1

1K 29 24
                                    

 "EH NANAY! SIGE NA ISANG LIBRO LANG PLEASE!" Sabi ko sa nanay ko pagkalabas namin ng sasakyan. Hawak hawak ko pa braso niya.


Paano ba naman kasi, kakarelease lang ngayon nung inaabangan kong libro. Talagang sinadya ko na mag aya ngayon sa mall para mabili ko agad. Adik sa libro eh, sorry.

Pero ayos naman yun 'di ba? Kaysa naman sa rugby ako naadik. Bad 'yon.


 "Naku, Samantha Alonzo,  kung 'di lang kita mahal." Sabi niya sa'kin habang kinukuha yung pera sa wallet niya.


Di naman kailangan na bigyan niya ako ng pera kasi talagang pinagipunan ko 'to, pero di ko rin naman sinasabi na di ko kailangan.


"Ayun, love na love talaga ako ni Mama! Bawi ako mamaya sa bahay, ako yung maghuhugas ng pinggan." Sabi ko sakaniya ng nakangiti tapos hinalikan ko siya sa pisngi. Agad agad naman akong umalis at pumunta sa bookstore.


"Samantha, wag mong gastusin lahat 'yan." Pahabol na sabi ni mama.


 "Mahal mo naman kamo ako eh!" 


**


 "Home sweet home." Bulong ko sa sarili ko.


Pagpasok ko pa lang, amoy ko agad yung amoy ng mga bagong libro. Kung may gumawa lang ng perfume na amoy libro, bumili na ko non.

Pumunta agad ako dun sa stand na may nakalagay na NEW RELEASES  tapos pagpunta ko, agad kong hinanap yung libro na gusto ko, pero bakit wala?

Sinubukan kong tignan sa section ng mga fiction na books kaso wala rin. Naubos na agad? 

Pero gusto ko talagang bumili ng bagong libro kasi wala na akong mabasa sa bahay. Saka baka bawiin ni mama yung bigay niya pag nakita niyang wala akong binili dito. Sayang naman, minsan lang yun magbigay eh.

Maya-maya, habang naghahanap ako ng libro, may dumating na lalake. Wala naman akong pakealam sakaniya pero napansin ko na nakapaa lang siya. Weird.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


 "Luh. Bahay mo? Bakit ka nakapaa? May tama ba 'to?" Tanong ko ng pabulong sa sarili ko. 


Di ko nalang pinansin at pinagpatuloy ko nalang yung paghahanap ng magandang libro. Nakakuha ako ng anim na libro na sakto lang sa bigay ni mama at sa pera ko. Paalis na sana ako dun sa aisle para pumunta sa cashier, bigla nalang ako nabunggo nung lalaking nakayapak kanina.

It Started With A Book (Unique Salonga Fanfiction)Where stories live. Discover now