Chapter 3

15 0 0
                                    

Jake's POV

Hay! July na pala. Isang buwan na ang nakalipas noong nagkasabay kami ni crush sa jeep. Aaminin ko na, si Ella yung crush ko. Nasa kanya na kasi ang lahat,matalino,maganda, at mabait.

Gusto ko ngang makipagkaibigan sa kanya para mas makilala ko siya.

"Bro!" sigaw ni Liam. Siya yung bestfriend kong makulit.

"Uy andyan ka na pala." sabi ko naman.

"Handa ka na ba sa Career Guidance Day natin?"

"Kailan nga yun bro?"

"Ngayong July 15 pa bro. May isang linggo ka pa para makapaghanda."

"Bro, may balak sana akong gawin."

"Ano naman yun?"

"Gusto ko ng makipagkaibigan kay Ella eh."

"Aamin ka na sa kanya?"

"Praning,makikipagkaibigan nga lang eh!" at binatukan ko siya.

"Aray,joke nga lang eh! Pero may tanong pa ako."

"Ano?"

"Bakit mo naman naisipan yan?"

"Wala lang. Pumasok na nga tayo."

Ella's POV

"Elsa papasok na siya!" sabay ngiti.

"Sino?"tanong ni Elsa.

"Si Jake!"

"Grabe para namang ilang taon kayong hindi nagkita."

"Shut up ka na nga diyan."

*lunchtime*

Hala bakit palapit siya sa table namin ni Elsa. Kasama nga niya pala yung bestfriend niyang si Liam. Si Liam ang crush ni Elsa.

"Pwede makishare ng table?" sabi ni Jake.

"Oo naman, walang problema." sabi ko.

Namumula na kami ni Elsa. Pagkatapos naming kumain ay pumasok na kami sa room.

"Bes, nakakilig yun kanina sa canteen ah." ika ni Elsa.

"Oo nga eh." sabi ko

"Sa kay rami ng pwedeng mashare-an ng table eh sa atin pa talaga sila."

"Oo nga."

*dismissal*

Jake's POV

"Bro, anong ginawa mo kanina?" sabi ni Liam.

"Yun kasi ang pinakamalapit eh." sabi ko.

Crush kasi rin ni Liam si Elsa kaya galit na galit siya at kinikilig rin.

"At least bro, nakatabi ko si Elsa."

"Oo nga, at natabihan ko rin si Ella."

"Sige bro, uwi na ako."

"Ako rin, bye bro."

"Bye."

______________________________________

Ano kaya ang mangyayari sa Career Guidance Day nila?

Abangan.









Secret FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon