Chapter 2: Meet The New Truepa

6 1 0
                                    

Hayss.Heto na naman,alam ko na next ng pagpasok ni ma'am eh.Intro juice yourself.Mahilig naman ako sa juice pero nakakasawa na yung ganyan.Ol my layp ar u weyting por,ar u weyting por?Ayy,napakanta na.Ol my layp nga naman kasi,may ganyan.Taon-taon nalang tuloy ako lagi ninenerbus. Gash,di pa ako nasanay eh.

"Okay class,tooot toooot tooot", sabi ni ma'am Marlyn.

" Anong sabi ni ma'am?",tanong ko kay Feli.

"Sana hindi yung juice,jusmi talaga.Magsi-cr talaga ko ng wala sa oras nito",bulong ko sa'king sarili.

"Ahm. Ano daw,sitting arrangement daw muna tayo", sabad naman niya.

Nakahinga ko nang maluwag." Buti na lang.Praise the Lord ",nasabi ko nalang.

Nagsitayuan na kami dala ang aming bag.
Naisip ko lang,sana mukhang tao naman ang magiging mga katabi ko. Bigla kong naalala.Bipreza-->Bagumbasya! Maliit lang ang chance of impossibility na hindi kami magkalapit ni kulot.Buti nalang,sana lang talaga walang apelyidong sumingit diba?haysss

" Oh,boys-girls ah.Alternate para hindi kayo maingay",paliwanag ni  ma'am.

Kahit naman boys-girls or whateverything yan eh,mag-iingay din kalaunan. Ma'am talaga oh.Nagulantang ako nang may tumulak sakin.

"Oyy,teh!Ikaw na oh", tawag sakin ni Feli.

" Bagumbasya!",inis na tawag ni  ma'am.

"Present ma'am!", sagot ko na medyo kabado na.

" Dun ka sa tabi ni Mr.Barorok",turo niya.

"Ang baho naman ng apelyido niya", bulong ko nang makitang nakasimangot siya sakin.Ngitian ko siya ng todo.

"Next is Mr.Belroko", tawag ni ma'am.

" Ma'am,sino po sa amin?",sabay silang nagtaas ng kamay.

"Ayy,oo nga pala.May kambal tayo dito class", paliwanag niya at pinakilala ang dalawa." Ang mas matanda sa inyo ay si Junnie,at mas bata si Junny?Tama ba?",dugtong pa niya.

"Opo ma'am", sagot nung isa sabay ngisi sakin.Inismidan ko nga.

---*

Maya-maya pa ay break time na.The most awaited part.Whoooh!Dito nalang ako kakain kasama si Feli,para ma-knowing to each and another kaming dalawa.

" Uhm.Feli?Sabay na tayo kumain ha.Bababa ka ba?",tanong ko sa kanya na ikinatawa naman niya.

"Ba't ka tumatawa?Du ay luk Fanny Serano?", pagtataka ko.

"Wala lang kasi naalala ko yung mga baby minions ko.Favorite ko kasi sila eh.Yung "bababa babanana"", tugon niya habang nakatawa parin.

" Ahh.Oo nga naman kasi cute sila",sang-ayon ko sa kanya.

"Tara,kain na muna tayo bago pa mahuli ang lahat", banta niya.

Tumabi na ako sa kanya coz I'm berry hunger.Inalok pa namin yung mga katabi naming tsonggo kasi mukhang mga estatwa eh.At tinawanan lang nila kami,ang saya diba?Maya-maya pa ay may lumapit saming mama,you now mama na lalaking mukhang may edad na.Basta yun.

"Uyy,kambal!Ano kamusta?",bati niya sa kambal.

" Okay lang naman",sabay pa sila sabay tawa.Ang cute nilang tignan.

"Akalain mo yun,classmates tayo?!", sabi niya nang nakatawa at sumubo ng pagkain nung dalawa.

" Tignan mo Feli,para-paraan",sabi ko sabay nguso dun sa mukhang gangster.Pareho lang kaming nakatingin ni Feli sa kanya nang mapansin niya kami.

"Oy mga pare,may bago pala tayong mga prends", sabi niya kay Junnie.

"Oo nga eh.Di man lang nagpakilala",komento pa nitong mokong na'to.

"Ako nga pala si Feli", pagpapakilala niya sa mga ito nang nakalahad ang kamay."At eto naman si..."

"Odyssey", sagot ko nang nakatingin lang sa kinakain ko.

"Ako naman si Vonnel,at your serbis mga kaibigan",aniya."Ang tahimik parin ng kapatid mo ah.Dimo parin tinuturuan 'to magsalita pre?", seryosong tanong niya kay Junnie.

" Oo nga,robot ba yan na hinuhulugan ng barya para magsalita?",sabad naman ni Feli.

At nagtawanan na sila ng lahat,pwera ako.Neheheye pe eke eh.hehehe

Medyo nakakapanibago sa feeling ,kasi naman mga gangsters pala pormahan ng mga tsonggong ito.Nako ,sana lang at hindi kami mahawa ni Feli. I welcome myself to this new chapter of my life. :) Tama ba grammar ko? Yaan na nga hehehe

Odyss and CohortsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon