“So, bakit ka nandun sa lugar na yun?”
Nandito pala kami ngayun sa favorite playground ko, ito yung playground na pupuntahan sana namin ni Mina kung hindi lang kami hinabol nung mga patpating aso. Tss. At, ngayun, tinatanong ako nitong si blue eyes[ ang ganda talaga kasi ng mata nya eh!(*o*)] kung bakit nandun ako sa lugar nayun,
“hmm.. kasi, doon kami laging dumadaan ng kaibigan ko papunta dito, ewan ko nga eh.! Wala naman yung mga asong yun nung dumadan kami noon, pero bigla na lang silang sumulpot at hinabol kami ngayun!”-Ako
“ahh..”-sagot nya lang sakin at kinagat na naman yung tinapay na binili ko kanina.
“teka. San ka nakakuha ng pera para pang bili nito?” tanong nya sakin habang naka tingin dun sa mga tinapay na nasa supot pa at hindi pa nya nakakain.
“sa credit card ko”-chill ko lang na sagot sa kanya.
“wee di nga?!”- napalayo pa sya sakin nung sabihin ko yun, bakit ba? E sa credit card ko talaga kinuha yun eh..
“ikaw? Sa edad mong yan may credit card kana?”-hindi parin makapaniwalang tanong nya.
“oo nga! Bat ba ka kasi ayaw mong maniwala? O sige ito tignan mo to.” Hinawi ko yung buhok ko tapos ipinakita yung tattoo symbol ng mga Escarlet sa batok ko. Tinignan naman nya yung tattoo symbol ko at tumingin sakin na parang naguguluhan na naman.! Tss. Pansin ko napaka slowpoke nitong lalaking to.
“E? anong meaning nun?” sabi ko na eh (--‘.)
“alam mo ang sarap mo nang batukan alam mo yun? Tsk. E.it means. ESCARLET. Alam mo yun? Yung isa sa mga Royal Clan? Alam mo kasi---- nilapit ko yung mukha ko sa kanya para sya lang yung maka rinig sa sasabihin ko, “Ako yung Royal Princess nila”.
Pagkasabi ko nun. Ayun na naman sya at tulala na namang naka tingin sakin,, naman yung blue eyes eh! (*.*)
“i-ikaw? Royal Princess ng mga E-e--- “oo ako yung Royal Princess ng mga Escarlet. Bat ba ang hirap paniwalaan nun?”
“e kasi.hayyy.!! So ikaw pala yung makulit na Royal Princess na palaging nababalita na nawawala na lang bigla sa Palasyo nila?!!”
“yup! Ako nga yun! :D
“wow. Hindi ako makapaniwala, alam mo ba na parang maloloka na yung mga magulang mo kakahanap sayo”-sya
“hmmf! Alam ko yun ano. Pero dun lang naman sila nagkakaroon ng time sakin kapag nawawala ako e, kaya alam ko ngayun, hinahanap na naman nila ako,”- napa yuko na lang ako kasi ayaw kong Makita ni blue eyes na papatak na yung luha ko,
“hay. Halika nga dito” bigla na lang nyang hinawakan ang mukha ko at pinunasan yung luhang nasa pisngi ko, “alam mo, hindi bagay sayo umiyak.”-sabi nya sakin habang hawak parin yung mukha ko,
“at ang pinaka ayoko, yung nakikita kang umiiyak.”- habang sinasabi nya yun at hawak parin ang mukha ko, para akong mag e-evaporate na lang bigla sa sobrang kilig. Oo na ako na yung malandi,! Haha :D
“Princess Ferris nandito lang pala kayo!” napalingun kami pareho sa mga taong tumawag ng pangalan ko,
“Nandito na sila..” sabi sakin ni. Teka hindi ko nga pa pala alam ang pangalan nya,,
“Princess Ferris halika na po, umuwi napo tayo,,” sabi sakin ng isa sa mga tauhan namin.
“teka lang,” kinuha ko yung ruby ring sa index finger ko at isinuot sa middle finger nya,,
“Blue eyes.” Kumunot naman yung noo nya nung tinawag ko sya ng blue eyes,
“hmmm.. mula ngayun, isuot mo na tong ruby ring na to huh, hwag na wag mong hahayaan na makuha to ng iba sayo, wag mo ring isasangla! At higit sa lahat, please hwag mong ilalayo to sayo. Mag promise ka sakin na gagawin mo yung mga sinabi ko”
“Opo. Stubborn Princess”- sabi nya sakin ng naka ngiti. Napa ngiti naman ako sa tinawag nya sakin, bagay kasi sakin,, nakakakilig nga eh.! Hahaha :D
“aasahan ko yan ha.. alam ko, darating din ang panahon na magkikita ulit tayo blue eyes,, at gusto ko, pag nagkita ulit tayo, nasasayo parin yung ruby ring na binigay ko,, gets mo? Gusto ko yun ang ibigay mo sa kin bilang engagement ring natin” pagkasabi ko nun, narinig kong tumawa yung mga tauhan namin sa may likuran ko, nung nilingon ko naman, bigla na lang tumahimik. Kaya binaling ko na lang ulit ang atensyon ko kay blue eyes ng ……..
KYAAAAHH!!!! KINISS NYA AKO!! OH MY GAD!!
Kung kanina e patawa-tawa yung mga tauhan namin, ngayun. Narinig kong napa’OH MY GOD’ sila,, may iba pang napa gasp pa. ang O.A. nila huh, smack nga lang eh,,
“Opo Stubborn Princess, aalagaan ko ang ruby ring na binigay mo, at naniniwala din ako na magkikita ulit tayo,, kaya sige na, sumama kana sa kanila”
“ok. Sige, mag-iingat ka blue eyes huh,, wag mo akong kakalimutan”-sabi ko sa kanya habang naglalakad papunta sa mga tauhan namin na naghihintay na sakin,,
“Hindi kita kakalimutan stubborn princess,, hihintayin kita”-sabi nya sakin ng papasakay na ako sa kotse,pero napahinto ako sa mga huling sinabi nya
“STUBBORN PRINCESS! TANDAAN MO, AYOKONG UMIIYAK KA. KAYA WAG KANG IIYAK HUH! MAGING MATATAG KA!”
Napangiti ako nun at nilingon sya, nakita kong nag wave sya, kaya nag wave din ako at pagkatapos nun pumasok na ako sa kotse at umalis na dun.
BINABASA MO ANG
The Royal Blood's Fairytale
Teen FictionOnce in a while right in the middle of an ordinary life, LOVE gives us a FAIRYTALE