*[]Chapter 2[]*

19 1 0
                                    

“Ok ka lang?”inilapag nya yung bakal na hawak nya at lumapit sakin,

“h-huh? Ah oo. N-nasan na yung mga payatot na aso?”- pa linga linga pa ako habang sinasabi yun, malay mo baka nag tatago lang ang mga yun.!

“wala na sila. Napaalis ko na, ligtas kana bata,”

Nabigla ako dun sa sinabi nya, sya? Whee? Sa katawan nyang to? Di nga? Tumingala ako para sana sabihin sa kanya na ‘nagpapatawa kaba?’ pero umurong yata dila ko nung nakita ko yung mga mata nya.. ang ganda kasi e, blue eyes,, tapos bumagay pa sa ilong nya kasi ang tangos, pati ang buhok nya bagay din sa kanya, blond kasi ehh,, wala akong ibang masabi kundi ang GWAPO NYAA!!! (*o*)

“oi?”-sabi nya sakin na wini-wave pa ang isang kamay sa harapan ko. “sabi ko, bat ka nandito? Hindi mo ba alam na delikado sa lugar nato sa batang kagaya mo? Pano na lang kaya kung hindi kita nakitang tumatakbo? E di sana nalapa kana ng mga asong yun ngayun?”-sabi nya sakin habang inaalalayan ako para maka tayo.

“tsss, kung makapagsalita to,, bakit ikaw! Hindi kaba bata ha? Tingin ko nga sayo mga nasa 10 kapa eh”-ako

“anong 10 ka dyan?! 13 na ako oi!”- sya

“ay sorry ha! Hindi halata eh.! Ang patpatin mo kasi!” – ako

“ikaw kaya ang walang makain!” napatigil sya pagkatapos nyang sabihin yun sakin, kahit ako. Sya? Walang makain? Halata nga eh, pero kawawa naman sya.

“ah,, ahmm! Bibigyan kita ng kundisyon J”- ako

“huh? Kundisyon? Ano naman yun?”- sya

“tulungan mo akong makaalis sa lugar nato, at bibilhan kita ng maraming pagkain! Gusto mo?”  naka ngiti kong sabi sa kanya.

 Ilang Segundo  ko nang sinabi yun pero, hanggang ngayun hindi parin sya makasagot..

“oi? Ano okay lang ba sayo?” ngayun ako naman yung nag wave sa mukha nya.. nakakakilig kasi baka malusaw ako sa blue eyes nya!  Titig na titig ehh..  :D

 “A-ah? Seryuso ka?” – sabi nya na parang hindi parin maka paniwala,,

“grabe naman to! Sa tingin mo ba hindi ko kayang  bumili ng maraming pagkain? Halika na kasi para makakain kana at maka alis na ako dito!” hinila hila ko pa sya para lang maka alis sya dun sa kinatatayuan nya,, naman ! anong tingin nito sakin POOR?! Tsk .

The Royal Blood's FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon