Chapter 4

537 9 0
                                    

Chapter 4


Palabas na ako nang school nang may humintong kotse sa harapan ko, kumunot ang noo ko bago huminto.

"Get in!" Sigaw ni Haige galing sa loob nang kotse niya.

Umirap ako bago hindi siya pinansin, hindi ako sasakay sa hayuf nayun mas mabuti pang maglakad na lang kesa sumakay at makasama ang isang yun na walang ginawa kundi ang mangbweset lang naman.

Napahinto ako nang huminto ulit ito sa harap ko. "I said, Get in!" Seryusong hayag nito habang sinasabayan ang lakad ko.

"Ayoko!" Sabi ko sa kanya.

"Okay then," Halos mapamura ako nang bigla siyang umandar at tumilapon saakin iyong putik na nasa gilid nang kalsada.

"HOY! WALANG HIYA KA TALAGA! BUMALIK KA RITO! URGGGHHH!!"Para na akong maiiyak dahil sa itsura ko. Tangina talaga nang isang yun! Ang hirap pa namang maglaba nang puti.

Bweset na bweset akong tumingin sa damit ko. "Tangina naman talaga!" Bulong ko habang todo ang punas sa mukha kong natalsikan nang putik.

Walang hiya talaga ang isang yun! Nakakabweset talaga kahit kelan! Bweset! Malilintikan talaga saakin yun. Nakakbweset!

Nakauwi ako nang basa para ngang matutuyo na ako eh, Sinalubong ako ni Mr. Han na nag-aalala.

"Ayos lang ba kayo, Miss Beau?" Tanong nito saakin.

Tumango tango ako at ngumiti. "Opo, Opo! Ayos lang ako." Ngiti-ngiti pang hayag ko.

Nakita kung nakaupo si Haige kasama ang mga kaibigan niyang nagkwe-kwnetuhan. "Pero bat basa po kayo? Ang dumi niyo." Sabi nito.

Sinundan ako ni Mr. Han habang nagpupunas ako gamit iyong towel na bigay ni Manang. "EH KASE NAMAN! MR. HAN, MERON HAYUF NA KASKASERO AKONG NAKASABAY KANINA." Halos sigaw ko na ata iyon para lang maiparinig sa walang hiyang nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan niya.

Mukhang naagaw ko ang pansin nila kaya lahat sila napalingon saakin, nakakunot pa ang mukha nang iba habang nakatingin saakin. Tinitigan ko si Haige nang masama. Patay malisya itong nakatingin saakin.

"What happen to you?" Tanong nung isang lalaki na may hawak na Cellphone.

Binalingan ko siya bago hindi pinansin, Nakakaasar talaga ang grupo nang mga to alam na ngan madumi nag tatanong pa. Tinawag ako ni Mr. Han kaya napalingon agad ako sa kanya. "Miss, Mag linis na po kayo nang katawan." Sabi nito saakin ngumiti ako bago tumango at iniwan ang mga tao sa sala bago dumiretso sa kwarto ko para makapag linis nang katawan.

Habang naliligo naiinis parin ako ang sarap talagang tadyakan nung bweset nayun. Nakakaasar! Nang matapos ako maligo mabilis akong nag bihis bago lumabas nang Cr at kinuha iyong notebook na mga hiniram ko.

Iniisa isa ko iyon, medyo madami nga akong kelangan habulin at isulat kaya nag simula na akong mag basa at mag sulat. Ilang minuto rin akong ganun nang narinig kung bumukas ang pinto pero hindi ko lang iyon pinansin tinuon ko lang ang pansin ko sa ginagawa ko. Pero nakaamoy ako nang panglalaking pabango hindi ko naman naamoy si Mr. Han na sobrang bango kaya kilala kona kung sino iyon.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko kahit nakatalikod ako.

"Nothing." Parang bored pa n sabi nito.

Umirap ako bago kinuha iyong isang notebook at binuksan. "Lumayas ka na rito, Busy ako." Sabi ko. "Tyaka isa pa, wag kang basta pasok nang pasok sa may kwarto nang may kwarto." Dagdag ko pa.

Narinig ko itong nag 'Tsk'. "This is my house." Sabi nito. "And, I will going to do what I want." Dagdag pa.

Umikot ako para maharap siya. "Wala akong pake, Tyaka wag mo nga akong guluhin, nag aaral ako!" Sabi ko bago ulit umirap at tumalikod paharap sa mga note book na hawak ko.

Nakakaasar napaka yabang talaga kahit kelan, nakaramdam ako nang presensiya sa likod ko kaya alam kung siya iyon pero binaliwala ko parin. Hanggang sa tuluyan na talaga itong makalapit sa lamesa at nag bend.


"Anong ginagawa mo?" Nag tatakang tanong ko sa kanya nang makitang nakatingin siya saakin nang malalim.


Ang chokolateng mata nito at totok na totok saakin. "Well, You're not pretty." Ani nito bago tumuwid nang pag kakatayo, nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.


Ang kapal! "Get out, Let's eat." Sabi nito naparang hindi nag yaya dahil sa sinabing get out parang pinapalayas ako nang siraulong iyon.


Nang marinig kung nag sara ang pinto tyaka ko lang nalaman na hindi pala ako huminga nang ilang minito kasama siya. Nakakaasar! Basta talaga nandyan iyon nakakabweset.

KISS ME [SEASON 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon