Chapter 27:

277 10 1
                                    

Vice POV

"Vice" kinakabahang tawag ni bella sakin, kinakabahan na ako kay bella

"Vice si jaki dinukot!" Sya

Nagulat naman ako sa sinabi nya

"Si-sinong dumukot" utal kong tanong

"Hindi ko sila kilala, lahat sila nakamask,tutulungan ko sana si jaki kaso ako lang mag isa at baka mas lalo lang kaming mapahamak" natarantang sabi nya

"Vice san ka pupunta" tanong ni anne nung aakma na akong aalis, lumapit sya sakin

"Pupuntahan ko girlfriend ko anne" naiiyak kong sabi

"Vice magrelax kalang mababawi natin si jaki, baka kung mapano ka pa" nag aalalang sabi nya

"Anne pano ako magrerelax kung ang girlfriend ko nasa panganib"natatarantang sabi ko

"Sasamahan ka namin vice ako na yung magdadrive" suggestion ni vhong tumango nalang ako at mabilis kaming lumabas ng showtime studio timing din kasi tpos na kaming mag practice. Kinakabahan na ako yung girlfriend ko baka mapano yun sabi ko sa isip ko

--
Nalibot na namin yung manila pero hindi padin namin mahanap si jaki

"Cutie pie uwi muna tayo?" Sabi ni jhong sakin

"Hindi pwede baka kung mapano na si jaki" naiinis ko ng sabi

"Pahinga mo na tayo vice" sabi ni vhong

"Ako nalang yung maghahanap kay jaki umuwi na kayo" sabi ko sa knila

"Vice baka mas lalo ka lang mapahamak, uwi na tayo" sabi ni bella

"Hindi nga pwede" sabi ko

"Vice akla mo ba magugustuhan ni jaki kapag ganyan ka! Kailangan mo munang magpalakas dahil wala kapang pahinga pwede naman tong ipagpabukas magtiwala ka lang sa girlfriend mo!" Pagalit na sabi ni anne, hindi nalang ako umimik

"Wag kang magaalala vice ako na yung bahala dahil e'tatrace ko yung plate number nung sasakyan, kaya mag relax ka lang muna" sabi ni bella

"Kapag may alam na ako agad kitang tatawagan" bella saka ngumiti

"Pahinga ka muna" sabi ni anne tumango nalng ako

Unang hinatid si jhong sunod naman si bella next naman si anne at ako yung huling hinatid ni vhong

"Sige pasok kana" sabi ni vhong

"Salamat" sbi ko at pumasok sa bahay

Kahit anong gawin kong pagtulog, hindi talaga ako makakatulog yung isip ko parang lumilipad dahil si jaki nalang yung puros laman nito. Iniisip ko kung napano na sya! Baka may nangyari ng masama sa knya

Jaki POV

"A-aray ko" sabi ko sabay hawak sa ulo ko anong nangyari sakin bat ako nandito

"Oh well well gising na pala ang babaeng mang aagaw" sabi ng babae inangat ko yung ulo ko at tinignan ko kong sino..... si karylle pala

"Pano mo to nagawa sakin? Galit na tanong ko

"Dahil isa kang mang aagaw!" Sabi nya

"Ano bang problema mo!? Pagalit kong sabi

"IKAW YUNG PROBLEMA! DAHIL YUNG TAONG MAHAL KO INAHAS MO!" sabi nya at lumapit sakin

"Hahaha *evil laugh* paalam ka na jaki dahil hindi magtatagal mawawala kana sa mundong ito" sabi nya, natatakot na ako pero Kailangan kong lakasan loob ko

"Karylle! Tama na yan!" May lalakeng sumigaw, paglingon ko hindi ako makapaniwala

"T-tom!" gulat na sabi ko

"Ako nga jaki!" Sabi nya

"Ba't nagawa mo to sakin?" Umiyak kong tanong, pero hindi sya umimik

"Hoy babae wag kang magdrama dyan! Dahil kahit anong sabihin mo walang tutulong sayo!" Sya

"Wala akong pakealam!" Sigaw ko kay karylle

"Oh. Sumasagot ka pa ha!" Sya at lumapit sakin at *PAK* sinampal ako

"yan ang nababagay sayo!" Sabi nya, nakatali kasi yung kamay ko dahilan para hindi ako makaganti, feel ko namumula yung pisngi ko, mahapdi sobrang hapdi

"Karylle! Hali kana!" Sabi ni tom tsaka nag walkout

Tinitigan lang ako ni tom at namn yung mata ko na nakatingin sa knya, tsaka nagpatuloy syang umalis. Sana mahanap na ako ni Vice😭

Vice POV

Nang nag umaga na mabilis akong umalis sa bahay para hanapin si jaki. Wala pang minuto may nagtext sakin tinignan ko naman yun kung sino si bella pala

*text message*

Bella: Vice nahanap ko na kung san dinala si jaki

Nagreply agad ako sa knya

"Saan?" Natatarantang reply ko, maghintay ka lang jaki tutulungan kita

Bella: Sa bodega yung walang katao tao malapit sa *********. Reply ulit ni bella

Pagkabasa ko nun kagad ko namang binilisan ang pagpa takbo at pinuntahan ang lugar na yun

"Sige bella salamat papunta na ako dun" ako

Bella: What? Ikaw lang mag isa? susunod kami nila anne. Sya hindi na ako nagreply at nagmadali


Jaki POV

"Jaki magpaalam kana!" Sya at tinutukan ako ng baril

"Please karylle wag mong gawin yan" umiiyak kong sabi

"Matagal ko na tong gustong gawin sayo jaki! Dahil sayo ayaw na ni vice sakin!" Sigaw nya

"Karylle ibaba mo yang baril, wala naman to sa usapan diba!" Sabi ni tom

"Oo wala. At dahil uto uto ka nagpauto ka naman!" Sabi nya

"Kung ayaw mong madamay tom tumahimik ka nalng!" Sigaw ni karylle at hindi na umimik si tom

"Karylle stop this nonsense! Hindi ko sya inagaw sayo dahil HINDI NAMN SYA NAGING SAYO!" sigaw at umiiyak kong sabi

"Matapang ka ha!" At tinutuk na sakin ang baril

"WALA KANG ALAM JAKI! HINDI MO ALAM KUNG GANO AKO KA EXCITED UMUWI DITO PARA KAY VICE" nanlilisik nyang sabi

"TAPOS SINIRA MO LANG YUN!" sya ulit

"KAYA JAKI KAPAG WALA KANA MAPAPASAKIN NA SYA ULIT! sya at ngumisi

"Bye Jaki" sya at ipinutok ang baril, pumikit nalang ako at sinabi ko sa isip ko *Na Mahal ko si vice* at pumatak yung luha ko

"JAKI" narinig kong sigaw, kilalang kilala ko yung boses na yun isang tao lang naman ang tinitibok ng puso ko at..................






Bitin ba? Well matuto kayong maghintay sa update😂

SANA? A Vicejack Lovestory😍Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon