Rayleigh POINT OF VIEW
BAKIT kaya hindi ako makita nang mga nurse kanina pa ako nag-iingay dito kaso wala pa rin nakakakita sa akin..No bayan!!Makaalis na nga,wala din naman masakit sa katawan ko e!
Makauwi na nga sa bahay.
"Mama 't papa,nandito na po ako!!"
Bat walang tao? Umalis sila mama,saan naman nagpunta at talagang hindi ako sinama. Ang bad nila!!
Hmm! Alam ko na! Makapunta nga muna kay crush,maistrobo ko muna sya.
"Hala ate,Gumalaw yon pinto!!"
Ah?Malamang lumabas ako e kaya gagalaw talag ang pinto,kanina pa ako nagtataka bakit hindi nila ako makita??
"Baka may multo?"
Multo?Asan ang multo?
"Wag naman kayong manakot!!" Sigaw ko
Takot ako sa ghost eh! Takot-takot pa nila ako..
Bad nila sa akin!!
"Baka nga. Tara na nga!"
"Oy!Teka! Baka pwedeng magtanong!!"
Saglit!! Ang bibilis na naman nilang maglakad,takot na takot talaga sila pero wala naman multo tanghalin pala..
Hinawakan ko ang balikat ng babae para pahintuin kaso tumatagos ang kamay ko sa kanya..
What the? Tumatagos ko?Totoo ba to? Bakit tumatagos ang kamay ko? Patay na ba ako? Pero bakit wala ako sa lagnit o di kaya sa lupa?? Walang sumundo sa'kin!? La!ano na?
No!No!HINDI PWEDE TO!!!
Kailangan kong mahanap ang katawan ko kung totoong patay na ako! At asaan ba sila mama? Bakit wala sila sa bahay? Wala na rin ang mga gamit namin? San na ba sila nagpunta? Iniwan na lang ba nila ako?
Ano bang nangyari sa akin bago ako maging kaluluwa? Wala akong maalala?
Kailangan ko ng taong nakakakita sa akin para matalungan ako. Pero sino? Kanino? Paano?
Magsimba kaya ako?Baka masunong ako. Wag na lang.
Hmm!Kung wala sila mama sa bahay nasa ospital,diba nasa ospital ako kanina...
Ang kaso hindi ko na alam kung anong pangalan nang ospital e! Nakalimuntan ko na!
San na ako ngayon? Mukhang umalis na sila mama at wala nang planong bumalik dito sa bahay namin..
San na ako tutuloy? Ayoko naman matulog sa kalsada baka mapagtripan pa ako. Ayoko ko rin sa simbahan,bawal matulog doon. Sa maynila bay na lang kaya? Malamig doon saka wala akong pamasahe papunta doon...
Hmm!Maglalakad na lang ako baka maalala ko kung saan ang bahay ni crush,susubukan ko makitira sa kanila.Siguro naman hindi ako susungitan ni crush e! Si crush talaga...
Lakad! Lakad! Tingin! Pasok!
Ang dami kong natatakot sa bigla-bigla kong pagpasok,pero wala pa rin si crush sa mga bahay ng mga napasok ko eh! Hindi ko na maalala kung saan yon bahay nila e!
Hmm!Last na to,Baka ito na ang bahay ni crush makapasok na nga..
Napansin ko lang mula kanina kada dadaan ako sa pinto,may matatakot bakit kaya? Sabi kasi ni mama laging dumaan sa pintuan,kumatok din daw yan naman ang ginagawa ko eh!
Pero bakit natatakot sila?
Ai!Nakalimuntan ko,multo pa lang ako!!Hihi!! Sorry na!Pwede kaya akong tumagos sa pintuan na to? Tulad nangyari kanina,tumagos ako sa katawan ni ate girl. Makatapos nga..
Baka naman mauntog ako!ito na nga...
Inhale,Exhale..
Yah!!!Nakatagos ako!! Hindi ako nauntog. Galing! Galing ko!!
Hmm! Kaninong bahay kaya to? Ang ganda ng paligid tapos ang daming picture..
Ang gwapo naman nagtatlong lalaki na nasa picture,Pero mas gwapo talaga si crush..
San kaya ang kwarto nya?Makaakyat na nga sa taas..Papasukin ko ang lahat ng mga kwarto para mahanap lang si crush.
Room one naman,Hindi sa kanya pero ang ganda ng kwarto eh.
Room two,hindi sa kanya
At the last sa kanya,Nakita ko na sya nakahinga sya sa kama nya nanonood na naman ng avenger..
"Hi Crush?"Kaway kaway pa ako sa harapan nya at nagulat na lang ako nang bigla na sya sumigaw.
"Rayleigh!!Anong ginagawa mo dito?!!!!"
"Omg,Nakikita mo ako?"
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kuya nya..Hindi ko alam kung anong pangalan nya e!
"Bakit ka ba sumisigaw huh?"Inis na saad nang kuya nya
"Nandito kasi si Rayleigh!"
"Asan?Wala naman ah?" Lumingon pa sya,Hindi nya ako makikita kasi nga multo ako hihi!!
Umupo ako sa tabi ni Crush tinuro nya ako pero napapailing na lang yon kuya.Bahala kayong mag-away basta ako uupo at maghihintay.
Maghihintay na matapos kayo para makausap ka na Crush. Kailangan talaga kitang makausap lalo na ikaw lang ang nakakakita at nakakarining sa akin kaya hahayaan ko muna kayo na mag-away..
Mamaya na ako sisingit kapag tapos na kayong mag-away..
YOU ARE READING
She My Princess Ghost (SMPG)
Genç KurguSi Rayleigh,babaeng adik na adik sa crush Si John Paulo lalaking adik na adik sa avenger