O N E

81 2 3
                                    

Alexa Jung


"Ms. Jung?" Nabaling ang atensyon ko sa aming guro na nasa harapan ko na ngayon. Dali dali akong naglagay ng ngiti sa aking mga labi upang takpan ang katotohanan na hindi ako nakikinig sa klase. "Bakit po, Mrs. Ma?" Tanong ko habang nanginginig pa ng kaunti ang aking tinig.


"Have you been listening to my class?" Tanong ni Mrs. Ma habang nakakunot ang kanyang noo. Dahil sa takot ay dali dali akong sumagot, "O-Opo, Mrs. Ma." Ngumisi si Mrs. Ma at sabay tanong, "Then can you please tell me very word I said since this early morning?" 


Tumingin ako sa paligid at lahat ng atensyon ng aking mga kaklase ay nasa akin. Lahat sila'y nagbubulungan at tumatawa ng mahina, iniisip siguro nila na ako'y mapapahiya.


Ramdam ko ang bawat tibok ng aking puso pati na rin ang pagtulo ng aking pawis. "Ms. Jung?" Muling tanong ni Mrs. Ma habang nakangisi parin ang kanyang mga labi. Bumugtong hininga ako at sumagot kay Mrs. Ma, "Y-Yes?"


Tinalukuran ako ni Mrs. Ma at humarap sa blackboard, "Well, I assume that Ms. Jung haven't been paying attention to my class since this early morning."


Bumugtong hininga na lang ulit ako habang nakayuko. "Hoseok Jung!" Sambit ni Mrs. Ma na medyo pasigaw na at parang may halong galit. Tumayo si Hoseok mula sa kanyang kinauupuan at nanginginig na nagtanong, "B-Bakit po, Mrs. Ma?" Muling humarap si Mrs. Ma sa amin at sabay sagot, "Ilista mo ang ginawa ni Ms. Jung ngayon din at ipasa mo sa off-"


"Planet Mars is the Fourth Planet from the sun and is the second smallest planet in the solar system. Planet Mars is named after the Roman God of War and is known as the Red Planet. Mars is a terrestrial planet with a thin atmosphere composed primarily of carbon dioxide. Planet Mars is also quite similar to Earth, scientists are still studying about Mars since the day they discovered that it's possible to live in there." Sagot kong dali dali upang maiwasan na maipatawag sa office. Ayokong guluhin ang aking mga kamag-anak dito sa mundo ng mga mortal, lalo na si Tiya Louie.


Bumukas ang bibig ng mga tao sa buong room kasama na si Hoseok. Napatingin si Mrs. Ma sa akin at walang sinabi. There was a moment of silence pero pinutol ito ni NamJoon which is the class president, "O-Okay, classmates. It's almost break time, iligpit nyo na ang mga gamit nyo at let's say Goodbye to Mrs. Ma."


Tumayo ang lahat kasama na ako at yumuko upang ipakita ang paggalang sa mas nakatatanda, "Goodbye, Mrs. Ma. Thank you for the lessons today." Sambit namin lahat. As soon as matapos ang pagyuko ay dali daling umupo ang mga estudyante sa loob ng silid at inayos ang kanilang mga gamit. Naiwang nakatingin sa akin si Mrs. Ma at sabi, "W-Well, I didn't k-know na nakikinig ka pala.. S-Sorry.." Nagmamadaling lumabas si Mrs. Ma ng silid habang nakatakip ang kanyang mukha. Buti na lang, binubuklat ko na ang mga aklat kahit nasa bahay pa lang ako upang hindi ako mahirapang intinidhin ang mga lessons kada araw.


Pinunasan ko ang aking pawis at umupo upang ayusin rin ang mga gamit at upang makapaghanda na rin sa pagkain. Nag-aayos ako ng may lumapit sa akin at hinawakan ang akin kamay, "You're awesome today, Alexa." Sambit ng lalaki. Napalingon ako at nakita ko si Cody [Suga] sa harap ko na nakangisi. 


Hinarap ko sya ng walang emosyon kong mukha at sabay tanong, "Ano kailangan mo, Cody?" Tumawa sya at sumagot, "Ikaw, sino pa ba?" Inirapan ko na lang sya at hindi na lang pinansin. Ayoko kay Cody sapagkat siya ay isang pinuno ng isang gang kaya medyo may pagkasiga rin siya. Ilang taon na niya akong nililigawan ngunit hindi ko parin sya sinasagot. Ang aking prayoridad sa ngayon ay ang aking pamilya.

Sweet Kisses from my Immortal Lover || CKH and KHC Fanfiction ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon