Kim Taehyung

102 12 1
                                    

"'Di ba si V 'yon?"

"Hala, oo nga."

"Mukha siyang lonely, hahaha."

"Teka, baka hindi naman siya."

"Siya 'yan, mata pa lang, kahit naka-mask kilala ko!"

"Pa-picture tayo."

"Teka, buti dala ko album nila, magpapapirma ako."

"Oh, my god."

Nahakot nito ang atensyon ni Wuzzy na siyang kumakain ng ice cream habang tumitipa sa phone niya.

Pinanood niya ang paglapit ng ilang babae sa mesa ng isang lalaking nag-iisa. Naka-mask ito at naka-jacket na may dobleng denim jacket sa labas.

Nangunot ang noo niya dahil pamilyar ito sa kanya, hindi niya lang maalala.

Tinignan niya ang mukha ng lalaki, pero mata lang nito ang kita at natatakpan ng bangs ang noo nito.

"Oppa, can you sign this?"

Nakalapit na ang mga babae kanina, at doon lang napagtanto ni Wuzzy kung sino ito.

Si Kim Taehyung!

Agad siyang napatayo na ikinagulat ni Eunwoo na siyang kasama niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong jito sa kanya.

"Liit, si V, kinukuyog siya." Sagot nito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa nakaupong lalaki sa 'di kalayuan na napapalibutan na ng mga babae. Na kumuha sa atensyon ng ibang tao sa shop lalo na ng mga babae.

"Oh, ano naman?" Walang pakeng sagot ni Eunwoo.

Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Wuzzy. "Anong ano naman?" Naiinis na asik ng maputlang babae, "Tutulungan natin siya." Sabi nito at hinila na ang lalaking kasama.

"Excuse me." Entra ni Wuzzy at pilit hinawi ang mga tao habang hatak-hatak si Eunwoo.

"Ano ba miss."

"Epal, bwiset."

"Sino ka ba?"

Hindi niya pinansin ang mga sinasabi ng mga nadadaanan niyang babae na naiinis sa pagpasok niya sa kaguluhan.

"Okay ka lang?" Bulong nito sa lalaking ipinunta niya, nakatingin siya sa mga taong nakapalibot sa kanila, habang ang lalaki naman ay nakatingin sa kanya. Hindi makapaniwala.

Agad na tumayo ang lalaki at hinila siya paalis sa mesang 'yon, pero hawak ni Wuzzy si Eunwoo na siyang pumigil dito. Hinarang naman sila ng mga babaeng nakapalibot.

"Ano ba, miss? 'Wag ka ngang epal." Sabi ng isang matangkad na babae. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa kamay ni Taehyung na nakahawak sa pulsuhan nito.

Muli siyang hinila ni V, dahilan para mapabitaw siya kay Eunwoo at mapakapit sa damit ng babae.

"What the hell? Don't touch me!" Sabi ng babae at saka hinaltak ang kamay nito mula sa damit niya. Nabigla ang ilan sa inasal ng babae. Pero nagulantang sila nang hiklatin ng babae ang blouse ni Wuzzy. "That's for touching my expensive dress."

Hindi agad nakapag-react si Wuzzy dahil bigla pa ito sa hindi inaasahang paghila sa kanya ni Taehyung.

Napuno ng tawanan ang buong shop, kahit ang ilang walang pake ay nakitawa rin.

Nag-igting ang panga ni Taehyung dahil dito, naiinis sa nangyayari. Kaya muli niya itong hinila. Hindi na lang gustong patulan ang babae. Pero nakaamba ang kamay ng babae, handang sabunutan si Wuzzy pero lumapat ito sa noo nito, para makalmot ito.

Kitang-kita ang tatlong linya sa noo niya na hindi gaanong mahaba, nagsimula iyong dumugo.

Napapikit si Taehyung dahil dito. "Back off, whoever you are." Kalmado pero may diing sabi niya, "You'll pay for what you did."

Napaatras ang babae. Magpapaliwanag pa lamang pero nakaalis na ang dalawa. At bago naman sumunod si Eunwoo na siyang tahimik lang kanina dahil din sa bigla ay malamig na tinignan ang babae, "We'll see you in the court."

Nang makalabas ang dalawa, napahagulgol si Wuzzy. Hindi naman alam ni Taehyung kung ano ang gagawin kaya niyakap niya ito, na muling ikinabigla ni Wuzzy.

"Shh, don't cry." Mahinang bulong nito at hinagod ang likod ng maputlang babaeng yakap niya.

Napatango-tango si Wuzzy at saka ibinaon ang mukha niya sa dibdib ng lalaking myembro ng BTS.

Hindi man makapaniwalang yakap niya ang idolo, hindi siya nag-react at ninamnam na lamang ang pagkakataon.

Pagkaraan ng ilang minuto silang ganoon ay naghiwalay rin sila sa yakap. Nahihiyang napayuko si Wuzzy, hindi makatingin sa lalaki. "P-pasensya na, ikaw dapat 'tong iaalis namin doon p-pero nagkagulo pa dahil sa akin. S-sorry talaga." Sabi niya. "Ba-babawi ako." Dugtong nito at tumingala para tignan ang kausap pero nakaiwas ito ng tingin sa kanya.

Huminga ng malalim ang nakakagat labing si Taehyung, hinubad niya ang denim jacket at saka ibinigay ito sa clueless na si Wuzzy. "Isuot mo."

"Hah?"

Hindi naman nagsalita si Taehyung at saka kinuhng muli ang jacket, hinawakan niya ito sa mga manggas at saka inilibot sa leeg ni Wuzzy na nakatitig sa kanya. Para siya nitong yakap na nakapagpakabog lalo sa naghuhurumintado niya nang dibdib.

Ibinuhol niya iyon doon ng dalawang beses pero hindi mahigpit at masikip. Tama lang para matakpan ang nakabukas nang blouse ng dalaga na doon lang napansin ni Wuzzy. Pinahid niya din ang dugong nasa noo nito gamit ang panyo niya na may onting mantsa ng tulo ng ice cream.

Muli siyang napayuko, "S-salamat."

Hiyang-hiya siya sa nangyari.

Na imbis na siya ang magtanggol sa lalaki mula sa loob, siya pa ang iniligtas nito mula sa babaeng halatang fan nito kanina.

Pinara ni Taehyung ang paparating na taxi, una siya nitong pinapasok sa loob at saka ito sumunod.

Doon, nakalimutan niyang kasama niya ang kababata na noo'y nanonood sa kanila magmula nang sila'y lumabas.

Napailing si Eunwoo, mapait na napangiti.

Dummy ▶ VHyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon