Chapter 2

304 17 4
                                    


II

Pagkatapos ni Rj sabihin 'yung mga salita na 'yon parang may tinik na tumusok sa puso ko.

"Bakit ba kasi ikaw parin kahit ang sakit na?" Sabi ko sa isip ko habang naglalakad pabalik sa unit.

This is not the first time na sinabi saken ni Rj 'yon. Ilang beses na niya akong tinaboy palayo, pero hindi parin ako tumitigil. Hindi ko nga alam, eh. Siguro umaasa parin ako na magbago lahat ng 'yon pagdating ng tamang panahon o kung may tamang panahon pa ba talaga.

Pagkarating ko sa unit. Kumuha nalang ako ng gatas at umupo sa sofa habang hawak-hawak ang cellphone ko.

Kring! Kring! Kring!
[Sophia's calling...]
Sinagot ko naman agad 'yon.

[ON CALL]

"Oh bakit?" Pambungad ko.

"Luh? Mukhang badmood ka ah?"

"Bakit nga?"

"Wala lang. Haha."

"Ugh. Nafefeel mo ba 'yung gigil ko? Gusto ko pumatay ng tao ngayon baka gusto mong mauna?."

"Sorry na. Mangangamusta lang naman sana ako. Pero teka, nag-away na naman ba----" Hindi ko na pinatapos 'yung sasabihin niya dahil alam ko na kung sino 'yung tinutukoy nya.

"Oo."

"Eh, wala namang bago do'n, ah? Di ka parin nasanay?"

"Ewan ko ba. Dapat nga sanay na ko, Eh. Pero hindi parin. Kasi everytime na pinamumukha niya sakin na hindi niya ko gusto. Nasasaktan parin ako."

"Oh, baka maiyak ka pa? Haha." Pambubuwisit sakin ni Sophia. Pero alam ko naman na pinapatawa n'ya lang ako.

"Kasi bes, Imagine. Isang taon na ko sa kanya nagpapapansin pero hanggang ngayon hindi parin effective. Pangit ba ko?"

"Mabait ka."

"Sagutin mo. Pangit ba ko ha?"

"Mabait ka nga Dei. Konting tiis pa. Magugustuhan ka rin ni Papa Rj."

"Nakakainis ka naman eh. Pero paano? Ano ba dapat gawin ko?"

"Very nice question. Alam mo naman siguro na hilig ko ang mag movie marathon, Diba?"

"O tapos?"

"Syempre marami akong natutunan na mga teknik do'n. Lalo na pag romance."

"Ano-ano ba 'yang mga teknik na sinasabi mo?"

"Ganto, Makinig ka. Una, ipagluto mo si Rj tapos dalhin mo sa kanya. Uy sakto, kapit-bahay mo lang si Papa Rj."

"Eh, hindi naman ako marunong magluto eh."

"Mamaya, isesend ko sayo 'yung video kung pano magluto ng adobo. Kaloka."

"Sige, oh tapos?"

"Pangalawa, Padalhan mo ng Love Letter. Dapat galing sa puso 'yung isusulat mo ah para tagos."

"Eh,—" Pinutol nya yung sasabihin ko.

"Puñeta. Don't tell me hindi mo rin kaya magsulat?"

"Kaya ko noh." Sabi ko, kahit ang totoo naman talaga wala akong ideya about sa mga loveletter na 'yan.

"Ayan. Try mo 'yan. Kapag hindi parin umepekto. Gayumahin mo na. Hahaha." Humalakhak pa ang gaga.

"Ay wala na!? haha. Anyway, Kailan ka pupunta dito?"

"Bukas agad. Gusto mo?"

"Sira, wala ako bukas. Inimbitahan kami nung anak ng may-ari ng condominium eh. May pa party."

"Ohh. Edi text mo ko kung kailan pwede."

"Sige. Aayusin ko na 'yung mga teknik na sinasabi mo ah. Bye Josh— este Sophia. Send mo nalang 'yung.... Alam mo na."

"Pakyu. Hahaha. Bye."

[Call ended]

My Coldhearted Kapit-Bahay Where stories live. Discover now