Chapter 1: Senior Life

6 0 0
                                    

Odyss' POV:

Lord,pwede po bang humiling ng kahit boy bestfriend lang? Kahit wag napo muna ang boyfriend,bata pa po kasi ako.Kasi po puro babae lang ang nakakasama ko Lord. Hihintayin ko pong ibigay niyo siya sa akin ha?Thanks po. Iloveyou Lord.

Natauhan na lang ako nang biglang nag-ring ang bell,nako start na ng first day of class sa senior high school life ko,pero ba't di naman ako excited?Hayss.Naalala ko pa noong grade 6 ako,naglalaba ako nun nang mag-realization ang cute kong brain cells. Ni isa,wala akong kaibigan na lalaki. Pano ba naman,sa tuwing may makakasalubong o makikita akong lalaki eh,nagtatago ako bigla. Yung tipong parang dahon ng makahiya lang ang peg?Ewan ko ba ba't takot na takot ako sa kanila dati. Kung bakit ko pa kasi inii-stalk si bhestie ko eh,naalala ko tuloy yung araw na hiniling ko siya kay Lord. Hihihi. Shesheshe.Theytheythey.Wiwiwi. Ayy,naiihi nako. Wet lang ha.

---*

Start na ng klase. Sa room ICT-5...

"Nako,late na ata ako.Persdey na persdey hayss.Sa harapan pa tuloy ako napaupo",bulong ko sa sarili ko.

" Uhm.Ate?Ito yung room ng ICT-5 diba?",paninigurado kong tanong sa kulot na babaeng nasa likuran ko.

"Ayy,oo teh", sagot niya sabay binigyan ako ng matamis na ngiti.

" Hmm.Salamat",tugon ko naman.

Aayos na sana ako sa pagkakaupo ko nang tinawag niya ulit ako.

"Psst,teh!Dito kana umupo sa tabi ko.Ikaw lang kasi nandiyan sa harapan eh", suhestiyon niya.

" Ahm.Sige,salamat",lipat naman agad ako sa tabi niya.

Grabe nangyari sakin kanina,yung tipong nangyayari sa mga nerd sa isang pelikula.Napakadaming nakapatong na kung anek-anek sa desk,masabi lang na 'di bored or  whateverything. Tapos maglalaglagan yung gamit,ikaw naman itong nagmamadaling dumampot.Pero walang tumulong sa'yo ni is a kasi nga wala ka naman katabi.Hayss

Nahinto lang ang pag-iisip kong iyon nang may kumalabit na naman sakin.

"Oy teh!Ano nga palang pangalan mo?", sabi nung matabang kulot na katabi ko.
Saglit pa kong napatingin sa buhok niya bago sumagot.

"Oy teh?!!Okay ka lang?",sabi niya na medyo asar nang mapansing sa buhok niya ako nakatingin.

"Ahh. Ako nga pala si Odyssey Lynne Bagumbasya,but you can cold me Odyss", sagot ko with matching byutipol ices.

"Ako naman si Felizhyne Bipreza,in short Feli", sabad naman niya.

" Ayan nga pala classmates natin.Si ano,si ganito at si ganyan.Ayun naman si ganun,nakikipagtsismisan nanaman",dugtong pa niya.

Wala nang narinig ang malaporselana kong mga tainga sa pinagsasabi niya.Nakakunot-noo akong nakatingin sa kisame ng silid-aralan namin.

"Odyss?Okay ka lang?Parang ang layo naman ata ng iniisip mo",nag-aalala niyang tanong sakin.

" Uhm,ano kasi Feli.Malapit lang naman ang iniisip ko,ayun lang oh sa may kisame",tingin naman siya don. "Char lang,ano kasi eh.Parang ayoko dito sa section natin. Gusto ko magpalipat dun sa ICT-3. Andun kasi si Chusme eh,kaibigan ko.Ako lang ang naiba ng section samin eh",malungkot kong paliwanag.

"Ayy,ganun?Parang 'di na kasi pwede magpalipat eh.Kasi tignan mo,may master list na sila ng names ng students sa bawat section", pabulong niyang sabi sa'kin.

"Ganun ba.Nakakaiyak naman",nasabi ko na lang.

Naantala ang pag-uusap namin ng biglang dumating ang ibe-babysit namin,este adviser pala hehehe.

"Okay class.I'm Ms.Marlyn Abuevo,you're class adviser",pagpapakilala niya sa amin.

Nagsitayuan naman kami at bumati sa kanya na parang mga elementarya.

Umupo ako nang may malaking ngiti at kumikislap ang mga mata.

"Oh,biglang sumaya ka ata?",puna ni Feli sakin.

"Pano kasi akala ko ako na ang magiging pinakamaliit sa room na'to,buti nalang at dumating si ma'am", masaya kong tugon sa kanya.

" Ikaw Odyss ha",sabi niya nang nakatawa."Pero congrats",bati niya sakin.

"Congrats din!", sabi ko na ikinagulat pa niya." Gulat na gulat?",tanong ko.

Sabay nalang kaming tumawa.

Mukhang magkakasundo kami nito ah,pareho ang tempo ng  dugo namin at brain cells eh.hihihi Mukhang siya na ang magiging dahilan ng hindi ko na paglipat. :) Feeling na feeling ko na talaga na isa siya sa magiging beshie ko ngayong senior life ko hihihi.

Odyss and CohortsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon