bang matagal na 'tong napag-----" napahinto si tita sa pagsasalita ng may dumating na gwapong koreanong hilaw

.

"Mom lets go" iritadong pag-aaya niya
Hinila naman ako ni tita eliz saka kami sumakay sa van pero ibang van na ito dahil iba yung sinakyan namin I told you marami silang sasakyan sa garahe

.

Bakit ba kasama pa siya panira lang siya ng girls bonding,ahh sabi na e. Bakla yan juskobels ang gwapings pa naman niya ng super duper bonggalicious kaso bading ang belibels niyo, napatingin ako sa daanan nakita kong puro building pala dito sa manila kaya pala ito ang tinanghal na capital ng pilipinas ang kaso lang kasi ngayun palang ako nakapunta dito this is my first time.

.

Kakadaldal ko nandito pala kami sa isang mall naglalakad lakad kami dito nakita kong nagtitinginan yung mga tao sa banda namin. May problema sila?
Napansin ko din yung iba ang sama sama ng tingin sakin. Insecure lang yan sa beauty ko

marrying a highschool girlWhere stories live. Discover now