My complicated love story

359 2 0
                                    

Prologue:

Sabi nila, kapag nainlove ka daw, hindi mo na kayang pigilan yun nararamdaman ng puso mo, tuloy tuloy na lang yun, Ready ka na dapat masaktan, at harapin lahat ng mga bagay na pwedeng mangyari, Harapin ang mga bagay na wala naman kasiguraduhan.

Simple lang naman ang gusto ng mga babae eh, yun mahalin sila. Yun totoong pagmamahal, yun walang halong trip, yun magtatagal, yun hindi Lokohan, Walang sawaan, at Walang iwanan. Yun kahit na alam nilang may MAS sayo, Ikaw pa rin yun mamahalin nila.

Kaya lang, sa mundong ito, wala na atang matinong lalaki eh. Bakit ba kasi ganto? Ang bilis kong mainlove, sobra naman akong masaktan. Di ko naman masabi na pare pareho ang mga lalaki kasi hindi ko naman sila lahat naging Ex eh. Bihira na lang makatagpo ng isang Perfect Guy. Ay mali pala, walang perfect, Ideal guy meron ako. At dahil dun sa ideal guy na yun ang mga lalaki nagiging perfect sa mata ng isang babae.

Ayoko nang magtiwala. Ang hirap ng magtiwala. Ilang beses na ba kasi akong umiyak jan sa Lintek na pag ibig na yan? Pero walang nangyari, sa dulo, ako lagi yun naloko. Pero napatunayan ko sa sarili ko na napaka tatag ko kasi ilang beses na din akong bumangon para lang sa bigong pag ibig na to.

Pero paano ko malalaman kung ang isang tao ay para sakin na talaga, kung isasarado ko ang isip at puso ko sa usapan ng pag ibig?

Bata pa lang tayo, Mahaba pa ang panahon, marami pang dadating..

Minsan akala mo sya na..

yun pala dumaan lang para turuan ka.

Minsan tingin tayo ng tingin kung saan saan..

Di natin napapansin anjan lang pala sa tabi tabi.

Paano mo mahahanap yun kasiyahan mo kung palagi kang nakatingin sa likod.

Paano ka matuto kung paulit ulit mong ginagawa ang mga bagay na alam mo na naman mali...

Pero ganyan nga ang kabataan....

My complicated love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon