Ang tagal naman umuwi ni crush,Nageenjoy ata sya sa kasama nya ngayon.
Mas mageenjoy pa ata sya sa kasama nya kaysa sa akin. Kainis sya!
Kunsabagay hindi naman nya kasi ako gusto e yon kasama nya baka mahal nya.
"Hi crush!"
La!hindi ako pinansin,Hindi man lang ako nilingon kainis talaga si crush.
"Crush, Kumusta yon lakad mo?"Hindi nya parin ako pinansin
Nakatingin lang sya sa picture frame,napatitig naman ako sa hawakan nyang picture frame. Sya tapos may kasama syang babae. Ang ganda nang babae,sobrang ganda parang anghel.
"Crush, Sino yan?" Hindi nya ako sinagot tinitingan lang nya ang picture frame napabuntong hiniga na lang.
Hindi na rin ako nagsalita,Nakatingin lang ako sa kanya
"Hala!Crush,Bakit Ka umiiyak?" Natataranta na talaga ako,Umiiyak sya. Ano ba ang gagawin ko?Hindi ko alam!Hindi ko alam!paano ko ba sya papatahanin?
"Crush,Tahan na." Hinaplos-haplos ko pa ang likod nya. Kinakabahan ako,Hindi ko kasi alam kung paano ko sya papatahanin.
Okay!Mukhang hindi ko dapat sya patahanin,hayaan ko na lang syang umiiyak baka kasi kapag pinatahan ko sya baka lalo syang hindi tumahan.
Isip! Isip Rayleigh!!
"Crush,Wag Ka nang umiiyak oh!Aalis na ako promise,Tahan Ka na."
Nilingon nya ako. Natatawa sya hala! Nababaliw na ata si crush tumatawa kanina umiiyak
"Dito Ka lang.Umiiyak lang ako kasi break na kami ng gf ko." Umupo sya sa kama nya tinuro nya ang tabi nya kaya pumunta na lang ako
"May gf Ka pala crush?"
Tumango naman sya saka ngumiti "Gf ko ata sya?Hindi ko alam!Hindi ko nga alam kung sinagot nya ako pero kanina lang sinabi nya sa akin na hindi nya ako boyfriend."
"Ah?ang gulo mo crush!!" Hindi ko sya maintindihan e,Gf nya daw pero hindi sya bf ang gulo!!
"Inshort ako lang ang may alam na gf ko sya,
Wait!What?Ikaw lang ang may alam?Pero bakit tawag nya sayo ay love?"
Bumuntong hiniga muna sya"love,call sign namin biglang isang magkaibigan. Ang sakit!Akala ko kami! Pero puro pala ako akala!!ang sakit dito.."Tinuturo pa nya ang dibdib nya
Nakatitig lang ako sa kanya
"Akala ko kasi may pag-asa,wala pala."
Umiyak naman sya,Hindi ako nagsalita. Ang kailangan lang siguro ni crush ay tagapakinig lang ngayon kaya makikining na lang ako
"Kasi,hindi naman tayo aasa kung wala tayong nakikitang pag-asa diba? Akala ko yon mga sweet na ginagawa nya sa akin ay may meaning pero wala pala."
Hinaplos ko na lang ang likod nya,Nasasaktan rin ako kapag nakikita ko syang nasasaktan
"Alam mo crush, ang panget mo kapag umiiyak!Alam mo ba kung saan sya nakatira?Tara takutin natin sya hihi!"
Tinarayan lang ako. Bad!
"Wag!Mahal ko yon."
Tumango na lang,Si crush ang pinaka dakilang manhid. Mahal mo sya,alam ko yon pero sana hindi mo na lang sinabi kasi naririning ko at nasasaktan ako.
Grabe Ka sa manhid!
Tatanungin ko pa sana sya kaso patingin ko sa kanya,Tulog na sya. Hmm! Tinulungan ako,Siguro pagod na ang mata nya kaya nakatulong na..
Hmm!Ang bad talaga ni crush iniiwan ako,Maka pasok nga muna sa bathroom ni crush hihi!
Hihi!ang daming ano ni crush dito..May kulay navy blue,Green at black.
Hihi!Ang bago,Makaamoy naman ako akala mo hindi galing sa katawan ni crush e..
Lalabas na nga ako baka maabutan pa ako ni crush dito,mapatay ako nun!Patay na nga papatayin pa.Aba!ayaw ko nun.
Tulog parin si crush,Uupo na lang ako sa tabi nya.
Asan na kaya ang katawan ko?Bakit wala talagang sumunod sa akin?Kailan kong malaman kung nasaan ang katawan ko para malaman ko kung patay na ba talaga ako? O sadyang nang gagala lang ang kaluluwa ko.
Kanino ako magpapatulong?hindi naman pwede kay crush,siguro ako hindi nya ako tutulungan kasi ano ba ako sa kanya? Wala naman e! Kaya bakit nya ako tutulungan?
So kanino nga?
"Crush, gising Ka na pala."
Tumango lang sya saka pumunta sa bathroom nya,ang haba nang Tulog ni crush 4pm na e! Nasarapan ata sa pananginip nya
"Hindi mo alam kung nasaan ang katawan mo diba?"
"Opo Crush,Bakit?"
Kinuha nya muna ang laptop nya
"Gusto mong hanapin natin?""Talaga crush? " tumango naman sya kaya nagtatalon na ako.
"Yiee!!!Yiee! May tutulungan na sa akin Yiepp!!!!" Talon talon pa ako napahinto lang ako nang makita ko na ngumiti si crush.
Ang gwapo ng ngiti ni crush nakikita ang dimple nya tapos lalong tumatangos ang ilong nya. O my gulay!Gwapo na Gwapo. Pak!
"Ai!Crush, Ngiti Ka ulit!"
Hindi na kasi ngumingiti,nakakunoot noo na naman sya habang nakatingin sa laptop nya
"Naalala mo ba yon cp number ng mama at papa mo?"
Umiiling ako
"E?Yon bahay nyo?"
"Hindi na rin crush,Ewan ko kung bakit."
Nagnod naman sya tapos nagtype sya.
"Ayon dito ang mga kaluluwa na tulad mo na nandito pa sana lupa ay maaring hindi pa nila oras o baka may kailangan pang gawin na hindi nila nagawa noon mga panahon na buhay pa sila."Crush
Nakikining lang ako sa kanya,Kailangan gawin?Wala naman akong kailangan gawin eh?
"Crush?" Pagtawag ko sa kanya
"Hmm?"
"Bakit ikaw lang ang nakakakita sa akin?"
Tumingin sya sa akin nag sandali saka bumalik ulit sa laptop nya
"Sabi dito,Kaya kita nakikita dahil ako lang ang makakatulong sayo,Ayon din na kung sino daw ang nakakakita sa kaluluwa ng isang tao ay sya ang misyon."
"Misyon?Ikaw?Ano naman gagawin ko sayo crush?"
"Ewan ko rin!"
Tumahimik muna ako sya rin naman ay patuloy sa pagbabasa at paghahanap ng impormasyon.
Nagopen din sya ng Fb tapos hinanap ang Fb account ko kaso walang lumalabas pati narin Fb nila mama at papa.
Bakit? Ganoon?
Yon mga impormasyon na dapat magdadaan sa amin para makita ang katawan ko ay nawawala.?
Ano ba talaga ang dahilan kung bakit wala ako sa lagnit o sa lupa?
Kung sabi sa research na kaya ako nandito dahil baka hindi ko pa talaga oras o talaga may misyon ako.
At si crush ang misyon ko?anong gagawin ko kay crush? Hindi ko alam!Babaguhin ko ba sya? Tutulungan ko ba syang magmove on o ano?
Ang hirap naman nagtask ko..
Mababaliw na naman ako!!
YOU ARE READING
She My Princess Ghost (SMPG)
Teen FictionSi Rayleigh,babaeng adik na adik sa crush Si John Paulo lalaking adik na adik sa avenger