Chapter 4

10 0 0
                                    

"Ate, kasi .......... Ate sorry, sorry talaga, may Naging something kami ni kuya Jared, pero ate wala na po yun. Pinatigil ko na po. Ate sorry talaga"

Pagkarinig ko non, hindi ko alam kung anong irereact ko.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib but at the same time para din akong tinusok patalikod.

Parang tumigil yung ikot ng mundo ko.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

Tumigil yung tibok ng puso ko.

Nakita kong tumulo na yung luha niya.

Mga 5 segudo din akong hindi naka-imik.

Gusto kong magalit, gusto kong sumigaw kasi ang sakit.

Bumalik lahat ng sakit.

Pero alam kong hindi din naman madali na umamin kaya pinapakalma ko yung sarili ko.

Dalawang taon akong umasa na babalik pa siya pero tangina niya nahanap niya sarili niya sa iba.

Pinilit ko pading maging mahinahon.

Kahit na sa loob loob ko wasak na wasak na ko.

"Ate, sorry talaga hindi ko naman sinasadya kasi." Pagpapatuloy niya habang umiiyak.

Tahimik lang ako at nakikinig.

Pilit kinakalma ang sarili.

Ako kasi yung taong kapag galit puro masasakit na salita lang yung lalabas sa bibig ko. At alam kong sa mga oras na to hindi yun dapat mangyare.

"Ate, siya naman kasi yung nangungulit sa akin. Tinatawg niya akong Babe.................

Siya din yung nag umpisa sa tawagan namin mommy daddy,

Ate sorry talaga

Hindi ko sinasadya"

Sa lahat ng sinabi niya isa lang ang alam ko.

Niloko nila ako.

Pinaasa niya ako.

And for the second time around He hurt me.

What a lame excuse Jared.

Fix your self?

Let's wait for the right time?

Pag tama na yung timing liligawan kita ulit.

WTF !!

You lier!!

Hindi ako naka-imik sa sinabi niyang iyon.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Although sa loob loob ko gustong gusto ko siyang sampalin.

Pero nanaig padin sakin yung pagiging ate ko.

Nung nakalma ko na yung sarili ko

Hey BabeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon