2| Cosima Wing

8.3K 373 8
                                    

Maaga akong nagising dahil bumungad sa'kin ang alingawngaw ng speaker sa bawat poste ng City of Commons

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maaga akong nagising dahil bumungad sa'kin ang alingawngaw ng speaker sa bawat poste ng City of Commons.

"Good Morning Citizens of Commons, you are given the privilege to serve the people of beauty. Please approach the gates of the City. Pay is to Silvers to Quartet Gold," paulit ulit lang na binroadcast 'yan at napakamot na lang ako sa irita. Medyo yumuko ako dahil sobrang baba lang nung ceiling ng bahay namin at bitin sa height ko ito.

Napailing na lang ako sa narinig sa speaker dahil naulit na naman ang katagang 'privilege to serve the people of beauty' napamura ako sa taas ng tingin nila sa sarili nila dahil lang sa magaganda ang mukha nila. Pagtingin ko sa maliit na mesa na tinatawag kong kusina ay wala ng kape. Agad akong nabadtrip.

"Shilo! Kahit kelan ka talaga!" pasigaw kong utas sa hangin. Hinanap ko ang bag na punong-puno ng pera. Nang makita ko ang bag na ngayon ay puro papel na lang ang laman ay napahilamos ako ng mukha. Kinabahan ako at medyo nanlata, hinanap ko sa buong sulok ng maliit kong bahay pero wala ang pera. Binuhos ko ang laman ng bag pero blankong papel talaga ang laman. Nanlumo ako at napaupo sa sahig. 'Di ko maiwasang matulala. Hindi ako iyakin. Pero sobrang bilis kong magalit.

Inisip ko ang mga pangyayari kahapon. Alam kong hindi ako lolokohin ni Tata Talon dahil tiningnan ko pa at chineck ko pa kung pera nga ba ang laman nung binigay niya sa akin at ako pa ang naglagay no'n sa bag. Pagtapos ay pumunta akong Bordello at uminom at nang maalala ko na ang lahat. Napasabunot ako sa buhok nang maalala yung lalaki na mala-Pure ang mukha ay magnanakaw rin pala. Nabiktima pa ako ng kapwa ko magnanakaw. Naalala kong pinaulit niya sa akin ang pangngalan niya. "Sagan," galit kong bigkas matapos matanto kung sino. Kaya pala. Ang tanong 'yon ba talaga ang tunay niyang pangngalan? Bakit niya pinaulit? Para lituhin ako? 'Yon lang siguro ang naisip niya para lansihin ako nung mga oras na 'yon.

"Good Morning, Citizens of Commons, you are given the privilege to serve the people of beauty. Please approach the gates of the City. Pay is to Silvers to Quartet Gold..." Kaya napatayo ako at naligo. Imbes na kumakain na lang ako ng tsokolate, magtatrabaho pa tuloy ako para sa mga gunggong na mga Pure na 'yon. Nagmura akong madiin.

"Cosima Wing. The theater." Ibinigay ko ang hinliliit ko sa machine na gumagawa ng malapapel na singsing. Tanda 'yon na isang servant at pagiging isang Dull na papasok sa City of Beauty. Nanlaki ang mata ko, alam kong random ang mga trabahong ibibigay sa'yo pero pinapadala muna ang pictures namin sa mga nakatataas at ang mga Lords of Houses ang mamili sa mga maglilinis ng lugar nila. Kaya paswertehan minsan. Last time tatlong silver ang nakuha ko at naglinis lang naman ako sa banyo ng isang bar. Mangiyak-ngiyak ako sa amoy ng suka at sa halaga ng serbisyo ko.

Pero medyo natuwa ako dahil Quartet Gold para sa theater room ng isa sa mga bahay ng Royalt Family sa labas ng inner palace. Syempre kumpleto ang mga tao nila sa mismong palasyo. May mga kanya-kanya pang lugar ang Empirium Royalt sa labas ng palasyo at doon ako naatasan maglinis dahil madalang din naman iyon puntahan ng mga Royalts kaya konti lang ang tao sa mga lugar na gano'n. Agad akong naglakad papunta sa Cosima Wing pero naramdaman kong naduduwal ako. Kaya nanlabo ang paningin ko at nagmadaling pumasok sa pinakamalapit na public restroom dito sa loob ng City of Beauty.

Nang nakita ko na ang bowl ay agad kong sinuka lahat ng tubig na ininom ko. May hangover pa ata ako. Wala akong agahan o kahit pandesal man lang. Kapag mahirap ka biyaya na yung may tubig ka. Nang maayos ko ang sarili ko ay lumabas na ako ng banyo. Nanghina ako kaya medyo napahilig ako sa pinto kaya napalakas ang bukas ng pinto sa bigat ko.

May tinamaang bagay. Nang makita ko ang humagis na pinto at isang paa nung taong nakahiga sa sahig ay 'di ko napigilan ang tumawa. Sobrang lakas ng tawa ko. May nakahigang tao. Agad ko siyang nilapitan nang matapos na akong tumawa. Doon din pumasok ang takot sa sistema ko. Ayokong mabitay agad.

"Naku, pasensya na po kayo. Hindi ko naman po alam na--" nang tumayo siya ay una kong napansin ang damit niyang isang magandang tux na halong shade ng blue at gray. Papataas sa kintab ng gold pin niya. Gulo-gulo rin ang ash blonde na halong gray, ang ganda lang nung pagkakulay nung buhok niya hindi siya nagmukhang matanda, dahil kaedad ko lang siya, tama lang ang kapal at alon nito at sa sobrang perpekto niyang mukha. 

Isa siya sa mga pinakamagandang nilalang na nakita kong buhay sa City of Beauty. Kahit saan ka lumingon sa city na ito ay lahat sila magaganda, perpekto ang mukha. Nakakaumay. Iba siya, may kung anong ere sa tindig at ayos niya pati na rin sa manners. Siya yung parang presensya niya pa lang inuutusan ka na. Gano'n ang dating niya. Very charismatic. Nang tinagpo niya ang mata ko ay napaatras ako at muntikang mapaiwas dahil sa intensidad ng mga mata niya. Pero 'di ko tinanggal kasi wala itong buhay, it was dead. Kulay amber ito pero madilim na parang itim lalo na siguro kung gabi. Gano'n siya kadilim tumingin. Pero tumawa siya. At medyo nawala ang takot ko.

"Kita mo 'to?" Tinuro niya ang malaking M sa pinto. At 'di ako tanga para hagilapin pa sa diksyonaryo iyon.

"Sorry po, sorry po 'wag niyo po ako isumbong sa Skull Guards, 'di ko po sinasadyang saktan kayo--"

"At tawanan ako nang makitang natangay ako sa hampas ng pinto at tumilapon sa sahig? Paano kung nasira ang mukha ko? Kakayanin mo kaya ang halagang Tera Gold?" He meant the entity he needs at Tera Gold ang pinakamalaking halaga ng pera sa mundo namin.

Perfectum Entity ay isang natural way para maabot ang perpektong mukha, and they are bought only by royalties na ipinanganak na pangit, sila lang naman ang may kayang bumili no'n para makapasa sa standards ng lipunang ginagalawan namin. Some of them really needs it. Hindi lahat ay pinanganak na maganda sa loob ng City of Beauty. May mga 20% na pumalya. Pero wala pang naitalagang may nag-ingest ng Perfectum Entity sa generation ng Empirium Royalt. Sa ibang bansa meron na.

"Humihingi po ako ng tawad. And my vows to the Seal of Fate in treaties of our Country to the three Cities. I take full responsibil--" Naputol na naman ako nang tumawa siya. Bakit ba tawa nang tawa 'to pero walang buhay ang mga mata?

"Quit it. Okay lang 'yon, just be sure to be careful at ayokong abalahin ka sa trabaho mo. And... See you later." He winked at me sa mahinang pagkasabi nung huling salita. I curtsied nang tumalikod na siya paalis, sinundan ko siya ng tingin dahil iba siya sa mga Pure, hindi siya matapobre. Even the Pure's are bowing their heads to him at humahawi pa sila sa daanan niya. May sumunod sa kanyang lalaki na stressed at mukhang kanina pa siya hinahanap. Kamag-anak siguro ng royalty. They wouldn't bow even if it was a high rank nobleman. Nagkibit-balikat na nga ako at pumunta na sa theater ng Cosima Wing. Naisip ko, okay siya, siguro kung ibang Pure ang tinawanan ko ay pinugutan na siguro ako ng ulo. 


+++++

Terms Used:
Silvers- 10
Gold- 100
Quartet Gold- 500
Tera Gold- 1000
Perfectum Entity - Glass Cube medicine, to achieve the perfect ideal look of what it means to be beautiful
Empirium Royalt- Royal Family.

Any questions? Comment down below. Thank you.

Vote. Comment. Share

City of Beauty [SELF-PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon