*[]Chapter 1[]*

33 1 0
                                    

* 10 years ago*

 “PRINCESS FERRIS!!!!” tawag sakin ng mga maids na nag babantay sakin, haha :D mga walang kwenta!! Bakit kasi tatanga-tanga yan tuloy nakatakas na naman ako!! Hahaha :D ang saya2x ko talaga! Pero syempre hindi ako makatatakas basta2x kung wala ang tulong ng bestfriend  kong si Mina..

“Ferris. Sigurado kaba na hindi delikado ang lumabas ka ngayun? Alam mo naman na may nagbabanta sa buhay ng mga Royal Blood ngayun diba?” tanong sakin ni Mina habang palabas dun sa natagpuan naming  shortcut. Nasa maze garden namin to, nakita namin nung naligaw kami :D

“Haha :D ano kaba Mina, wala namang makakikilala sakin nito eh, nag disguise naman ako, kaya alam kong magiging Masaya na naman tong pagtakas kong ito kagaya nung mga nauna, kaya hwag kang mag-alala huh?” nakangiti kong sabi sa kanya.

“Hayy.. gustong gusto mo talagang Malaya ka no?” naka tingin sa lupa na sabi sakin ni Mina,

“hmmm.. oo, alam mo naman diba kong anong lagi kong ginagawa, palagi na lang akong nag-aaral ng ibat-ibang lenggwahe, nag sasanay kong pano umakto ng maayos, at kung ano pang mga nakababagot na mga bagay!! Hayy.!! Nakakainis! Diba pwede na mag-aral na lang ako sa isang public school? Hindi naman ako iba sa ibang bata eh, diba Mina?”

“iba ka sa kanila Ferris” nakangiting sabi sakin ni Mina, kumunot tuloy ang noo ko sa sinabi nya,, bat naman ako kakaiba sa kanila?

“huh? B-bakit mo naman na sabi yan?” tanong ko sa kanya dahil hindi ko talaga ma gets yung pinagsasabi nya,

“iba ka sa kanila kasi[sabay akbay sakin] kahit na myembro ka ng Royal Clan, hindi ka nagdalawang isip na gawin akong kaibigan, na hehe J isang alam mo na” sabay tungo nya,, hay.. yan ang ayaw ko eh, yung binibring down nya yung sarili nya..

“tsk. Ano kaba! Batukan kita dyan eh.! Ilang beses ko bang sasabihin sayo yun na kahit na ikaw ang personal maid ko, hindi kita tinuturing na ganun, kaya hwag mo ng isipin yun.! Hmm?” sabi ko sa kanya ng nakangiti. At tumingin na sa unahan namin,, ng..

GRRR.! ARRHHFF!! ARRHHFF!!

  Dios mio! Mga asong kalye.!! Patay, anong gagawin namin?

“h-hehehe good doggie, stay. Stay.” Sabi ko habang umaatras palayo sa tatlong aso na parang mangangain ng tao.. nakakatakot sila hindi kagaya ni husky ang amo tignan.

“Ferris, anong gagawin natin? Tumakbo na lang kaya tayo?” pabulong na sabi ni Mina sakin, pero mas nagging violent pa yata lalo yung mga aso nung ginawa ni Mina yun.!

“tingin ko tama ka Mina. At the count of three,” –ako

“Sige.”- Mina

GRRR.!! ARRHHFF!! ARRHHHFF!! ARRHHHFFF!!

 “THREEE!!! TAKBOOOOO!!!!!”

Pagkasabi ko nun, kumaripas kami ng takbo ni Mina palayo sa mga aso.! Pero pag minamalas ka nga naman! Hinahabol pa kami eh.! ANAK NG TOKWAAA!!

“FERRIS!! ANONG NANGYARE SA ONE AT TWO MO? BAT THREE AGAD?” tanong sakin ni Mina habang tumatakbo

“EHH. MUKHANG SUSUGOD NA YUNG MGA PAYATOT NA ASO EH.! KAYA NAKALIMUTAN KO NA YUNG ONE AT TWO.!” Medyo hingal na sagot ko kay Mina. Syet.! Pag nagtagal pato, siguradong maaabutan kami nung mga aso,

“MINA!” –ako

“O BAKIT?”- hingal ng sagot sakin ni Mina.. bahala na, kahit papano, mas mabilis naman akong tumakbo.

“LUMIKO KA DYAN SA KANTONG YAN! MAGPAPAHABOL AKO SA MGA ASO PARA MAKALAYO KA!”-ako

“ANO? HINDI PWEDE! BAKA MAABUTAN KA NILA!”-Mina

“HINDI YAN.! BASTA! LUMIKO KA DYAN.!”-ako

“AYO- -  “MINA!” sigaw ko sa kanya.. tigas ng ulo eh.!

“LUMIKO KA. NAIINTINDIHAN MO?” tumango sya kahit na alam kong napipilitan sya, kasi alam kong kahit sya na kaibigan ko, natatakot pag nagiging seryoso nayung boses ko.

“Mag iingat ka Ferris” ngiti lang ang ginanti ko bilang pagtugun sa sinabi nya,

“LIKO NA!” pagkasabi ko nun lumiko nga sya sa kantong dinaanan namin, at ako naman patuloy ko lang na tinakbo yung straight na daan paglingun ko, nandun parin yung tatlong aso na humahabol samin. Naman. Nakakaimbyerna na tong mga asong to huh!

“NO!!” shet.! Dead end na. anong gagawin ko. Babalik sana ako sa dinaanan ko pero pag lingun ko, nandun na yung tatlong aso na humahabol sakin, NAMAN! KI PAPAYAT NA MGA ASO ANG BIBILIS TUMAKBO!

GRRR.!! ARRHHFF!! ARRHHFF!!

 “patay. Shu!! get lost ugly doggie! Shu!!”

GRRRR.!! ARRHHFF!! ARRHHFF!! ARRHHHHFF!!

“NOOOOO!!!” napaupo na lang ako sa semento at hinintay ang napaka pangit na kapalaran ng pagkamatay ko, akalain mo yun isang royal princess mamamatay lang sa pangil ng mga asong kalye,, tss.. pero ilang segundo na yung nakalipas pero wala paring asong kumakagat sakin,, dahan dahan kong iniangat ang paningin ko at ang unang nakita ko, isang patpating batang lalaki na may hawak na bakal sa kaliwang kamay habang hingal na hingal na nakatayo sa harapan ko.

“Okay ka lang?” oh my god.!! I finally found him. Ang aking knight in shining armor, ang aking PRINCE CHARMING,!!

The Royal Blood's FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon