Jaki POV
Pag-angat ko ng ulo ko nagulat ako dahil gising na si vice agad ko namang ginising si mama at ate bella ate anne kuya vhong and kuya jhong
"Vhong tawagin nyo na ang doctor" natatarantang sabi ni ate anne, sabay lapit sakin
"TLK salamat at gising kana" masayang sabi ko
"Sis" naiiyak na sabi ni ate anne
"Waaaah mamsh" excited na sabi ni ate bella
Agad namang pumasok ang doctor at chineck si vice
"Doc ano pong resulta" tanong ng mama ni vice
"Good news dahil okay na sya pero kailangan parin nyang makapagpahinga dahil nadin sa tahi ng kanyang inoperahan" sabi ng doctor, napayakap tuloy ako sa doctor
"Salamat po sobrang salamat po hindi nyo po alam kung gano ako kasayaa😄😆" sabi ko sabay kalas ng yakap, tumango lang yung doctor
"Sige maiwan ko na po kayo" sabi ng doctor
"Nak" tawag ni mama kay vice at niyakap
"Ano bang nararamdaman mo ngayon?" Tanong ni mama
"Okay na po ako ma" nanghihina paring sabi ni vice.
Nag uusap usap lang sila vice kasma sila ate anne,ako andito lang sa gilid para kasi akong naguguilty para kasing sinisisi ko parin yong sarili ko, hindi ko namalayan na nakatingin na pala sila sakin lahat
"TLK" tawag ni vice pero hindi ako umimik, nagsenyas naman syang lumapit daw ako sa knya kaya lumapit nman ako sa knya
"Pwedeng bang mayakap ko yung girlfriend ko ilang araw din akong natutulog dito sa kama ih" biro nyang sabi pero niyakap parin nya ako,naiyak tuloy ako sa yakap nya ito yung gusto kong maramdaman ih yung yakap nya na parang safe na safe ako
"Vice I'm sorry" bulong ko sa knya tinignan namn nya ako sa mukha
"Bakit" nakakunot nyang tanong
"Kasi kung di dahil sakin hindi ka naka---" pinutol nya yung sasabihin ko dahil hinalikan nya ako pero smack lang
"Ay. Ang sweet" sabi ni bella
"Sshh.. wag mong isipin na kasalanan mo yun okay? Sabi nya at inayos ang ibang hibla ng buhok ko
"Ako yung may gusto nito, bahala ng ako yung nakahiga dito basta hindi lang ikaw" sincere nyang sabi
"Salamat😢 kasi kahit alam mong ikaw yung mapapahamak, niligtas mo pa rin ako" umiyak kong sabi
"Sshh. Tahan na okay naman din ako oh" sabi nya
"Basta! pagaling ka ah, kasi gusto kong makasama na kita ulit" ngiting sabi ko sabay punas ng luha
"Syempre nman, ayaw ko namng mag alala yung TLK(true love ko)" sabi nya at hinawakan ang kamay ko niyakap ko nalang sya
"I love you TLK and thank you kasi lumaban ka" naiiyak kong sabi
"I love you too my forever TLK" sabi nya tsaka hinalikan ako sa noo
"Hoy nilalanggam na kami dito oh! Tama na yan" bitter na pagkasabi ni ate bella
"Suus inggit ka lang" pang asar ni kuya jhong and vhong inirapan lang silang dalawa ni ate bella
--
Vice POVMasaya ako at nalagpasan ko ang isang bagay na walang kasiguraduhan, kahit man nakapikit ako noon iniisip ko parin si mama mga kaibigan ko at lalong-lalo na ang girlfriend kung iyakin. Hanggang ngayon nakakulong parin daw sina karylle at tom, hindi ako makapaniwala na magagawa ni k at tom yun iba talaga ang magagawa kapag nagmahal ka dahil gagawin mo ang lahat kahit na may maagrabyado ka makuha mo lang ang gusto mo.
"TLK nakatulala ka namn dyan?" tanong ni jaki
"Alam mo kasi TLK iniisip kita kaya ako nakatulala" namula namn sya sa sinabi ko
"Binobola mo namn ako" sabi nya
"Hindi no! Ikaw na nga laman ng puso ko pati ba naman din sa isip ko" sabi ko na mas lalong kinapula nya
"Tsee, mag ayos kana nga dyan!" sya para pagtakpan ang hiya nya
Ngayon na kasi yung labas ko dito sa hospital kaya si jaki nagliligpit na ng mga damit sila mama naman at mga kaibigan ko ih umuwi sa bahay para maghanda daw pa welcome back party ko daw, pero salo salo lang hindi yung bongga talaga ayaw ko kasi ng ganun mas okay sakin yung mga mahal ko lang sa buhay. Tumayo na ako pero lumingon si jaki at inalalayan ako
"Ay ang galing naman ng doctor ko" sabi ko sa knya
"Ewan sayo vice" ngumingiti nyang sabi
"Maghintay ka lang ah! Tatapusin ko lang to" pagiiba nya ng usapan, tumango lang ako, nakatingin lang ako kay jaki na nagliligpit ng mga damit. Pano pat maging asawa ko to😂😍 masaya siguro😅
----
"Mauna na akong baba, maghintay ka lang dyan aalalayan kita" sabi nya"Yes maam" sabi ko sabay salute tumawa lang sya
Andito na kasi kami sa bahay
"Hali kana" sabi ni jaki sabay alalay sakin, lumapit naman ako sa knya
"Dahan dahan ka lang" sabi nya ulit
"Napaka perfect naman ng doctor ko maganda na nga mabait pa at mabango din" sabay amoy ko sa buhok nya
"Suuus hali kana nga" sabi nya na ngumingiti , pagpasok namin ni jaki sa bahay..
"WELCOME BACK VICE" sigaw nila mama, yung parents ni jaki sila anne, vhong,bella and jhong. Magkasundo nadin yung parents ko at parents ni jaki nagpapasalamat nga ako dahil walang tutol sa pag mamahalan namin.
Nginitian ko lang silang lahat at lumapit sa knila para makipag beso beso inaalalayan parin ako ni jaki
"Hali na kayo kain na tayo" sabi ng mama ni jaki,tumango lang kaming laht
Habang kumakain kami nagtanong naman ang mama ko..dahilan para mabilaukan kaming dalawa ni jaki
"Nga pala kelan ang kasal nyo" ngising tanong ni mama, natawa naman yung kaibigan ko at mama at papa ni jaki dahil sa reaction namin
"Ma ano ba naman yang tanong mo" pagmamaktol ko, dahil namumula na si jaki sa hiya
"Oo nga vice? Kelan ba" dumagdag patong mga ugok kong kaibigan!
"Kain na nga lang kayo dami nyong alam!" Ako pero sila tumawa lang except samin ni jaki
"Nagbabaka sakali lang naman kami vice, malay natin" sabi ni tito
Gusto ko din naman yung gusto nila si jaki lang yung inaalala ko ayaw ko din namn syang madaliin. Ang importante sakin ngayon ay yung makasama si jaki at yung mapasaya sya yun naman yung importante ih. Yung kami lang munang dalawa masaya na ako dun
BINABASA MO ANG
SANA? A Vicejack Lovestory😍
FanfictionPano kapag isang araw nagising ka na lang bigla na MAHAL mo na pala sya? Dahil lang sa araw araw nyong biruan pero alam mo namang walang KATOTOHANAN! Babaliwalain mo nalang ba yung nararamdaman mo sa kanya o ipaglalaban mo? Kaya lang mapapatanong ka...