Vice POV
WIT LANG na sa Ms. Q&A and tinawag ko na si jaki, ba't kahit ang simple lang nya ang ganda parin nya sa suot nyang dress na kulay pula.
"Hoy sis matutunaw na yang si jaki ha? Natatawa pero kinikilig na sabi ni anne, alam na kasi ng ST family ko na girlfriend ko na si jaki. Ngumiti naman ako kay anne
"Kumusta jaki" tanong ko sa knya ng nakangiti na halos aabot na sa langit
"Masaya.... masayang masaya" sya at tinitigan lang ako sa mata na parang sinasabi nya *masaya ako kasi nakita na naman kita*
Lumingon ako sa madlang people
"Madlang people" pabitin kong sabi nakuha ko namn ang attention nila at tinitigan nila ako, lumingon namn ako kay anne at nakangiti lang syang tumango napabaling ako ng tingin kay jaki, alam kong kinakabahan sya.
"May announcement lang po ako" pabitin ko paring sabi tutuk na tutuk yung mga madlang people sakin
"GIRLFRIEND ko na po *sabay tingin kay jaki* si.......si JAKI" sabi ko tumayo ang ibang madlang people at kinilig ang iba namn pumalakpak at natuwa
"Congrats sis" anne tumingin namn ako sa kanya at ngumiti, lumingon ako kay jaki at nagsalita
"Sa likod nito marami po kaming pinagdadaanan pero nagpapasalamat padin ako at nalagpasan namin yun at ang mas masaya dun yung taong binibiro ko noon ay naging akin na ngayon" sabi ko na titig na titig pa din kay jaki at lumingon sa mga madlang people, kinilig padin ang mga madlang people
----
Andito ako ngayon sa backstage ng studio hinhintay ko lang si Jaki dahil sabay na kaming pupunta ng bahay"Vice" tawag sakin ni jaki lumingon naman ako at tumyo humalik namn sya sa pisngi ko, kinikilig din talga ako sa babaeng to ih
"Tara na" at hinawakan ang kamay nya
"Salamat ha?" Napahinto naman ako
"Para saan?" Ako
"Sa lahat lahat dahil alam mo na man na isa lang akong ordinaryong babae at ikaw--" hindi ko sya pinatapos
"Wag mong sabihing ordinaryo ka lang dahil para sakin ikaw yung special" sabi ko at inayos ang ibang hibla ng buhok nya
"At salamat din dahil pinakilala mo ako sa lahat ng mga tao na girlfriend mo, alam kong hindi madali yun sayo dahil sikat ka at ako ay isang simpleng ka loveteam mo lang" sabi nya sabay haplos sa pisngi ko
"Hindi namn kasi pwedeng itago ko nalang jaki dahil lang sa baka maapektuhan yung career ko kasi ngayon isa kana din sa napaka importante sakin at gagawin ko ang lahat para mapasaya ka"sabi ko
"Napakswerte ko naman sayo wala nakong hihilingin pa" sabi nya at niyakap ako
"Sweet naman ng lovebirds" singit nila vhong, anne, bella&jhong nahiya namn si jaki at umiling iling nalang ako
"Yaaay jaki congrats" bella sabay halik sa pisngi ni jaki natawa nalang si jaki sa inaasta ni bella
"Anyway dude welcome to the clan" vhong at tinapik tapik ako winaksi ko naman yung kamay nya
"Ikaw ilong ha! Bagubaguhin mo nayang ugali mo!" Sabi ko sabay batok sa kanya
"Cutie pie ako ba nagbago na?" Jhong sabay pogi pose at kumindat
"Hoy unggoy ka wag mokong matawag tawag na cutie pie nandito yung girlfriend ko" sabay duro sa knya tumawa namn si bella at anne.
"Sige alis na kami baka hinihintay na kami ni mama ngayon" sabi ko
"Iba din talga sis" anne saka ngumiti, naiiling iling nalang ako at hinila si jaki
"Pasensya kana sa kanila ha?" Sabi ko sa kanya
"Okay lang nakaktuwa nga sila ih" sya
----
Bahay*Papasok na kami ni jaki sa bahay ng pinigilan nya ako
"Vice wag nalang kaya ngayon" kinakabahang sabi nya sakin hinawakan ko naman sya sa kamay
"Ssshh. relax andito naman ako at sigurado akong magkakasundo kayo ni mama kaya hali kana" sabi ko
"Vice naman ih" nakangusong sabi nya, napaka cute talaga sarap halikan😘😍
"Hali kana, magtiwala ka lang sakin" ako saka hinila n sya papasok ng bahay
"Ma andito napo ako" sabi ko, nakita ko naman si mama galing kusina naghahanda na pala sya ng pagkain
"Yan naba ang girlfriend mo?" Nakakatakot na tanong ni mama napahigpit naman ang hawak ni jaki sakin
"Ma wag mo naman po syang takutin" pagmamaktol ko
"Hahahaahhahaha wag kanang matakot sakin ija" sabi ni mama kay jaki at hinawakan para ipaupo sa upuan,bumulong namn ako kay jaki
"Sabi ko naman sayo diba? sabi ko kay jaki at kumindat pilit naman syang ngumiti sakin
Kumakain na kami at si mama naman hindi mapreno kakatanong kay jaki kagaya ng saan daw kami nagkakilala? Bakit daw ako nagustuhan ni jaki? At marami pa, minsan nauutal nga si jaki sumagot
After a minute tapos na kaming kumain, nagpaalam muna ako kay jaki at mama na maligo para pagkatapos mahatid ko na si jaki sa kanila dahil di sya pwedeng mag pagabi dahil hindi pa sya nakapag paalam sa mama at papa nya
Jaki POV
Nandito ako sa likod ng bahay ni vice, mahilig din talaga sya sa bulaklak😍
"Jaki" lumingon naman ako kung sino yung tumawag sakin
"Ti-tita" utal kong sabi
"Ikaw talagang bata ka masyado kang mahiyain mama nalang din tawag mo sakin" sabi nya at hinawakan ang kamay ko
"Ah sige po ti-- mama" nahihiya kong sabi
"Jaki?nga pala babalik na ako next week sa amerika umuwi lang talaga ako dito para madalaw si vice at mukhang okay namn sya" sabi nya nagpatuloy naman sya sa pagsalita
"Gusto ko lang magpasalamat sayo kasi ikaw yung dahilan ng pagiging masayahin nya, sana wag nyong sukuan ang isat isa dahil hindi naman mawawala ang problema na dadating sa isang relasyon, dahil diyan sinusukat kung gano kayo ka tatag palagi nyong alagaan ang isat isa, at sana sa pagbalik ko dito ay ikakasal na kayo" sabi ni mama ng nakangiti ng nakakaloko
"Makakaasa po ma, aalagaan ko po sya at ipapadama ko sa knya araw araw kung gano ko sya kamahal" sabi ko
"Haays ang masasabi ko lang talga napaka swerte nyo sa isat isa" sabi ni mama at niyakap ako
"Tapos na kayong magdrama ma?" Singit
ni vice"Ikaw talgang bata ka!" Si mama sabay hampas kay vice
"Ihahatid ko napo si jaki ma" sabi ni vice tumango nalng si mama at niyakap ako ulit
"Sige ingat kayo" mama
Hinatid na nga ako ni vice sa bahay. Napakasaya ko tlaga yung hindi pilit n saya sana magtuloy tuloy to.
BINABASA MO ANG
SANA? A Vicejack Lovestory😍
FanficPano kapag isang araw nagising ka na lang bigla na MAHAL mo na pala sya? Dahil lang sa araw araw nyong biruan pero alam mo namang walang KATOTOHANAN! Babaliwalain mo nalang ba yung nararamdaman mo sa kanya o ipaglalaban mo? Kaya lang mapapatanong ka...