Chapter 2

11 1 0
                                    

Habang hinihintay na lumagpas ang karwahe kinuha ni Yana ang cellphone niya at sinuri ito.

'Gumagana pa naman yung cellphone ko at 100% pa... pero ang alam ko ay lowbat na to yung papauwi na nako galing trabaho.' Nagtataka siya pero sinawalang bahala na lang niya ito.

Tumigil sa harap niya ang karwahe at may bumabang isang magandang babae.

"Mukhang di ka galing sa lugar na ito, kakaiba ang iyong kasuotan." sabi sa kaniya ng babae.

"...." Di sumagot si Yana.
'Sino kaya ang babaeng ito?' Nagtataka kung bakit siya nilapitan nito.

Naramdaman naman hindi sasagot si Yana kaya nagpakilala ito.

"Ako nga pala si Amelia Flores, isa akong guro sa isang paaralan malapit dito." Nakangiting sabi nya.

"Kung interesado ka na pumasok, magkakaroon ng entrance exam tatlong araw mula ngayon" dagdag nito. May binigay siya sobre kay Yana at umalis.

Tiningnan nito ang laman ng sobre.

---------------
Magandang araw sa iyo, ikaw nabigyan ng pagkakataon na makilahok sa entrance exam ng aming paaralan. Para sa karagdagang impormasyon ay araw ng pagsusulit ipapaliwanag.
Ito ay nagsisilbing imbitasyon upang makasali sa entrance exam sa Magencas Knight Academy.
---------------

Interesado si Yana sa magaganap na pagsusulit. Ngunit wala pa siyang alam sa mundo na ito. Biglang tumunog ang cellphone ni Yana. Tiningnan niya ito at may nag text sa kanya.

-----------

Gamit ang cellphone na ito, pwede mo ditong makita ang impormasyon na iyong kakaylanganin. Merong mga apps na naka install dito na magagamit mo sa mundong ito. Ikaw na ang bahala na tumuklas dito.
                         

From: System

------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ResurrectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon