Minsan sa buhay natin dadating sa panahon kahit ikaw mismo iisipin na pano mo nagawa ung mga bagay na di mo ine expect
Mas iisipin mong mas mahalaga nga ba ang puso o ang utak? Or else yung pagkatao mo?
Masyado ng kulang sa oras para bumalik pa sa umpisa...
Hi I'm Savannah Hensly , 20 years old at graduating ako sa Nolasco University this year nakaka pressure and besides gusto ko na din talaga makapagtrabaho, para sa sarili ko. Wala namang ibang tutulong sakin kundi sarili ko lang.
As of now? I think no time for lovelife muna, ayokong ma stress sa mga bagay bagay.
"Hoy! Tulala ka na naman dyan?" Maingay na sabi ni Irish, ang aga aga lagi nalang ganyan yan hmp
Siya nga pala si Irish Martinez, Bestfriend ko 5 years na kaming nagbabaliwan, ewan ko ba di na sya bago sakin at thankful ako kapag kailangan ko sya to the rescue siya, papautangin niya ako pag talang walang wala ako. So lucky to have her right? Hindi lahat ng tao ganyan kaya sobrang thankful talaga ako at dumating siya sa buhay ko, sabi nga nila kung minalas ako sa maagang pagkamatay ng parents ko, pwes sobrang lucky ko naman dahil meron akong bff na Irish Martinez😋
"Hanuna be? Ganto nalang tayo dito? Halika na nga mag lakad na lang tayo ng makahanap ng sasakyan papuntang Nolasco!!" Maarteng sabi niya
Madaling madali kami kase tumatagaktak na yung pawis namin sa sobrang init ng panahon higit sa lahat 30 minutes late na kami, lagi naman anong bago? Hahahaha
sa sobrang pagmamadali namin may narinig akong napaka lakas na busina, hindi namin agad napansin iyon dahil kampante kami dahil kulay red pa ung stop light nila
Pppppiiiiiiiiiiiiiit!
"Ano ba? Arrghhh!" Sigaw nung lalaking nasa loob sabay binaba niya bintana
"Sorry ho nagmamadali kase kami pasensya na." Sabi ko sa lalaki, unang una di na kami makikipagsabayan sa ganyan, alam kong wala akong laban kung nagasgasan ko man kotse niya kaya ako na mismo humingi ng pasensya
"Wow yun na yon? Ganun nalang? E kung mamatay ka dyan? Sagot pa kita?!" Sigaw nung lalaki gwapo sana kaso walang modo, wala din. Magsasalita pa sana ako ng biglang nagsalita si Irish
"Huh? Ilang facial wash ba ang na take mo at ang kapal kapal ng muka mo? Ikaw na nga may mali ikaw pa ganyan!!" Pasigaw na sabi ni Irish. Kahit kelan talaga to walang inuurungan e
"Ikaw ilang kilong pulbo ba yang nilagay mo sa muka mo at namumuo na ngayon?" sabi nung lalaki.
"Irish halika na bilisan mo baka malate tayo." pabulong kong sabi. Wala namang patutunguhan yun at wala namang walang nangyari sakin kaya okay lang. Oa lang tong gwapong salbahe na to eh.
Tinignan lang ako ng masama ni Irish saka ako nilagpasan, sumunod naman ako sakanya
Nakahanap na kami ng masasakyan di ko alam kung worst ba tong nangyare sakin e, halos araw araw naman pero mas nagrereact si irish kala mo siya ung naapektuhan pero syempre bff ko yan kahit ako ung may mali ipaglalaban ako nyan hahaha
"Ano bang inaano mo dyan ano tahimik ka nalang? Forever na yan? Dimo manlang ipaglalaban ung nangyari sayo kanina? Pumapagay ka ng ginaganyan ganyan ka? Gosh!" Pagtataray ni irish
"E? Anong gusto mo maglumpasay ako sa galit may magagawa paba ako? Ignored them." Simpleng sabi ko. Wala naman patutunguhan ung ganon e, sayang lang sa oras.
"Aaaayyy inis na inis talaga ako dun sa lalaking yun! Gwapo pa naman wala nga lang manners!! Nakakabwiset sya mawala sana yung isang balls nya hayop sya." irita na sabi ni irish