Chapter 2

14 0 0
                                        

Alas-tres na ng madaling araw ng napagdesisyonan kong umuwi na. Nakakapagod ang araw na ito at siguradong may part 2 pa bukas! Ilang beses na akong napahikab sa antok gayong nasa jeep pa lamang ako. Malayo layo pa ang byahe at para akong spartans na nakikipaglabanan sa antok dahil hindi ako sanay matulog ng bumabyahe. At isa pa, lima lang kameng pasahero ng jeep at talagang napakaluwang. Baka mamaya'y may sumakay na holdaper o kaya ay kidnaper.

"Para po!" Usal ko sa driver na napakabilis magmaneho at parang inaantok pa.

Hindi niya ako narinig! Lagpas na ko sa amin, ang layo na naman ng lalakarin ko nito.

"MANONG PARA HO!!!" Sigaw ko sa driver ng pagkalakas-lakas na parang alarm clock na nagpagising sa natutulog pa nitong diwa.

Pumreno ng napakalakas si kuyang driver dahilan para mangudngod ang muka ko sa upuan at magslide palapit sa harapan. Grabe! Ang sakit ha! Parang natanggal ang ilang tissue sa ilong ko, bwiset na driver to!

"Kuya, dahan dahan naman! Ano ba yan!." Reklamo ko habang pababa ng jeep.

Hindi pa ko tuluyang nakakababa ay umandar na ng napakabilis ang jeep na naging dahilan para mahulog ako at sumalampak sa lupa. GRABE NA ANG DRIVER NA IYON! HUMANDA SYA SAKEN PAG NAKITA KO SYA ULIT! Sumasakit pa nga ang ilong ko, dinagdagan pa ng sakit sa pwet at balakang. BWISET!!

Paika-ika akong naglakad papuntang apartment ko. Ang sakit talaga ng katawan ko huhu! Pag-akyat ko ng kwarto ay may napansin akong tao na nakatalikod sa may sampayan.

"Uhm. Sino yan?" Tanong ko sa taong iyon dahil hindi ko alam kung babae o lalaki sya o kung tao pa ba siya. Dahan dahan itong lumingon at nasinagan ng liwanag ng buwan ang kanyang mukha.

"Hi candycane." Nakahinga ako ng maluwag ng makitang si Sky lang pala ito.

"Sky? Anong ginagawa mo dito? Alas-tres na oh. Kanina ka pa ba?" Tanong ko.

"Uhm. Actually, kakarating ko lang hehe!" Sagot nito.

"Tara. Pasok ka sa loob." Anyaya ko.


Sky's POV

Pasado alas-dose na at hindi pa rin ako makatulog. Naalala ko sa utak ko ang mukha ni candice kanina noong napagalitan sya ni manager.

"Ayt! Okay ka lang kaya Candy?" Tanong ko sa sarili ko na parang baliw.

Mas maigi kung puntahan ko sya para makasigurado. Dali-dali akong tumayo sa higaan at kinuha ang susi ng motor. Dumaan muna ako sa 7-11 para bumili ng beer at ng makakaen bago dumiretso kila Candy.

Pagdating ko ay walang tao. Bakit? Asan sya?

"Ah. Miss Delata?" Tanong ko sa landlady ata ng apartment na ito.

"Delia." Sagot naman niya.

"Ah. Sorry, Miss Delia, nasan ho si Candice?" Tanong ko ulit.

"May raket daw sya ngayong gabi sa bar. Baka mamaya pa makauwi. Bakit?"

"Ah. Ganun po ba. Sige po, hihintayin kona lang po sya dito."

Umalis na ito at naiwan ako sa taas magisa. Tinignan ko ang relo ko, 12:40 am na. Matagal pa kaya sya?

Nilibang ko muna ang sarili ko habang hinihintay si candy. Naglaro sa cellphone ng mobile legends hanggang malowbat ang cellphone ko, naghanap ng pattern mula sa bituin. Nakabuo ng puso, kahit papano mukang may pag-asa ako. Pag-asa na magustuhan ni candy.

Oo gusto ko sya. Matagal na. Palabiro sya, mabait, masipag at lahat ng katangian nya ay gustong gusto ko bonus na lang ang kagandahan nya at ng boses nyang mala-anghel tuwing kumakanta sya. Pero ayokong umamin. Bakit? Dahil natatakot ako. Natatakot akong mawala ang friendship naming dalawa, ang pinagsamahan namen. Ayoko syang mawala, hindi ko kaya.

The time between usWhere stories live. Discover now