Chapter 8

17 0 0
                                    

Marga's POV

"Grabe, ang bilis ng araw, second week na ng duty" sabi ni Danica

"Oo nga, mga bes may damit na kayo?" Tanong ni Vaning habang naghihintay kami sa iba pa naming mga kasama medyo napaaga kami eh hahahaha

"Ay Shocks! Oo nga pala next week na ba yung acquaintance ball?" Oo nga pala wala pa kong gamit.

Officer pa man din ako Patay kang bata ka!!

"Wala pa" sabi ni Megan

"Ako din shit kailan kayo maghahanap?" Tanong ni Chheska

Nag shrug lang ako ng shoulder. Ganon din yung iba.

Hahahaha bahala na, maya maya pa may dumating na level two.

Kasama si Jay shempre.

Nagulat ako dahil nagtama yung mata naming dalawa, OMG! Tapos ngumiti siya.

"Huy ano yun?" Sabi ni Danica

"Kaya nga, anong ibigsabihin ng ngiting yon?" Dagdag ni Cheska

"Baliw wala yun, shempre nahandle ko siya nun lastweek diba?" Pagdadahilan ko pero langya feeling ko namumula ako ang init kasi ng mukha ko.

Actually chinachat niya ako since that day. Pero dedma lang ako. Casual lang na chat hi / hello / kamusta tapos cge may ggawin pa ako ganon lang.

Hindi din naman kami nagkikita sa school haha.

So wala lang yung ngiti na yun.

------

Ilang saglit pa dumating nadin yung iba pa naming kasama tapos si Mam Avecilla.

"Hello girls"

"Goodmorning ma'am" sabay sabay naming sabi.

"You're all complete? Section 1"

"Yes mam"

"Section 2?"

"Yes mam"

"Level 2?"

"Yes mam" sagot ni Jay

Naku kahit hindi na ko lumingon alam kong siya yun.

Boses palang eh hahaha

Napangiti tuloy ako sa naisip ko, naramdaman kong bahagya akong siniko si Danica. Baliw hahaha binigyan ko tuloy siya ng nanunukso ka nanaman look.

Nakuha naman niya yung tingin ko yun kaya nag Belat siya sakin.

Asar!!!

"So before you go to your distinctive areas, I just want to inform you that we will be joining the BGH 58th anniversary this comming Wednesday so you are expected to perform an intermission number"

-.- parang nararadar ko na kung ano kalalabasan nito ah.

"Any Volunteer?" Dagdag ni mam.

Hey BabeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon