Prolouge + Casts

198 2 2
                                    

Alexa Jung


Hello, readers! Ako nga pala si Alexa Jung. I'm 25 years old. Oo, sa pagkakaalam ko hindi kaming purong tao.. Or should I say na hindi ako purong tao? Yung Kuya ko kasi na si Spencer dun na sa Vapphire Kingdom tumira. Oo, kami ay may lahing vampira ngunit kaming dalawa ng kuya ko, hindi kami umiinom ng dugo ng tao. Kaya naming mabuhay kahit na hindi umiinom ng dugo sapagkat kami'y may dugong tao. Ang aming ama na syang dating hari ng Vapphire Kingdom ay purong vampira ngunit sya'y hinatulan ng kamatayan sapagkat sya'y umibig sa isang tao. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mamatay ng aming ama dahil lang umibig sya sa isang tao. I mean, bakit ipinagbabawal nila na umibig ang mga Vampira sa mga tao? Wala namang ginawang mali ang mga kapwa kong tao..


Ang aming ina naman na naging reyna ng Vapphire Kingdom sa pitong araw lamang sapagkat maraming tumutol sa pag-iibigan ng aming mga magulang. Ang aming ina ay purong tao at wala rin syang mataas na ranko dito sa Human World. May mga ranko kasi dito sa Human World..


May Water Country, Land Country at Sky Country. Hindi ko alam kung sino ang mga namumuno sa bawat mundo sapagkat mas nakapokus ang atensyon ko sa aking pag-aaral. Mas gusto ko rito sa Human World na lamang tumira kaysa sa Vampire World. Masyado kasing komplikado at mahirap ang pamumuhay sa kabilang mundo. Masyadong marami ang bawal.. Nako, ako pa? Hindi ko kaya yun, para akong isang malayang ibon. Nais kong gawin lahat ng walang limitasyon. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang pagkawala ng kalayaan..


Kahit na mawala ko ang sariling buhay basta makamit ko ang inaasam na kalayaan ng lahat, ako'y ayos na..


May mga karapatan ang bawat isa at may mga nais..


Ang aming ina ay pumanaw kasabay ng aming ama. Pati sa kamatayan, sila'y magkasama. Ganoon nila kamahal ang isa't isa.. Hindi ko man lang nasilayan ang itsura ng aming mga magulang kahit na isang beses simula nung ipinanganak ako..


Ang aking mas nakatatandang kapatid na si Spencer, nasilayan na niya ang mga mukha ng aming mahal na magulang sapagkat siya'y 9 na taong gulang noong sila'y pumanaw..


Nasambit rin sa akin ni Tiya Louie na nakatakda kaming ipapatay dati nung kami'y bata pa lamang ngunit nagmaka-awa ang aming mga magulang na wag na kaming idamay at sila na lang ang ipabitay..


Ganoon kami kamahal ng aming mga magulang kaya pinoprotektahan at inaalagaan namin ni Kuya Spencer ang isa't isa sapagkat kami ang mga bunga ng pagmamahalan ng aming pumanaw na mga magulang.


Nais ko talagang makita ang aming mga magulang ngunit tugon ng aking mga kamag-anak dito sa mundo ng mga tao ay mas makabubuti raw para sa akin kung hindi na lang malaman ng mga tiga-Vapphire Kingdom na ako'y anak rin ng pumanaw na magkasintahan..


Ang pagkakaalam kasi ng mga tiga-Vapphire Kingdom ay isa lang ang anak ng dating hari ng Vapphire Kingdom. Ang impormasyon na may anak silang babae ay nanatiling sikreto at nakatago hanggang ngayon..


Mga tapat na dating nakapaglingkod sa aming mga magulang lamang ang may alam. Kaya itinago ako ng aking ina dito sa mundo ng mga mortal upang hindi raw ako madamay pa sa kaguluhang ito..


Ngunit kapag ako'y nagdalawampu't limang taong gulang na ay kailangan ko na raw magbalik doon sa Vampire World, ayon sa sinabi ng matandang salamangkero na pinagkatiwalaan ng aming mga magulang.. Ngunit ayaw ko pang maniwala kasi hanggang nagyon, hindi parin ako sinusundo ng isang puting ibon na magsasabi sa akin na kailangan ko nang ilabas ang katotohanan..


Ayon ay ang ayon rin sa salamangkero. Ako'y dalawampu't limang taong gulang na ngunit hindi parin ako nakakatamo ng mga ganitong pangyayari..


Tara na't subaybayan ang aking paglalakbay at magiging buhay bilang isang tao na may lahing Vampira..


Sweet Kisses from my Immortal Lover || CKH and KHC Fanfiction ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon