Chapter 1

0 0 0
                                    

  "hoy, ano na naman yan??"

  Biglang naisara ni Meggan ang libro na binabasa, kung hindi ba naman sya gulatin ng kaibigan nyang may pagkaabnormal eh di sana payapa syang nagbabasa.

  "alam mo susuntukin ko yang bunganga mo, naturingang nasa library ka, manggugulat ka."

  "hahaha, sorry naman sissy. Napakaseryoso mo kasi eh. Ano ba yan hah? At tutok na tutok ka?"

  Hindi napigilan ni Meg ang pagrolyo ng kanyang mata. Kahit ilang beses nya kasing tarayan ang kaibigan ay hindi ito apektado sa pagiging masunget niya.

  "wala ito, may surprise long quiz daw si Mr.Panot. Narinig ko dun sa mga nauna nyang klase. Aba magrereview na ako noh. Mabuti ng sigurado kesa bumagsak."

  Gulat na gulat ang mukha ni Samantha, ang kaibigan nya. Kaklase nya kasi to sa subject ni Mr.Panot. . Actually Pannot talaga ang surname ng prof nila kaso since panot talaga ito, tinatawag na lang nyang Mr.Panot.

  "seryoso sissy?? Hala di ako nainform, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin??"

  "duh?! Kanina pa kita tinatawagan. Hindi ka naman sumasagot."

  "hehe sorry na sissy, kasama ko kasi si Paul."

  Si Paul del Mundo, varsity player ng basketball, sikat ito at mayaman. Gwapo din ito. Manliligaw ito ni Samantha pero ayon sa nasasagap nyang balita certified player daw ito. Alam din ni Samantha yun, kaya kahit na pa tweetums ang kaibigan nya, alam nitong hindi ito basta basta magpapauto sa Paul na yun.

  "unahin mo yang kaharutan mo, uunlad yang buhay mo"

  Napangiwi si Sam sa sinabi nya, natamaan siguro kahit papano sa pasaring nya.

  "sorry na nga sissy, wag ka ng magalit. Oh sya ano ba daw ang topic ng long quiz?"

  "ewan ko, narinig ko lang. Alam mo naman ako matalas ang tenga ko."

  "wow ah, bilib talaga ako sayo ah ahahaha go for your golden ears."

  Napangiti na lamang si Meg sa sinabi ni Sam. Hindi nga nya alam kung paano nya naging kaibigan ang sosyalera nyang kaibigan.

  Transferee kasi sya sa IMU o Ildefonso de Majica University noong kalagitnaan ng second year college nya. Simple but prestigious ang university na yun. Although mataas at de kalibre talaga ang mga turo sa school na yun, ang pangalan mismo ng eskwelahan ang nakatawag ng pansin sa kanya. Parang may something na gusto nyang malaman.

  Adventure seeker kasi sya at mahilig sa mysteries. At talagang nakuha ng naturang eskwelahan ang kanyang atensyon. At yun ang gusto nyang alamin. Ginawa nya ang lahat makapasok lang sa IMU, hindi basta basta ang pagpasok sa unibersidad na yun.

  Parang salang sala ang mga estudyanteng nakakapasok dun. Lahat ay may pangalan sa lipunan. Lahat mayayaman. Lahat ay may kanya kanyang kakaibang pamilya.

  Laking pasasalamat nya at mayaman ang kanyang kinalakihang pamilya. Ampon sya pero hindi nya yun kinakahiya, mas nagsumikap pa sya upang malaman ang kanyang pinagmulan.

  Meggan Ludster ang pangalan nya, o sabihin na lang natin na pangalang ibinigay sa kanya ng mag-asawang Ludster. Mabait ang mag-asawa, at talagang napakarami ng negosyo hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Pero sa kasamaang palad hindi nabiyaan ang mag-asawa ng anak.

  Ang kwento ni Mrs. Ludster o Mama Meggie nya, nakita lang daw sya sa labas ng mansyon ng mga Ludster. Walang kahit anong bagay na kasama na maaaring makapagsabi kung sino sya.

  Tanggap naman nya kung ganoon ang naging kapalaran nya, pero may parte sa puso nya na gustong malaman kung saan nga ba sya nagmula at paano sya napunta sa mansyon. Sino ang nagdala sa kanya? Sino ang totoo nyang magulang?

  Hindi nya sinasabi sa kanyang Mama at Papa ang kagustuhan nya dahil sobrang baiy ng mag-asawa para saktan lang nya.

  Hindi nya alam kung bakit masyado syang naattract sa IMU. Malakas ang pakiramdam nya na konektado ito sa kanyang pagkatao.

The Forgotten TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon