Chapter 9 : Pansamantala....

17 13 2
                                    

Elliese POV

Matapos ang nangyari kahapon,bakas pa rin sa aking isipan ang mga nangyari.

Hindi ko pa rin lubusang maisip na ang taong una kong minahal ay gagawan ako ng isang masamang bagay.Pero Salamat na rin kay neon dahil kahit papaano ay sinamahan nya ako nung time na nalulungkot ako....

Riiinggg riinggg!!!!

Habang nagmumuni muni ako ay biglang sumingit sa nakabibinging katahimikan ang tunog ng aking cellphone.Nang sagutin ko ito ay isang pamilyar na boses ang aking narinig sa kabilang linya.

" Hello??"

"Hi Elliese,Good Morning ayos ka na ba??",wika ni neon sa kabilang linya.

Ayos na ako,salamat ulit ha

"Hahahaha ano ka ba ayos lang yun noh....basta anytime na kailangan mo ako nandito lang ako palagi.."

" Sige Neon,maliligo lang ako,baka mahuli ako sa klase eh"

"Gege Bye Elliese,Ingat ka huh?"

Sige neon,Ikaw din ^__^

Matapos ko maibaba ang linya ay kumain at naligo na ako atsaka dumiretso sa aming paaralan.

Sa eskwelahan....

Habang nakikinig ako sa turo ng aming guro ay napansin ko na wala si vincent sa upuan nito,marahil ay hindi ito nakapasok dahil sa tinamo nyang mga sugat sa mga suntok at sipa ni neon.

Nabalitaan ko mula sa aking mga kaklase na naospital pala si vincent dahil daw sa isang aksidente.Siguro'y ayaw hayaan ni vincent na makalabas pa ang nangyari sa amin,kaya mas minabuti nalang nya na lumayo.

Lumipas ang ilang mga buwan, hindi pa rin pumasok si Vincent.Pumunta ang nanay nito at sinabi sa teacher na aalis na daw sila,pupunta daw sila ng states para doon na manirahan at mag aral..

Matapos marinig ang balita ay lubusan akong nalungkot dahil umalis man lang si vincent ng hindi nag sosorry at higit sa lahat, hindi man lang nagpaalam at nagpakita,ni anino nito ay hindi ko man lang nasilyan.

Sa park...

"Talagang wala na syang balak magpakita sa akin,ayaw na siguro nya sa akin",naluluhang sabi ko sa sarili.

Umiiyak lang ako sa isang lilim ng puno habang iniisip kung ano kaya ang mangyayari kung hindi ganoon ang iniasta ng lalaking iniibig ko.

Siguro ay maayos pa kami hanggang ngayon...masayang nag uusap habang pinapalipas ang isang araw o kaya nama'y masayang naglalakad sa park habang kumakain ng paborito naming mga pagkain....

Mayamaya'y may isang tao ang lumapit sa akin at nagbigay ng isang panyo....

"Oh malungkot ka na naman?? Hayssst  Heto oh...alam kong d nito matatanggal ang sakit na nararamdaman mo pero masisigurado ko sayong tutulungan kitang makawala sa sakit na nadarama mo....."

Nag abot sa akin ang isang lalaki ng isang puting panyo.

Papayag ka bang ako'y maging pansamantalang panyo na laging nandiyan upang ikay samahan sa sakit at pighating iyong nararamdaman,at maging isang unan na tutulungan kang maging kumportable magpakailanman??

That Twisted Love [Complete] #PH TIMES2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon