chapter 9

10 0 0
                                    


Angel point of view


nagising ako dahil nararamdaman kong may nakatingin saakin .
dahan dahan kong iminulat ang mata ko at tumambad sa harap ko si hans =_=

lintek naman talaga =_= akala ko ba bukas pa to dadating ?!
"hello loveeeeeee"sabi nya ng naka ngisi . 
"letche ka" sabi ko sa kanya . bigla nyang nilapit yung mukha nya sa mukha ko kaya naman bahagya akong nagulat . >.<

"lumayo ka o papatayin kita ?" sabi ko na pilit itinatago ang kabang  nararamdaman ko =_=
"parang kaya mo naman akong patayin " maangas na sabi nya . 

lumayo sya . at nakita kong naka pambahay na sya =_= feel na feel nya sa bahay ko ah ?
"dali na kain na tayo " sabi nya . tumayo ako at naghilamos muna sa banyo ko . 
8 na din pala ? hmmm medjo mahaba haba naman pala ang tulog ko . sabay kaming lumabas . bigla nya akong inakbayan . 
"alis nga!" sigaw ko . agad syang natawa dahil sa sigaw ko .
"lumalakas na yung boses mo ah ? yiiieeee namiss mo ko no ? dahil wala kang nasisigawan ?" pang aasar nya pa habang tinutusok tusok ang tagiliran ko . =_=
"lumayo ka,  ampanget mo" sabi ko at nagmadali akong bumaba . 


pag babang pag baba ko ay sinalubong ako ng mga paningin nila .
" hello ulit sainyo~" sabi ni hans =_= bwisit to . 
" halina kayo kain na~" sabi ni sofia na talaga namang nakatingin kay hans =_= 
umupo na ako at tumabi saakin si hans . nasa harap ko si dandreb.

"hmm hindi ka pa nag pakilala ng maayos samin kanina . syempre diba ? magkakasama tayo dito sa bahay dapat mayroon tayong magagandang relationship dito " mahabang sabi ni sofia . patuloy lang ako sa pagkain ko dahil hindi ako interesado sa mga pinag uusapan nila.
"ah hehe sige , ako si hans, boyfriend ni angel" derederetchong sabi nya . halatang natahimik ang lahat . pabato kong ibinaba ang kutsara at tinidor ko dahil sa sinabi nya .

tinignan ko sya ng talaga namang sobrang sama 
" ang kapal ng mukha mo!" sigaw ko sabay hampas sa braso nya . bigla syang natawa kaya ayun nanaman yung mata nyang nawawala =_=
"ang cute cute talaga ng love kooooooo-HHAHAHAHA kaya love na love kita eh~~~" sabi nya ng halos hindi na makahinga dahil sa tawa nya . natawa nadin si ate at yung mga babae na kaibigan namin . 
"tigilan mo ko lab!" sigaw ko . napatingin ako bigla sa mga lalake na kaibigan namin . tinitignan nila ako . kaya kumunot ang noo ko .


"bakit?" tanong ko . sabay sabay na nag ilingan sila marvin javier at si aj . 
"ngayon ka lang sumigaw ng ganyan " seryosong sabi ni dandreb . tinignan ko ang mga mata nya.  ramdam ko na galit sya . pero bat sya galit ?

hindi nalang ako umimik at pinag patuloy ko na ang pag kain ko . 
nung matatapos na ako kumain ay biglang nilagyan ni hans ang plato ko ng panibagong kanin .
"kain pa love" sabi nya . huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang kamay nya para patigilin sa pag lalagay ng pagkain sa plato ko . 
kinuha ko ang plato ko at binigay ko kay dandreb . tinignan nya ako pero alam kong galit pa din sya . 


bakit kase para syang si kuya ? alam mo yung feeling na galit sya saakin ngayon at ang nararamdaman ko ay kailangan kong mag sorry dahil nakikita ko sa kanya si kuya .
"help me to finish that . im full . thanks" sabi ko pero hindi ko pinahalata na gusto kong mag sorry. pilit kong pinapakita na wala akong nararamdamang gusto kong mag sorry.


"love naman eh ! pinag tataksilan mo naman ako eh !' biglang sigaw ni hans at napatingin naman ako sa kanya ng nakakunot ang noo ko .
"isa pa lab masasapak kita" sabi ko at biglang nabulunan si dandreb kaya nag madali akong bigyan sya ng tubig . 

bakit ganito ang inaasta ko ?!


" yyyiiiieeeee" hiyawan ng mga kaibigan namin nung ginawa ko yun. napatingin lang ako kay hans nung biglang kumapit sya sa braso ko =_= 
"wag mo kong patayin love" sabi nya at talaga namang kinuha ko ng padabog ang braso ko.

Impossible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon