Chapter 3

9 0 0
                                        

Jheelal's POV

Liwanag ng sikat ng araw ang tumatama sa mukha ko dahilan para magising ako.

HMMM! Napahikab ako nagunat unat ng katawan.

"Goodmorning candy!"

O_O?

OMG! Nandito nga pala si Sky! Mygawd!

Dali-dali akong tumakbo sa cr para tignan ang mukha ko. Waaaaah! May muta pa ako sa dalawang mata, panis na laway sa gilid ng labi at mukhang mangkukulam ang buhok ko! Nakita kaya ako ni Sky? Naku, sana hindi. Sigurado akong mate-turn off yun saken huhuhu! T_T

Nag-ayos muna ako ng sarili, nagtoothbrush, nagsuklay at kung ano ano pang ritwal bago lumabas ng banyo.

Dahan dahan pa ang labas ko at sakto namang kaharap kopa mismo si Sky.

O_O!

Ganyan ang itsura nya ng makita ako.

"Bat parang nakakita ka ng multo?" tanong ko na may halong pangaasar.

"Ah. Hindi naman multo ang nakita ko e." Sagot nito habang nakangiti ng napaka-lapad.

"Hm? Eh ano?"

"Isang diwata hihihi!" wika nito sabay tawa.

Natawa naman ako pero palihim lang. Baka isipin nya, ambisyosa ako eh. Pero to be honest, kinilig ako sa sinabe nya sabayan mo pa ng ngiti at tingin nyang nakakatunaw. Si Sky na yata ang pinaka—or should I say, pangalawa sa pinakagwapong nakita ko. Una ang papa ko syempre.

Nagpatugtog ako at sinabayan ko ng konting sayaw. Ito na ang exercise ko araw araw para kahit papano ay hindi maipon ang mga kinakaen ko sa tyan.

No need to imagine,

'coz I know it's true!

They say all good boys go to heaven,

But bad boys bring heaven to you.


Medyo napatigil ako sa ginagawa ko ng mapansin kong nakatitig sa akin ni Sky na naghahanda ng almusal.

"Bakit? Nagagandahan ka nanaman saken no?" biro ko sa kanya.

"Bakit ganyan yung kanta mo?" takang tanong nito.

"Bakit? Anong masama sa kanta ko?"

"Wala. Parang double meaning eh."

"Ang alin?"

"Bad boys bring heaven to you." Sagot nya.

Napaisip tuloy ako kung anong meron. Bad boys bring heaven to you? Hala? Oo nga no? Shitywap. Bat hindi ko naisip yun? Nakakahiya! Baka isipin nya, manyakis ako.

"Bat namumula ka? Tama ba yung sinabe ko?" tanong nito habang nakangiti ng nakakaloko.

Napa-irap na lang ako para hindi magmukang kashunga-shunga. Hay nako Jheelal, kaganda-ganda mo shunga ka naman!

"Kumaen na tayo." Yaya ni Sky saken. Dahan dahan akong naglakad patungo sa lamesa para hindi halatang tagilid ako kanina. Halos mapanganga ako ng makita kung anong inihanda nya.

"Wow! Ikaw talaga nagluto nito?" tanong ko habang takam na takam sa pagkain.

"Oo. Nakita mo naman diba?" pilosopong sagot nito sakin.

"Wala namang laman ang ref kanina ah."

"Namalengke ako nung natutulog ka."

"Ah. Anong tawag dito?" turo ko sa color red na mukang maanghang. Ngayon lang ako nakakita ng ganto at ngayon lang den ako makakatikim.

"Ah yan. Chilli Paneer, popular Indo-Chinese recipe eaten as an appetizer or main course as well." Paliwanag nya saken.

"Appetizer? Eh umaga palang ah?"

"Matagal na kase akong hindi nakakakaen nyan. Kaya gusto ko sanang itry ngayon. Hindi naman pwede mamaya dahil may trabaho tayo ng tanghali at hindi ka pwede sa gabi kase may raket ka diba? Kaya heto, ngayon ko na niluto. At para naman, matikman mo ang luto ko."

"Hm. Mukang masarap hehe. Eh ito? Ano ito?" turo ko naman sa isa pang pagkain na kulay white na pa half-moon ang hugis at medyo toasted.

"Quesadillas. Mexican dish where tortillas or roti are stuffed with roasted vegetables and cheese and then grilled on a pan."

"At eto naman?"

"Jalapeno poppers."

"Wow! San ka natutong magluto ng mga yan?"

"Ah eh... Napanood ko lang." Sagot nito ang kumuha na ng pagkain.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at kumuha na rin ako ng pagkain. Whooo! Grabe ang sarap! Mahilig ako sa maanghang kaya naman talagang fit kame ng mga niluto ni Sky.

Matapos ang pagkain ay balik nanaman ako sa paglalaba habang si Sky ay nasa may sampayan nanaman at may kinakausap. Seryoso ang mukha nito at parang galit. Ngayon ko lang sya nakitang nakasimangot, ano kayang problema nya?

"Tulungan na kita jan candy." Alok nito sakin at kinukuha ang brush sa kamay ko. Nakangiti na ito ulit na parang walang nangyari.

"Okay ka lang ba Sky? Kung may problema ka, wag ka mahihiyang lumapit sa akin ha?" seryosong sabi ko sa kanya.

Napatigil ito at natulala sa akin. Parang may gusto syang sabihin pero ayaw gumalaw ng labi nya. Ngumiti na lang ito at tuluyan ng kinuha ang brush sa akin.

Habang nagsasampay ako ay para bang may nakatutok na hose sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko ang hinayupak na si Sky ay may hawak ng hose na nakatutok nga sa akin.

"SKY!!!" sigaw ko habang tumatakbo palapit sa drum para kumuha ng timba at ibubuhos ko ren sa kanya. Nang maabot ko ang timba ay dali dali akong sumalok ng tubig at ibinuhos ng napakalakas sa kanya.

Bagsak ang buhok nito at talagang basang basa na ang buong katawan. Halos mamatay ako kakatawa ng makita ang reaksyon ng muka nya, magkahalong gulat at asar ang makikita mo HAHAHA! Pano ba naman, duon ko tinunaw ang mga nagyeyelong bote ng inumin kanina galing sa ref.

"I dare you to do the ice bucket challenge! HAHAHAHAHA!" panga-asar ko sa kanya.

"CANDY! ANG LAMIIIIG!" sigaw nito at kumuha ng planggana at sumalok ren ng tubig sa drum. Dali dali akong nagtago sa likod ng malalaking drum sa gilid ng apartment ko para hindi nya ko mahabol.

Sumilip ako sa labas. Nakapagtataka naman. Nasan na ang gunggong na iyon? Pumasok na siguro sa loob at hindi kinaya ang ginaw hahaha! Akmang tatayo na sana ako para ituloy na ang paglalaba ng biglang...

"Challenge accepted! HAHAHAHA!" Natulala ako ng maramdaman ang lamig na nagingibabaw sa buong katawan ko. Grabe ang lamig! Parang titirik ang mata ko. Hindi ako makagalaw at parang na-froze ako sa kinatatayuan ko ng mga panahon na iyon. Isang pamatay na tingin na lang ang naisagot ko sa mokong na si Sky na nasa likod ko lang pala kanina pa.

Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko dahil hindi ata kinaya ng cells ko ang lamig.

"Huy? Okay ka lang?" tanong ni Sky ngunit hindi ko sya sinasagot.

Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ang init na nanggagaling sa mga bisig ni Sky. NIYAKAP NYA AKO! Lord thank you!!! Please, itigil mo ang oras lord, please!!!!

"Sorry." Bulong nito sa akin habang yakap-yakap ako. May kung anong kuryente ang dumaloy ng mga oras na yon sa katawan ko, ewan ko lang kay Sky kung meron den.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The time between usWhere stories live. Discover now