Kakatapos lang ng klase nila Meg at Sam. At dahil sa kanyang pagiging tsismosa nakapasa sila sa surprise long quiz ng prof nila.Papunta sila ng Cafeteria ni Sam, kwentuhan lang ganoon. Pero bigla syang natigilan ng marinig nya ang isang estudyante na bumubulong sa kausap nito.
"nabalitaan mo na ba?"
"malapit na ang Fiesta de Mirasol"
Fiesta de Mirasol??
Hindi nya alam kung sadyang matalas lang talaga ang tenga nya o baka may superpower sya?
"ahh Sam diba matagal ka na dito?"
"hmm , oo halos isang taon na din. Bakit?"
"ano yung Fiesta de Mirasol?"
Gulat ang mukha ni Sam sabay hila sa kanya papunta sa medyo tagong lugar.
"san mo nalaman yan?? Wag na wag mong babanggitin yan."
"huh? Bakit?"
"basta"
"anong basta, sabihin mo sa akin o ipagsisigawan ko yun dito ngayon."
"tss pasaway ka talaga. Sasabihin ko sayo pero pangako mo na una at huli na ito ah."
Nagtataka man ay napatango na lang si Meg. Gusto nya kasing malaman ang Fiesta de Mirasol na yun.
"twing kabilugan ng buwan sa buwan ng Agosto, may tinatawag silang Fiesta de Mirasol. Hindi ko alam kung anong history nun pero lahat ng tao dito hindi pwedeng lumabas ng bahay maghapon hanggang kinabukasan ng tanghali. Bawal ding mag-ingay. Bawal ngang pag-usapan yun eh. Ang sabi kasi nila sumpa daw yun ni Mirasol. Yun lang ang alam ko."
Sumpa?? Bakit naman kaya? Anong meron??
Alam nyang nangako sya kay Sam na huli na yun. Pero parang mas lalo lang lumaki ang curiosity nya. Sino si Mirasol? Totoo kaya ang sinasabi nilang sumpa??
Ano naman ang mangyayari kapag may lumabag sa araw ng Fiesta de Mirasol.?
Tama nga ang hinala nya, may natatagong lihim ang bayan na ito. At yun ang gusto nyang matuklasan.
Hanggang sa cafeteria ay dala dala ni Meg ang isipin na yun.
"Meg, kung ano man yang iniisip mo, wag mo ng ituloy. Kilala kita, hindi ka titigil hangga't hindi mo nakukuha ang sagot na gusto mo. Pero please spare this one. Wag ito."
Napataas ang kilay ni Meg sa tinuran ni Sam. Ganoon ba talaga kasama ang araw na yun?? May ilang buwan pa sya para malaman ang totoo.
Ngumiti na lang si Meg.
Im sorry Sam, pero may gusto lang akong malaman.
Binalik ni Meg ang atensyon sa nagkekwentong kaibigan. Ayaw nyang ipahalata na itutuloy pa din nya ang nasa isipan. Ayaw nyang mag-alala ang kaibigan nya.
Uwian. Naunang umuwi si Sam dahil tumawag ang mga magulang nito. Nakauwi na daw ang kakambal nito galing sa ibang bansa. Kaya heto sya ngayon naiwan sa school. Pumunta muna sya ng library, mayroon pa naman syang isa't kalahating oras bago isara ang buong campus.
Hahanap sya ng isang kasagutan. Gusto nyang malaman ang history ng Fiesta de Mirasol na yun.
Habang naghahalungkat ng mga librong tutukoy sa kasaysayan ng bayan na iyon. Nakarinig sya ng malakas na kalabog sa pinakamadilim na parte ng library.
Sinilip nya ang librarian kung narinig nito ang narinig nya. Pero ang magaling na tagapagbantay ay naka.earphone.
Pinili nyang tingnan ito. Ito ang pinakasulok ng library at bihirang puntahan ng mga matitinong estudyante. Pero ito naman ang madalas puntahan ng mga kabataang walang ginawa kundi lumandi. Minsan naman mga natutulog ganun.
Ito ang unang beses na pupunta sya sa parteng ito ng library. Kinakabahan sya, syempre mamaya may multo pala kaya may kumalabog.
Tiningnan nya ang paligid. May mga libro din pala dito, lumang libro to be exact. Mga librong hindi na ata nabubuklat. Dumako ang kanyang mata sa librong nasa sahig. Nakabukas ito. Ito marahil ang narinig nyang kumalabog. Nahulog siguro dahil sa daga.
Nandiri sya sa naisip. How she hates rats.
Nilapitan niya ito at akmang kukunin..
"iha"
Nagulat sya sa nagsalita. At napatingin sa likod nya. Ang librarian pala. Akala nya kung sino.
"anong ginagawa mo dito?"
"ahh mam may narinig kasi akong nahulog.. Itong.."
Tinuro nya ang librong nahulog pero laking gulat nya na imbes mga shelves ng mga lumang libro ang makita nya. Ay mga tambak ng mga lumang computer ang nasa harap nya. Wala rin ang libro.
"...libro." Nagtataka sya. Dinadaya lang ba sya ng mata nya kanina?? Pero totoo yun. Hindi sya maaaring magkamali.
"ok ka lang ba iha? Bawal ang estudyante dito. Isa pa malapit ng magsara ang library at ang buong school . Kailangan mo ng umuwi."
Napatango na lang si Meg, bago muling sulyapan ang mga patong patong na computer. Humingi din sya mg paumanhin sa librarian bago umalis.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Tale
Mystery / ThrillerPakiramdam ni Meggan may kulang sa kanyang pagkatao. Hanggang sa madiskubre nya ang natatagong lihim na bubuo sa kanyang buhay.