Chapter 3

386 15 13
                                    

III

Kinagabihan, sinimulan ko ng magluto ng adobo para gawin yung sinasabi ng bestfriend ko na si Sophia. Hindi ko alam kung magiging masarap ang lasa nito. Basta ang alam ko sinunod ko ng tama 'yung procedures sa video kung pano ito lutuin.

Tinikman ko 'yung sabaw na niluto ko.

"Perfect!" Napangiti naman ako ng malasahan ko na tama lang 'yung lasa nito.

"I'm sure magugustuhan mo'to, Rj." Sabi ko. habang nilalagay sa tupperware yung adobo.

Pagkatapos no'n. Iniwan ko muna sa lamesa yung pagkain, dahil may isa pa akong dapat gawin.

Ang nakakalokang love letter.

Pumasok ako sa kwarto para maghanap ng papel at ballpen.

"Hay nako, Sophia. Kapag ito pumalpak. Masasabunutan talaga kitang bruha ka."

Nang makakita na ko ng gagamitin ko, agad akong umupo at nagsimula.

DEAR RJ ( MY COLDHEARTED KAPIT-BAHAY )
Panimula ko.

I've never done this before. Writing loveletter for someone? No. I really don't want to do this but when its come to you. I did. Lamona siguro kung bakit hehe.

       So eto na nga. I used to be lonely. Kakaunti ang kaibigan at malayo sa pamilya. Until you came. Kahit hindi naging maganda 'yung una nating pagkikita, masaya naman ako na nakilala kita.  Year 2013, Dalawang taon ang nakalipas when i feel something strange? I found myself liking you? I guess. Nahulog ako sa'yo. Nahulog ako sa taong walang ginawa kundi balewalain ako. I confessed my feelings pero hindi ako nagexpect na gusto mo 'rin ako.  And yes, Tama nga ako. You asked me to stop loving you, But i can't. I really can't. Eventhough you're always pushed me away. I still like you. I don't know why i still like you. Joke lang, gusto ko lang sabihin sa'yo na masarap yang luto ko. Sana magustuhan mo. Hehe
   
From: Dei.

***

Hindi ko alam kung tama ba 'tong sinulat ko. Basta daw galing sa puso eh. Bahala na. Haha

Inayos ko na 'yung ibibigay ko kay Rj at naglakad na ko palabas ng unit ko.

Nanginginig yung kamay ko habang kinakapa 'yung doorbell ng unit ni Rj.

"Kalma Dei.. Kalma." Pagpapahinahon ko sa sarili ko.

Di ko alam kung ba't ako kinakabahan? Siguro natatakot lang ako mareject ulit.

Ilang sandali bago ko napindot 'yung doorbell. Lumabas na si Rj sa unit niya. basa pa yung buhok niya, halatang katatapos lang maligo.

"Oh." Maikli kong sambit tsaka ko inabot 'yung pagkain at letter na ginawa ko.

"What is this?" Tanong ni Rj.

"A-ah, pagkain. Baka kasi hind—." Naputol ang sasabihin ko dahil biglang hinawakan ni Rj 'yung kama ko.

"I don't need this." Sabi niya tsaka niya sinauli saken 'yung binigay ko.

"Ehh? I put so much efforts para magluto at gumawa ng letter. Sige na tanggapin mo na." I still try to smile kahit ang sakit na.

"Bumalik ka na sa unit mo. Ikaw na kumain niyan."Sabi sakin Rj tsaka niya sinara 'yung pinto.

"Thankyou ah? Thankyou Rj. " Hindi ko na napigil tumulo 'yung luha ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Coldhearted Kapit-Bahay Where stories live. Discover now