Chapter 1

23 0 0
                                    

Sa isang maliit na apartment nakatira si Yana Anne Falcon, 17 years old, nag-iisa siyang anak at patay na rin ang mga magulang niya.

Bagamat ulila na, ay hindi ito hadlang para makapag-aral siya. Gising-pasok-trabaho-aral ang laging routine niya sa araw-araw.

Isang scholar si Yana kaya kailangang magpartime siya para may pang gastos siya araw-araw.

Habang naglalakad pauwi si Yana galing ng trabaho ay sumama ang panahon. Nag-aabang ng masasakyan si Yana ay bumuhos ang malakas na ulan.

'Pano akong makakauwi kung ganitong malakas yung ulan. Madalang pa naman ang sasakyan kapag ganito dahil uso baha malapit sa apartment ko.' Naglabas ng payong si Yana.

'No choice kundi sunungin ang malakas na ulan.'

Dahil sa dalang payong si Yana, hindi sya masyadong nababasa ng ulan.

Lumakas ang hangin kaya tinangay ang payong niya, kumidlat kung nasaan siya kaya natamaan siya.

---------------

Nagising si Yana sa hindi pamilyar na lugar.
'Nasan na ba ko, anong lugar ba ito?' Puro damuhan ang kanyang nakikita. Tumayo siya at naglakad, nakakita siya ng daan at sinundan niya iyon.

'Anong lugar kaya ito, iba ang pakiramdam ko dito.'

Habang naglalakad ay pinakiramdan niya kung merong masakit sa kanya.

'Ang huling naaalala ko ay natamaan ako ng kidlat, pero wala naman akong nararamdamang masakit. Hindi nagbago yung suot ko at nandito paring ang mga gamit ko.' Tingnan niya ang bag niyang dala, nandoon parin ang wallet, cellphone, mga gamit niya sa school at ang paborito niyang libangan na rubik's cube.

Napansin niyang may paparating na karwahe kaya gumilid sya sa daan.

---------------

Sa loob ng karwahe ay sakay ang isang babae ang itsura ay nasa 20's lang pero higit ng ilang decada pa ang edad niya.

Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang umiinom ng tsaa. May napansin siyang tao di kalayuan, may kakaibang suot ito. Sinabi niya sa nagmamaneho na itigil ang karwahe, napansin niyang may kakaibang enerhiya na pumapalibot sa dalaga kaya bumaba siya at nilapitan ito.

---------------

ResurrectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon