Samu't-saring putukan ang naririnig. Kahit saan ka lumingon ay makikita ang mukha ng paghihinagpis at galit. Ang mga punong nagliliyab ay tila kinakain ang kadiliman ng gabi. Ang mga balang tumatagos sa mga kaawa-awang mga katawan. Ang mga bala ng kanyon na bumubuhay sa patay na kalangitan.
Ilang daang katawan na ang nakahandusay, ngunit parang hindi pa rin matapos tapos ang lagim ng digmaan. Ilang beses na ring umagos ang mga dugo ng mga taong namatay.
Mirasol, umiyak ka! Umiyak ka! Hahahaha. Iyak Mirasol.. Iyak.! Magalit ka... Ilabas mo ang galit mo. Ahahahahah
Unti unting lumakas ang hangin, lalong lumiyab ang nagwawalang apoy na tumutupok sa buong kabihasnan, nagdilim ang kalangitan, kumulog at kumidlat......
WAGGGG!! Wag Mirasol..
Patayin ang babaeng yan!! Isa syang mangkukulam. Sunugin ang babaeng salot!!
Pinaulanan ng bala ang nangangalit na babae,.
Ang dating mayumi, mahinhin at katangi tanging si Mirasol.. Ngayon ay puno ng galit at poot.. Nawala na ang kaaya aya nitong ganda, tila nilamon ng nakakasuklam nyang itsura..
Ang katahimikan ng kabihasnan ay nabulabog dahil sa mga dayo na pilit kinakamkam ang nakatagong hiwaga at kayamanan ng bayan.. Lahat ng humahadlang sa kanila ay kanilang pinapaslang.. Maging ang mga inosenteng kapamilya ng biktima.
At hindi nakaligtas dito ang buong angkan ni Mirasol. Sapagkat pinaslang ng mga dayuhan ang kanyang ama na syang Ama ng Bayan ng kanilang kabihasnan. Hanggang ang buong bayan na ang pinagpapatay ng mga dayuhang may mga de kalibreng armas at sasakyang may pampasabog.
Gulong gulo ang utak ni Mirasol, galit, poot at hinagpis ang bumalot sa kanyang puso. . Hanggang sa gusto nyang patayin din ang mga dayuhang kumuha sa buhay ng kanyang pinakamamahal na pamilya.
Wala na sya sa tamang pag-iisip. Tila sya baliw , umiiyak habang tumatawa. Bawat madaanan nya ay kanyang sinasaksak kahit maging ang kanyang kababayan.
Saksi ang lahat kung paano naghinagpis ang dalaga, ngunit nababalot ng takot, awa at galit ang puso maging ng mga pamilya ng mga kababayang pinaslang ni Mirasol.
Magulo, magulong magulo.. Ang mga galit na taong bayan ay pilit na kinaladkad si Mirasol at dinala sa pinakapuso ng bayan.. Doon ay susunugin nila ang nababaliw na dalaga..
Masakit, oo. Ngunit mas sasakit kung patuloy nilang makikita na pumapatay ang dating magiliw na dalaga. .
Patawad Mirasol,pero tama na ang lahat ng buhay na pinatay mo. Patawarin mo kami.
Bakit ka humihingi ng tawad sa babaeng yan?!! Pinatay nya ang mga batang walang kamuwang muwang.
Patayin ang babaeng yan!!
Sunugin ng buhay!!
Ang mga dayo na noo'y nananakop sa kanila ay tuwang tuwang pinagmamasdan ang ginagawa ng mga tao sa kanilang kababayan.
Unti unting nagliyab ang apoy na tumutupok kay Mirasol. Puro sigaw at tangis lamang ang naririnig sa dalaga... May mga naaawa, ngunit mas nananaig ang galit sa puso ng iba..
Bakit?? Bakit si Mirasol pa ang pumatay sa kanilang mga anak? Bakit sya pa??
Matapos masunog at mawalan ng buhay ni Mirasol ay isinuko ng taong bayan ang lugar nila sa mga dayuhan. Sila ay hinayaang umalis sa lugar na yun kapalit ng kanilang kaligtasan.
Magmula noon ay wala ng naging balita sa bayan ng Ildefonso.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Tale
Mystery / ThrillerPakiramdam ni Meggan may kulang sa kanyang pagkatao. Hanggang sa madiskubre nya ang natatagong lihim na bubuo sa kanyang buhay.