"Sabihin mo si Blaster. Sabihin mo si Blaster..." Paulit-ulit kong bulong sa sarili ko. I remembered seeing fan accounts shipping them both as BlasNique last night.
"Sadly, dapat si Blaster sasabihin ko pero yung isa dyan, inagawan ako" Biro ni Unique.
"Joke lang." Pahabol naman ni Koi, "Ew."
"Ang dami mong satsat! Sabihin mo na!" Sabi naman ni Aimee sa mic.
"Sabihin na yan! Sabihin na yan! Sabihin na yan!" Sabi ng crowd.
I was looking at the girls sa likod ko na todo todo sumigaw, kayo nalang umakyat gusto niyo?
"Di ko alam kung gusto niya maging tahanan at mundo ko. Pero kung gusto man niya o hindi, siya pa rin ang tahanan at mundo ko. Miss Samantha Alonzo, maari ba kita imbitahan sa stage?"
The crowd cheered tapos napatingin ako sa mga babae sa likod na gulat na gulat na ako pala yung Samantha na sinasabi ni Unique. I was completely smiling the whole time, kahit na feel ko anytime matatapilok or matutumba ako on stage dahil nanginginig binti ko sa kaba.
Sinalubong ako ni Unique sa dulo ng stage tapos nakangiti siya sa'kin, "Hi, Miss."
"Baliw!" Pinalo ko siya ng mahina habang papunta kami sa pwesto niya sa stage.
"May time pa ba?" Tanong ni Unique sa crew dun sa likod ng stage gesturing his watch. The crew nodded and signaled him 10 minutes. Huh? Para saan naman 'to?
"Nakilala ko si Samantha dahil pinag awayan namin yung isang libro na gusto namin pareho. Isang simpleng libro. Hindi ko inakala na ng dahil sa librong 'yun, ibibigay sa'kin ang pinakamagandang babae na nakiala ko sa mundo."
I was smiling at him the whole time and tried not to cry. Nakakahiya.
Damn, I love this guy.
Nagulat ako nung biglang may inabot si Zild kay Unique na libro. It was the book that we fought over. The book that made us met.
"Sam, basahin mo yung nasa first page." Sabi niya sakin ng wala sa mic. Inabot niya sa'kin yung book tapos medyo nalilito pa ako kung anong nangyayari.
"Samantha Alonzo,
Handa akong ibigay sa iyo lahat ng libro ko at lahat ng libro sa buong mundo kung kapalit nito ang makita kang masaya habang buhay na kasama ako.
P'wede bang ikaw ang maging Elizabeth Bennet sa Fitzwilliam Darcy ko?
P'wede bang ikaw ang maging tahanan at mundo ko?"
I read the whole thing out loud sa mic tapos I looked at him and I hugged him really really tight.
Nagtilian ulit yung audience and Unique is still looking at me. Waiting for my answer.
"Sorry miss, pero ayoko." I said to him off mic. I was imitating what he said to me nung una kaming nagkita.
After kong sabihin yung bigla siyang nakasimangot and that me laugh, "May 3 minutes ka pa para sumagot."
Nakakapressure naman?
Nakalimutan ko na nasa stage nga pala kami and the audience is still waiting for my answer.
"I've met Unique who loves books and Unique who loves music and I learned to love them both. So yes, Unique Salonga, I'll be your Elizabeth Bennet to your Fitzwilliam Darcy and ofcourse I'm willing to be your tahanan and mundo..."
Tumalon talon siya ng nakangiti sabay sigaw ng "YES!" tapos di siya mapakali kaya bigla nalang niyang niyakap pa siya ni Zild.
"Ako walang hug?" Pout ko sakaniya.
"Mamaya pagkatapos ng gig, hindi lang hug matatanggap mo." Kindat niya tapos hinampas ko siya at natawa siya, "Joke!"
"I love you, Samantha Alonzo." Sabay kiss sakin sa forehead.
"I love you more, my epal."
"Hoy, lagpas 10 minutes na! Matatanggalan tayo ng trabaho nito dahil sainyong dalawa!" Sigaw ni Badjao.
"Mawalang galang lang, Samantha. Bumaba ka na ng stage!" Sigaw naman ni Blaster.
"Eto na! Sorry!" Sabi ko naman tapos tinignan ko ulit si Unique na ayaw bitawan kamay ko, "Goodluck."
"Basta nandiyan ka, tingin ko lagi na akong sswertehin, Sam."
YOU ARE READING
It Started With A Book (Unique Salonga Fanfiction)
FanfictionWhere Samantha and Unique meets because of a book, she didn't knew she'd find herself wanting more than just the book. A (very) short story that's originally written and created in Twitter. (@BLASTERIFIIIC_)