Kaibigan kong laging kasama
Mahirap na limuting talaga
Na sa iyo'y nagbibigay saya,
Nandiyan lagi sa tuwina.
Anumang problemang harapin,
Andiyan ka para ako'y sagipin.
Nagbibigay ng lakas ng loob sa akin
Upang ako'y mas patatagin.
Kaibigan kong ito'y laging handa,
Handang makinig sa anumang banda.
Buhay ko'y kanyang alam
Maging ang lagi kong ulam.
Lahat ng aking ginagawa
Kanyang nakikita,
Saan man ako magpunta
Sa kanan man o sa kaliwa.
Siya'y aking inspirasyon
Sa lahat ng aking desisyon.
Anumang direksyon
Sa mabuti ang aksiyon.
Mabuti siyang halimbawa
Na dapat nating tularan.
Sa kanya, ako'y natutuwa
Tinatanggap ang mga kapatawaran.
Para sa akin,
Siya'y walang katumbas
Hindi ko ipagpapalit
Sa kahit anumang alas.
Kayamanan kung aking ituring,
Mahalaga pa kesa isang kusing.
Basta't siya'y aking kapiling
Wala ng mas sasaya pa sa akin.
Laking pasasalamat ko
At siya'y aking nakilala.
Marahil siya rin ay kilala mo
Maaaring kaibigan mo rin pala.
Hindi maaalis sa king alaala
Hanggang sa aking pagkawala,
Siya pa rin ang aking makikita
O, Diyos na dakila.
Author's Note:
pansin ko lang parang puro friends topic ng tula ko, hehehe ^__^