T W O

83 3 3
                                    

 Alexa Jung

"Alexa! Bumaba ka na riyan at kakain na tayo!" Malakas na sabi ng aking Tiya Louie. "Opo, Tiya Louie!" Sagot ko habang nililigpit ang aking mga gamit sa kwarto at diretsong bumaba sa kusina. Ngumiti ako sa aking tiya at sabay tanong, "Andito na po ak-" Naputol ang aking mga sinabi noong makaaninag ako ng isang pamilyar na mukha na nakatayo sa aming silid-tanggapan. "K-Kuya?" Tanong ko habang lumapit pa ako upang mas mas Makita ko ng mas malinaw.

Bago ko pa Makita ng tuluyan ang mukha ng lalaki ay nalagay ako sa isang mahigpit na yakap. "Hoy, panget. Namiss kita." Masayang sambit ng aking nakatatandang kapatid na si Spencer.

"KUYA!!" Halos sinigaw ko ng malaman kong si Kuya ang yumakap sa akin. Lalo kong hinigpitan ang yakap at umiyak sa dibdib ng aking kuya. "Hala siya, naiiyak ka pa." Natatawang sagot ng aking kuya. Tumingin ako sa kanya at sumagot, "Abay syempre naman! Akala ko kung ano na nangyari sa Kuya ko!" Tumawa sya at hinimas ng dahan dahan ang aking itim na buhok, "Ako pa? Kaya ko na ang sarili ko, liit." Niyakap niya ako ulit nang may ngiti sa kanyang mga labi.

Lumapit sa amin si Tiya Louie at ngumiti, "Nako, ang magkakapatid talaga.." Tumingin kami sa isa't isa ni Kuya at tumawa. Hinawakan ni Kuya ang aking kamay at tugon, "Tara na at kumain na tayo." Tumango ako at umupo na kami sa mga upuan.

Tumingin sa akin si Kuya Spencer at nagtanong, "Liit, ano? Ayos ka lang ba rito sa mundo ng mga mortal?" Natahimik ako ng saglit sa kanyang nakakagulat naa tanong.

Nais ko mang sabihin ang totoo na ang ibang mga mortal ay tinatrato ako sa hindi angkop na paraan ngunit hindi ko ito magawa, mas gusto ko pang magsinungaling kahit na hindi ito tama kaysa pag-alalahin ang aking Kuya.

"Alexa?" Tanong ni Kuya habang iwinawagayway ang kanyang kamay sa aking harap. Iniling ko ang aking ulo habang tinatakasan ko ang aking mga iniisip at sumagot, "Kuya, wag kang mag-alala. Ayo slang ako rito, sa total nga, ang babait sa akin ng mga tao rito. Wala naming nagtatangka na ako'y saktan.."

Tumingin si Kuya sa aking mata at doon ko naramdaman na binabasa niya ang aking mga ekspresyon. Kinabahan ako nung oras na iyon marahil inakala ko ay mabubunyag na ang totoo ngunit nagsalita si Kuya, "Sige kung ayun ang iyong sabi. Papaniwalaan kita." Nabasag ang tingin niya sa akin at kumalma ang kanyang ekspresyon.

"Eto na." Tugon ni Tiya Louie ng may ngiti sa kanyang mukha habang inilalapag ang mga pagkain na bagong luto at preskong presko pa sa aming harap. Kami'y napatingin sa Tinola na niluto ni Tiya Louie na alam naming may kasamang pagmamahal. Inilapit ko ang aking mukha sa kaldero na may lamang pagkain at nilanghap ang mabangong amoy nito. Tumawa ang aking nakatatandang kapatid at tugon, "Ikaw ang laging andito eh, madalang lang akong dumalaw tapos aagawan mo pa ako ng pagkain."

Kinunot ko ang aking noo at sumagot, "Oy, di ko naman inaagaw eh. Nilalanghap ko lang ang bango ng Tinola ni Tiya Louie." Tumawa si Tiya Louie at tumugon, "Talaga ba, pamangkin?" Tumango ako ng may halong ngiti at nagpatuloy sa paglanghap sa masarap na tinola.

"Oy, magtigil ka na baka maadik ka." Naglolokong sabi ng aking kapatid at tumawa silang dalawa ni Tiya Louie. "Kuya naman e!" Naiirita kong sambit. Nagpakita si Kuya ng nakakairitang ngiti at nagtanong, "Oh, bakit? Inaano kita?" Tinignan ko sya ng masama at tumigil sa paglanghap sa tinola. Tinalikuran ko sya at naghalukipkip ng aking mga braso habang nakakunot ang noo. Naririg ko ang mga mahihinang bungisngis ni Kuya mula sa aking likod. Ako'y kanyang kinalabit at sabay tanong, "Nagagalit ba ang maliit at panget kong kapatid?" Napairap na lang ako sa hangin at napabulong, "Che." "Natatakot lang naman ako na makalasa ng tinola na may kulangot na mula sa aking nakababatang kapatid." Pang-iinis ng aking Kuya. Lumingon ako Sa kanya habang may naiinis na mukha. Wala rin naming saysay kung lalaban pa ako marahil matatalo rin ako, nako, si kuya pa?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweet Kisses from my Immortal Lover || CKH and KHC Fanfiction ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon