Third Person’s POV
December 24, 20++
10:35 pm
Masaya ang lahat ng tao habang inaabangan nila ang pagsapit ng Pasko maliban na lamang sa pamilya nina Alexa at Xander lalong lalo na si Alexa na kanina pa hindi alam ang kanyang gagawin kung uupo ba o tatayo.
Kasalukuyang inooperahan si Xander dahil na rin sa natamo nyang malalim na sugat na tama ng baril na nakuha nya kani kanina pa lamang.
“Alexa baby mag relax ka muna kanina ka pa pabalik balik dyan sa kinatatayuan mo” sabi ni Mrs. Perr sa anak na kanina pa hindi mapakali.
“Paano ako makakapagrelax kung ano mang oras pwedeng mawala ang mahal ko?” aniya habang patuloy ang pag agos ng kanyang mga luha.
“Magrelax ka nga muna” sabi naman ni Kimberly sa kaibigan kahit sya rin ay hindi alam ang gagawin
“Oo nga naman” sigunda ni Saira sa kaibigan
“At siguradong ayaw kang makita ni Xander na nagkakaganyan” sabi uli ni Kimberly
Sa wakas ay narelax ng konti si Alexa sa sinabi ni Kimberly
Makalipas ang higit dalawang oras ay lumabas na rin ang Doctor na nag aasikaso kay Xander
“Sino ang pamilya ng pasyente?” tanong nito
Dali dali namang lumapit si Alexa at maging ang mga magulang ni Xander sa Doctor. Kinakabahan sila sa ano mang sasabihin nito dahil mababakas sa mata nito ang kalungkutan
“Kami po” sagot ni Mrs. Chua sa doctor
“I’m sorry to tell you this pero wala na sya” anito
Napayakap na lamang si Mrs. Chua sa asawa habang humahagulgol sa pag-iyak maging ang mga taong naroon na nagsimula na ring umiyak. Parang nabagsakan sila lahat ng napakalaking martelyo sa ulo dahil sa sinabi ng doctor.
“NO!! HE’S NOT DEAD, TELL ME HE’S ALRIGHT!!!!!” sigaw ni Alexa sa Doctor habang hawak ang kwelyo nito inawat na sya ng mga kaibigan nya pero sadyang malakas sya kaya hindi sya natitinag.
“ Ginawa na naming ang lahat ng pwede naming gawin, pero hindi na talaga kaya ng kaniyang katawan ” sabi nito na naging dahilan upang mabitawan nya ang kwelyo nito.
“Nakita naming ito sa bulsa ng pasyente” dagdag pa nito habang inaabot ang isang maliit na box kay Alexa at nang buksan nya ito may nakita syang isang Diamond Ring na naging dahilan ng kanyang paghagulgol wala ng ibang nagawa ang kanyang mga kaibigan kundi ang yakapin siya.
