Chaptera 32: happy birthday

1.6K 44 1
                                    

"Happy birthday to me and you"

Wait what?

Anung sinasabi nito

"It's our birthday KMPMTK look marami Kang supporter KMPMTK" napatingin ako sa paligid ngayon ko lang napansin Yung mga t-shirts ba suot nila

Isang white T-shirt Siya na may nakalagay na HYACINTH THE KMPMTK, may picture ko din nung magkayakap kami ni Tristan at magkasama kami sa mall ni Travis.

Nakita ko may tarpaulin pa silang hawak na ganun din sa damit nila Ang pinagkaiba lang may meaning Yung Kmpmtk nayun.

What a nice birthday party

At napatingin ako sa isang gawi ng Hindi sinasadya ay Nakita ko Siya, mas masakit pa ata ito, kesa sa mga ginawa sakin ni Beatrix

Dahil dun tumakbo ako, dumiretso ako sa cr at dun nilinis Yung mga dumi kahit Hindi naman ito matatanggal

Di napigilang lumabas ng luha ko
Akala ko ba ubos na kayo?

Tok* Tok*

"Ahm, Hyacinth" Siya Yung guy kanina, sa boses niya palang

"No, thanks Kaya ko naman ito"

*Tok *Tok

"Yasi ako ito, si Nicka" binuksan ko naman Yung pinto Nakita ko namang hingal na hingal Siya

"Sorry yasi Chumichi ako, sakit ng Tiyan ko Hindi tuloy Kita natulungan" sinisi niya ng sinisi Yung sarili niya

Hindi ko Siya pinansin nililinis ko ng tissue Yung mukha ko

"Alam mo yasi, nakakainis na talaga yun"

Naalala ko lahat kanina pero ang Hindi mabubura sa isip ko

"Nakita ko si Tristan nakatingin lang Siya sakin na parang walang pake" ngumiti ako sa sarili ko

Nakita ko Yung gulat sa mukha ni Nicki

May pumasok sa cr pero parang wala lang kami dahil busy sila sa pagkukwentuhan

"Narinig mo ba yun?"

"Hindi Yung alin?"

"Nagalit si Tristan nung inannounce ni Beatrix na fiancee Siya ni Tristan"

"Bakit nagalit?"

"Secret daw kasi yun, kasi may iba ding fiancee si tristan, at yun lang di ko Alam kung sino"

Fiancee niya din si Beatrix?

Lumabas ako ng cr at Nakita ko nakasandal Yung guy kanina na tumulong sakin sa pader

"May naghahanap Sayo" sabi nito Sakin

"S-sino"

Ngumiti Siya sakin saka hinawakan Yung kamay ko

"Secret" saka na ako nito hinila

Tumatakbo kami ngayun Jusko bakit ba ako nagpapahawak ng kamay dito?

Huminto kami sa gate ng school

"Na saan?"

"Wait"

"Miguel"

Biglang lumabas Yung gwapong lalaki sa gilid

Medyo namumukhaan ko Siya

"K-kuya Maggie?"

"Ako nga yasing makulit" ngumiti naman ito sakin saka ako binuhat kahit madumi pa ako

Ibinaba niya agad ako

"Dito na ako titira Kasama mo" naeexcite na sabi niya Kaya napakunot Ang noo ko

"Wala tayong sapat na Pera para tumira dito, saka baka maghirap lang tayo balak ko na ngang umuwi"

"Bakit?"

"Kuya bakit ka nga pala, nagmukhang lalaki? Ikaw ah gwapo ka Pala pag lalaki" pagiiba ko ng usapan

"Eh, kasi" napakamot ito sa Ulo niya

"Wag mo na sagutin, Tara na gusto ko ng Makita si mama" saka ko Siya hinalumbitinan

"Bakit nga pala ganyan Yung suot mo Ang dungis mo"

"May palaro sa school, natalo ako Kaya ako Yung may parusa"

Tama na Ang magsinungaling

Sumakay kami ng kotse ni Kuya
Nagtaka ako kung saan galing ito pero natatamad na ako magsalita

Hindi ko namalayang nakatulog ako sa pagod

O_o

o_O

O_O

Nasan ako?

Tumayo ako sa kama at dumiretso ako sa pintuan pero napahinto ako ng mapadaan ako sa salamin

Na-naka Gown a-ako?

Tapos ang Ganda ko pa

Parang may kahawig ako, nevermind
Kung Sino man Ang nagayos sakin selemet hehe

Ibubukas ko sana Ang pintuan ng may bumukas nito

"Yasi kulit?" Nakita ko si Kuya baka tuxedo Siya

Lalaking lalaki talaga itong si Kuya ngayun ah

"Magz Anu meron?"

Yeps magz din Ang minsan tawag ko kay Kuya

"Ako Ang partner mo" nakangiti Siya

Lumabas kami ni Kuya pag bukas ko ng pinto ay saktong pagbukas din ng pintuan ng isang room at Nakita ko Ang sarili ko pero iba Ang Gown niya parehas kaming nakatingin sa isa't Isa

Na iba lang ang tingin ko ng bumukas Ang mga Patay na ilaw at nagulat ako ng

"Surprise!"

marrying a highschool girlWhere stories live. Discover now