chaptera 27: .............

1.6K 49 1
                                    


HYACINTH / DYOSA'S P.O.V

Hindi ko mang gustong umuwi sa bahay pero doon na ako dumiretso sa kwarto ko at nagmukmok hindi ko alam kung bakit kaylangan kong mag inarte ng ganito hahaha!

'Nasasaktan ka na kase!'

Oo yan ang sagot ng sarili ko sa tanong ko nasaktan lang naman palaako eh, bakit namang kailangang ganito yung epekto?

'Mahal mo kase!'

Hindi ba't pag nagmamahal hindi dapat nasasaktan?

'Duh! Pain is also part in love!'

Teka nga! Kanina pa'ko binabara ng sarili ko ah aba sumusobra na ata ang sarili ko at  pati sarili ko binabara ko gets mo? Ako hindi ehh kaya bahala kang intindihin yan!

Maya-maya ay narinig ko ang ugong ng sasakyan agad naman ako tumingin sa wall clock hmm

10:00 na pala

Nilock ko yung kwarto ko saka ako umupo sa study table na katabi ng bintana sumandal ako sa bintana saka tumingin sa langit at napangiti ng mapait
Ang ganda ng mga kumikinang na star
Kakatitig ko sa star nakabuo ako ng pattern ang una kong nabuo ay heart kaya napangiti ako biglang nagbago yung nabuo kong pattern naging b-broken heart naiiyak nanaman ako shet

*tok* *tok*

Napatingin ako sa pinto saka ako tumalon pababa ng study table at dahil nga tanga ako tumama yung paa ko sa dulo ng lamesa.

"Aww----" impit na sabi ko

Saka ako dahan. Dahang pumunta sa kama huminga ako ng malalim at napatango tango dahil naiiyak nanaman ako. Ang sakit kasi sobrang sakit

Ang sakit talaga sobrang sakit talaga kahit ilang sakit pa ang sabihin ko at iiyak ko hindi pa rin nababawasan yung sakit sa puso ko.

Ang daming tanong na bumabagabag sa isip ko, bakit siya may kasamang iba? ? Bakit sinasabi niyang mahal niya ako pero may iba siyang kasama? Bakit ang sakit sakit? Bakit kailangan ko 'tong maranasan? Wala naman akong ginagawang masama diba? Bakit kailangan ako yung masaktan ng ganito?

Halos di na ako makahinga sa sobrang sakit, parang gusto kong mamatay na lang para wala akong pakialam sa paligid ko, kase sila naman yung may pakialam sa akin. Hindi kasi ako makapaniwalang sira na yung tiwala ko kay tristan. Hindi ko kaya

Sana sa mga oras na 'to manhid na lang ako, ayoko ng ganito ayoko ng may masakit sa puso ko ayaw kong i let go yung happiness ko.

Pinunasan ko yung luha ko saka ako tumayo sa tapat ng pintuan at ngumiti kaya ko 'to kaya mo 'to yasi

Binuksan ko yung pintuan saka ko nakita si tristan na nakasandal dito habang nakaupo.

"Tristan" tawag ko saka siya biglang tumayo.

"Baby" nakangiting sabi niya saka lumapit sakin saka ako niyakap

Akala mo walang nangyare yasi? Ganyan ka ba katanga? Ganyan ka ba kadesperada? Akala ko ba matalino ka?

Niyakap ko din si tristan pabalik yung sobrang higpit yung kasing higpit ng pagmamahal ko sa kaniya.

Bakit ganun ka tristan? Sinira mo yung tiwala ko. Sinira mo ng sobrang dali, pero bakit nandito pa rin ako niyayakap ka?

"T-tristan" banggitin ang pangalan niya sa oras na 'to nasasaktan ako. At ayoko ng masaktan pa alam kong sobrang bilis na pero hindi pa ba obvious na hindi ako yung kailangan niya.

"Hmm" halatang pagod na pagod siya, san ba siya pagod sakin? O sa kanina?

Kumalas ako sa yakap sa kaniya saka siya hinarap
Nakatingin siya sa mata ko, yung tingin na parang ang saya saya niya. Bakit?

"I'm letting you go tristan" nakangiting sabi ko habang naguunahan na yung mga luha kong magbagsakan.

Biglang nagbago yung itsura ng mata niya, hindi na saya hindi na siya saya na katulad ng nakita ko kanina, galit! Galit at sakit ang nakikita ko sa mata niya. Naawa ako napapikit ako saka tumalikod sa kaniya at kinuha yung gamit ko. Nakastay pa rin siya sa pintuan

Dinala ko yung gamit ko

"Bakit?" nanggigilid luhang sabi niya tumulo nanaman muli yung mga luha ko, nakatingin lang ako sa kaniya mukha naghihintay siya nang sagot, pero anong sagot ang ibibigay ko?

"Bakit? Bakit Trixie? TANGINA! Sagutin mo ko" umiiyak na sabi niya saka napasabunot sa buhok niya. I'm sorry tristan hindi ko kaya

"Trixie" mahinahon niyang sabi pangalawang beses na niya akong tinatawag sa pangalawa kong pangalan

"Trixie please? Answer me please?" nakaluhod na niyang sabi umiling ako saka tumakbo ako dala yung mga gamit ko.

Huminga ako ng malalim ng nasa labas na ako nagulat ako dahil kasunod ko si tristan.

"Trixie........nasasaktan ako!" sabi niya habang umiiyak sabay ng pag buhos ng malaks na ulan.

"Tristan parehas lang tayo" umiiyak na sabi ko basang basa na kami dito sa gitna ng daan

Lumapit siya sakin saka ako niyakap napaluha nanaman ulit ako

"Trixie wag mo kong iwan parang awa muna"

"Hindi naman kita iiwan, pinapalaya lang kita" umiiyak na sabi ko

Ay ganun din Pala yun
"Trixie wag please wag! Hindi ko kaya! Ayoko wag mo kong iwan! Walang iwanan please?" parang batang sabi niya nakasabunot nanaman siya ulo niya.

Awang awa ako sayo, pero mas naawa ako sa sarili ko

"Mahal mo ko diba?" tanong niya tumango ako "bakit mo ko papalayain?" ngumiti lang ako sa tanong niya saka tumalikod napaluhod siya saka umiyak. Naglakad na ako ng naglakad pinilit kong hindi tumingin sa kaniya kasi baka pag tumingin ako sa kaniya babalikan ko lang ulit siya.

Mahal kita tristan pero gusto ko lang malaman mo kung sino talaga ang mahal mo samin ni beatrix

Pangako babalik  at babalik ako pag ako yung pinili mo.

marrying a highschool girlWhere stories live. Discover now