CHAPTER 5{BESTFRIEND}

26 0 0
                                    



SHEIRA POV


"Good afternoon sheshe"masiglang bati ni baklitang sali at bineso beso pa ako
"Same"maikling sagot ko,naiirita talaga ako nyemas na gunggong yun


"Oh anyari sayo she,umiyak ka ba may nangyari ba ha may nangaway ba sayo tara at maresbakan na natin yan"singit ni baklitang Benedicta at nagboses lalaki pa napatawa na lang ako ng mahina.

 Sila ang mga Bessy ko. Pare parehas kaming nagtatrabaho dito sa algriyana cafe,magtu 2 years palang kami ditong nagtatrabaho. Yang mga Bessy ko ang partner in crime ko. Kung nasaan ako nandun din sila.....

"Hahaha wala naman nagkaasaran lang kami ni kuya no,ang kj nyo"pagsisinungaling ko sa Kanila

"Sinong niloko mo she ha,pwede ba don't us"pageenglish sa akin ni baks sali
"Its ok baks sali baka di nya lang kailangan sabihin sa atin,"pagsingit ulit ni
Baks benedikta

"Nga pala mga baks pasukan na next week diba,kaw she nakapagbayad ka na ba ng tuition fee?"pagiiba ng topic ni sali
Saka tumingin sa akin.


"Hmf kalahati na lang ang babayaran ko mga baks kasi nga diba pumasa ako ng scholarship kaya mahahati ang tuition ko,ok na yun at least diba nabawasan.
Pero habang nagaaral ako magtatrabaho pa rin ako para mabayaran ko yun"masayang paliwanag ko sa kanila tumingin naman sila sa akin at parang nagaalala.
"Ano ba kayo mga baks ayus lang yun"
"She may ipon ako dagdag mo na lang sa ----"pinutol ko na ang sasabihin nya dahil alam ko na ang sasabihin nila
"Mga baks ok nga lang diba,wag na atsaka allowance nyo yun ok period"pagpapaliwanag ko
"Per ---"
"No buts back to work na tayo"at nginitian ko sila napangiti na lang sila pabalik.



Gabi na ng maka uwi ako.
Nauna na sila baks nasa iisang apartment lang kasi sila nakatira may kaya naman sila baks eij pero ang paalam nila sa magulang nila ay gusto lang daw nilang mamuhay ng sarili nila. mamuhay ng walang inaasahang pamilya at tumayo sa sarili nilang mga paa.
Pero ang totoo hindi talaga yun ang reason nila 


Ako ang rason!!!
Ayaw nila akong iwan, ayaw nilang iparamdam sa akin na nagiisa lang daw ako,at gusto nila kung nasan ako nandun din sila.
Mapasaya man yan o lungkot hindi nila ako iniiwan
Ayaw nilang isipin ko na sa aming tatlo ay ako ang mababa mahirap lang ako
Yun ang ayaw nila sa lahat na isipin ko
Diba im so lucky for having a bestfriend like them


May paparating na jeep kaya sumakay na ako.oo nàgjijeep lang ako pauwi pag di ko dala ang bisikleta ko minsan ko lang gamitin ang bike ko dahil ayaw kong masira yun
Yun na lang kasi ang huling nairegalo ni papoo sa akin nung 15 birthday ko
"Manong para ho,eto po bayad ko"inabot ko ang pera at bumaba na
Maglalakad pa ako ng mga 5minutes para makarating sa bahay namin

"Mamoooooo immm hooommeee"masayang bati ko sa kanya

"Anjan kana pala,Tawagin mo na ang kuya mo at ng makakain na tayo"

 "San ka nga pala nag enroll bunso"tanong sa akin ni kuya habang tahimik kaming kumakain

"Sa paaralan kuy--este sa ALCAN UNIVERSITY po"di ko na natuloy ang pambabara ko sa kanya dahil ang sama ng tingin nya mahirap na baka batukan na naman ako


"ALCAN UNIVERSITY?yun yung kilalang university sa pilipinas diba?atsaka she mahal tuition dun diba?pero kung gusto mo talaga magaral dun sige susuportahan kita atsaka may naipon pa akong pera pandagdag mo sa tuition mo"masayang sabi sa akin ni kuya.


"Ang chuwit chuwit naman ng kuyakoii!pero wag na kuya pambayad pa natin ng utang natin nung libing ni papoo diba?atsaka panggastos pa dito sa bahay!tanggap po ako sa scholarship kuya mamoo kaya Kalahati na lang ang babayaran ko!Kaya wag na kuya"paliwanag ko at ngumiti ng malapad  


MR RICH MEET MISS POORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon