Odyss' POV:
As days passed, kalaunan ding nagkakakilala ang bawat isa sa amin.Actually, naka-close ko na nga si Barorok eh. Impernes,bumabango na ang neym nya sa mala-sundalo kong ilong.Akalain mo naman kasing yung tipo siya ng lalaking napakasuplado at tahimik, malalaman ko nalang na ka-vibes ko pala ang loko. Wow lang,wow ulalaaaam!
"Yson, may sinabi sakin si tooot na crush ka daw niya", pagtsismis ko sa kanya.Diko na sasabihin name sainyo,baka ipagkalat nyo pa eh.hakhak
"Pre,aaminin ko sayo. Crush ko din siya kasi ano eh ,parang nakikita ko sa kanya gf ko pre eh", pag-amin naman ni loko sa'kin.
"Nako pre,may naikwento pa nga sakin yun eh. Yung first time ka daw niyang nakita,sa canteen daw yun. Bumili siya ng bolpen tapos nabitawan niya,pero ang nakakapagtaka,sayo pa daw gumulong. Tapos akma na niyang pupulutin ,pero nahawakan mo na rin yon. Kaya ang ending,nagkatinginan daw kayo",medyo hinihingal na ako habang nagkukuwento.
Bakit ba kasi sa'kin pa sinabi yun ni tooot eh. Am I that look like so much tsismackers to her?Sakit naman sa bangs. Ayy,wala pala ko nun.hays
"Talaga ba pre?",hindi makapaniwala niyang tanong sakin.
"Oo nga pre. Feeling ko nga ,gusto kapa ligawan eh",panunudyo ko sa kanya.
.Saglit pa siyang natahimik at maya-maya pa ay nagdaldal nanaman siya. Sa dami ng kanyang sinabi,ang naintindihan ko na lang ay ililibre daw nya ako ng spaghetti sa canteen mamaya.Nabuhay naman ang diwa ko sa narinig, at ni-voice record iyon. Char lang!
Nung breaktime na...
" Pre,wala daw spaghetti sa canteen",sigaw niya sa akin sa bintana habang nasa baba siya.
Medyo na-disappoint ako sa canteen,ako na nga lang nagmamagandang-loob pagtiyagaan ang lutong spaghetti nila na akala mo sinabawan talaga eh sa dami ba naman ng maputlang sauce. Nako talaga. May nerves are gonna break!How dare they na lunudin ang bibi spaghetti ko?!
Nakabalik-diwa ako nang wala sa oras nang tawagin ako ulit ni Yson mula sa bintana ng building namin at naghagis ng dalawang choco mucho.
"Saluhin mo pre!Yan nalang bigay ko sayo ah", pasigaw niyang sabi habang nakanguso.
Kala niya ba ipagpapalit ko ang spaghetti sa choco mucho na'to?! Nevah! Pero wala eh,hawak ko na. Hahaha sorry bibi kuh,gipit lang talaga ang lola mo ih. :(
***
Pag-upo ko sa aking kinauupuan, napansin kong may teacher na palang pumasok. Grabe,diko man lang napuna agad kaya pala tumahimik bigla ang everybuddy. Hayss.
"Good morning everyone! I'm Mrs.Chuba Ek-ek Chubaloo. You're teacher in Computer System and Servicing," pagpapakilala ni ma'am. "Kindly stand,and we will pray", dugtong pa niya.
Ako naman hindi alam kung saan pupwesto,kasi naman parang langaw 'to si ma'am eh.Di tuloy ako makalakad papunta kila Feli.Wag niyo na pansinin yung langaw,kahawig niya lang yon. char hihihi
Nung natapos magdasal-dasalan, bumalik nako sa upuan ko. Dasal-dasalan kasi naman yung mga loko-loko kong kaklase nagtatawanan habang nagdadasal,narealize siguro nilang ba't parang may tumitirik na ang mata. Narinig ko lang yun,di talaga ko tsismosa.
Maya-maya pa...
" Class,please all stand at magsi-sitting arrangement tayo",utos ni Mrs. Chubaloo.
"Sitting arrangement na naman?", bulong ko sabay hinga ng malalim puno ng patalim. Baho na ng hininga ko,hayss. Pano ba naman kasi 'di man lang ako sinasali ng mga katabi ko sa kuwentuhan nila.
Oo nga pala,diko pa nga pala sila close.hayss
Feli's POV:
Ang layo naman ni Odyss sakin,mga isang upuan at isang malaking space. Layo diba?hayss. Mga katabi ko parang mga palahi ni Zuma,may muntikan nang poging bingot,may stick na kulot,may tibong maganda,at kung anu-ano pang lahi. But proudly saying,ni hindi ko talaga kilala si Zuma. Saan ko ba narinig yun,sa college ata yung may highest honor ba yun? Basta yon.
Impernes,binigyan din ako ng spotlight para magsalita. Nakakatuwa naman hahaha.
Sinisitsitan ko si Odyss,at para kaming mga ewan na nagsesenyasan sa malayo tapos tatawa.Pano ba naman kasi nao-o.p na siya sa mga katabi niyang kulugo.hayss
"Odyss!lipat ka muna dito,rumampa pa yun si ma'am sa hallway",pabulong kong sigaw.Oo,nagulat din ako and nagtaka at the same time. Kaya ko pala gawin yon?
" Ha?ano?",nakakunot-noo niyang tanong sakin. Bingi talaga.
"Tara!", sigaw ko sabay turo sa upuang katabi ko.
Nang makalapit siya sakin ay pinakilala ko ang mga katabi kong palahi ni Zuma.
" Nga pala Odyss,eto si Bingotic,ang pogi niya diba? Tapos si Stickman,si Renmont iyong parang tahimik,cute cute nya oh",sabi ko habang nakaturo sa kanila nang hindi nila napapansin syempre.
"Ako din may nakilala dun sa teritoryo namin", nakatawa niyang tugon. "Si Lyson,na panay ang titig dun sa astig na babae,si Tilaplap na napakaputi ng mga mata at ngipin,at yung Calamay at Adding na mga pinsan daw ni Lyson", dugtong pa niya habang natatawa na.
Nahinto ang pagtsitsismisan namin na ng biglang may nagsalita mula sa likuran namin.
" Ahm.Ate,pwedeng makiupo?",tanong niya.
"Sige lang,hindi naman sa amin yan eh", pabirong sabi ni Odyss.
"Ano palang name mo ate girl?",pagbubukas ko ng topic.
"Rona.Rona Sheen Artiza", pagpapakilala niya.
" Sounds like artista",manghang sabi ni Odyss.
At nagtawanan na kaming tatlo,akalain niyo yun. Ang bilis naming makagaanan ng loob itong si ate girl. Welcome to the clan!
***
Rona's POV:Nung lunchtime na,syempre magkakatabi na ang mga feeling close fwends hahaha. Kasama namin yung mga ugok ,maingay kaming nananghalian kasi katabi namin si Vonnel na joker ng ICT-5. Hayeeeesss naman. :)
"Oh,mga kaibigan!May bago tayong recruit ah.Itong tatlong babae na'to. Si Odyss,Feli at Rona, mababait yang mga yan",pagpapakilala niya sa amin.
Tuwang-tuwa ang mga mokong.Nagpalakpakan pa na parang mga unggoy hahaha. Nakakatuwa silang kasama,buti nalang at dito ako napabilang sa ICT-5. ^_^
BINABASA MO ANG
Odyss and Cohorts
ComédieSi Odyss ay isang pilyang dalaga na puno ng kacornyhan at kaengotan sa katawan. Hindi makakaila na iyon at iyon lang ang mga katangian niyang nagdala sa kanya sa kanyang kinaroroonan. At dahil nga sa likas nitong pag-uugali,nakilala niya ang kanyang...