"Raaaawr!" Pang gagatong pa ni sisa sa nang aasar sa kaniya. Napatakbo naman ang lalaking yon na nagsisigaw ng baliw.
Siya si Sisa Ang lokaret na babae. 2nd year college na siya at may pagka isip bata pa. Sisang baliw
"Sisa!" Tawag naman ng kaniyang bestfriend. Lumapit naman ito sa kaniya "... Oh bat naka lampaso ka diyan sa sahig? Binubully ka nanaman ba nila?" Tanong ni AE ang bestfriend niya.
Tumango naman si sisa at tumayo na.
"Hayaan mo na sila. Inggit lang yun sayo" Pagpursigi namang sabi ng bestfriend niya para pagaanin ang loob ni sisa
"Inggit nga lang sila. Hehe. Im sisa the pretty babes girl" Sabi ni sisa
"Bakit kasi sisa ang pinangalan sayo ni tita Sassy. Yan tuloy napag kakamalan kang baliw dahil sa pangalan mo" sabi ni AE kahit totoo namang maluwag ang turnilyo sa utak ni sisa
"Aba! Bakit hindi mo tanungin si mommy? I dont know why she named me sisa like baliw sa storya ni Maria clara" Maarteng sagot ni sisa
"Eh baka favorite ng mommy mo ang noli me tangere na sinulat ni rizal? Hahaha" At sabay na lang silang napatawa.
Magkaiba ng course si sisa at ae. Si sisa ang kinuhang kurso ay ang pagluluto at samantalang si ae ay pag memedisina
"Alam mo bestfriend ko kapag natapos ako sa kurso ko. Ipagluluto kita ng napaka sarap na recipe. Ung tipong para kang nasa langit sa sobrang sarap" nakapikit pang sabi ni sisa at ninanamnam ang bawat sinasabi.
Nangingiti na lamang si ae sa kagaguhan ng bestfriend niya
"Alam mo sisa. Kapag nakapag tapos ako sa kurso ko at naging mahusay na akong doktor,gagamutin ko ang utak mo" at napatawa na lang si ae. Sinimangutan naman siya ni sisa.
Ginulo na lamang niya nag buhok ni sisa
"Tara na bestfriend" sabi ni sisa at hinigit si ae. Napatingin naman si ae sa kamay ni sisa na hawak ang kamay niya.
Natulala siya saglit at napailing.
"Hindi ako pedeng mainlove sa kaniya" sabi sa isip ni ae.