"Ang galing naman talaga ng anak ko ga-graduate na." Mangiyak-ngiyak pa na sabi ni mommy bago lumabas ng kwarto ko. Akala mo naman kung anong mayroon ga-graduate lang naman ako.
No Lisa! Wag mong nilalang-lang 'yon! Nakakalimutan mo na bang isang napakalaking ginhawa para sa'yo ang pag-graduate. Remember that!
Ha! Oo nga tama! Kailangan kong magdiwang dahil ga-graduate na ko! At dahil ga-graduate na ko isa lang ang ibig sabihin nito. Malalayo na ko sa halimaw! Makakatakas na rin ako sa kaniya. HAHAHAHA!
Hindi ko na siya makikita at mamumuhay na ko ng normal HA! HA! HA! HA!
"Tsk. Nababaliw ka na ba at pangisi-ngisi ka pa diyan." Masama kong tiningnan ang lapastangang nagsabi nun. At ang kaninang kulay pink na aura ko ay napalitan ng kulay pula ng makita ang masamang halimaw sa harapan ko.
Umayos ako ng tayo at tinaasan siya ng kilay. "Ehem! At ano namang ginagawa mo dito?"
"Sinusundo ka dahil malalate na tayo sa graduation." Ha! At anong tingin naman niya sakin sasama sa tulad niyang masama ang budhi.
Pinameywangan ko siya. "At bakit naman ako sasama sayo ha? Bakit sino ka ba? Importante ka ba? Ha?!" Pero imbes na sagutin ang mga tanong ko ay inilingan niya lang ako at tumalikod. Aba! Siraulo to a! Tinatalikuran ang dyosa!
"Hoy! Saan ka pupunta?"
Huminto siya at lumingon ng bahagya. "Sorry pero malalate na kasi ako sa graduation. Kung gusto mong magpakabaliw at ngumisi-ngisi diyan hanggang mamaya bahala ka. Basta kami aalis na. Ivvideo ko nalang para sayo ang pag-graduate namin. Bye pangit!" Nakataas pa ang isang kamay niya na kumakaway-kaway sakin habang nakatalikod at naglalakad palabas ng pinto.
"AGH! PESTE KA TALAGA SA BUHAY KONG HALIMAW KA!" Sigaw ko bago pa man siya makalabas pero hindi man lang niya ko pinansin na parang wala siyang narinig.
Nakakainis! Anong akala niya sakin hangin? Nakakainis sana talaga hindi nalang nabuhay yang JV Dela Vera na 'yan! AGHHH!! Sinusumpa ko! Ako si Alisa Andaya ang magpapabagsak sayong halimaw ka!
BINABASA MO ANG
Maybe You're The One
Roman pour Adolescents"Yes! Malaya na ko sa kaniya! Ang masalimuot kong junior high ay natapos na HA! HA! HA!"- Alisa Andaya "Tsk. Baliw."- JV Dela Vera ©VCaynn