4

531 23 13
                                    


Unique's Point of View

Shit.


"Hoy, Nikkoi ano na? One last practice bilis." Sabi sa'kin ni Zild tapos kinuha na niya yung bass guitar niya.


Kinakabahan ako mamaya. Pupunta dito si Sam taps makikita na niya na ako pala yung vocalist sa IV of Spades. 

Gulat nga ako nung una, bakit di niya ako kilala. I guess she wasn't the type that listens to our music. Sabi niya sa'kin dati, ang pinapakinggan lang niya ay classical piano music habang nagbabasa siya ng libro. At wala siyang social media. 

Kinakabahan ako. Para akong matatae. Seryoso.

Baka pumiyok ako mamaya, baka matalisod ako mamaya, baka makalimutan ko yung lyrics.


"Baka pwede na tayo magsimula?" Kalabit ni Blaster sa'kin.


"Saglit lang kasi." Sabi ko ng galit na nakatingin sakaniya.


Binatuhan ako ni Badjao ng drumstick, "Mamaya ka na magmuni-muni dyan!"  Dagdag niya.


"Wait. Tungkol ba to sa girlfriend mo?" Pang asar naman ni Zild sa'kin tapos pinisil pa pisnge ko.


"Anong girlfriend? Hindi ah!" 


"Si Samantha?" Tanong ni Blaster.


"Paano mo naman nalaman yon?" Sabi ko na gulat kay Blaster.


"Eh pucha, passcode mo ba naman 1234? Sinong hindi malalaman?"


"Gago. Magpractice na nga tayo!"


Maya-maya rin, nagsimula na yung gig. Mga kabanda ko at crew inaasikaso na yung stage saka stage pero ang nasa isip ko lang ay si Samantha. Bakit wala pa siya?

Nag iwan ako ng texts sakaniya pero di siya nagrereply. Sisipot kaya yun?


**

Samantha's Point of View


"Mommy, bakit ngayon pa?" I asked her when she told me na kailangan kong bantayan little brother ko.


"Eh sino magbabantay kay Symoun? Ngayong gabi lang, Sam." Sabat naman ni Mommy.


"I'll be fast! I swear-"


"Hindi ko ibabalik sa'yo cellphone mo pag umarte ka pa dyan, Samantha." Sabi niya tas sabay pakita ng cellphone ko na nasa kamay niya. Tapos lumabas na siya ng kwarto ko, leaving me dumbfounded. 


Paano na? I tried looking for him on social media pero for some reason, I can't find his facebook. Unique Salonga ba talaga name niya?



It Started With A Book (Unique Salonga Fanfiction)Where stories live. Discover now