Jimin [BTS]

129 2 0
                                    

§Angst§

Warning: contains bad words

Language:Tagalog♡

Sana magustuhan niyo. Sorry di ako magaling magsulat ng sad stories. Forgive me for my writing skills. Hahaha

                           ♡◎♡◎♡

Biglang bumilis ang tibok ng puso mo sa iyong nakita.

Nag positive ka sa pregnancy test na iyong ginamit.

Hindi mo pa alam kung pano no sasabihin kay Jimin na may anak na kayo.

Hindi kana makapag hintay pa.

Pinagluto mo siya ng pagkain at hinintay siyang umuwi para sabay kayong kakain.

Maya maya'y ayan na siya.

Nilapitan no siya at hinalikan sa pisnge. "Namiss mo naman yata ako masyado." Sabi niyang nakangiti, nginitan mo rin siya.

Umupo na kayo sa hapag kainan at nagsimulang kumain.

Heto na..sasabihin mo na..

"Jimin...." pagsisimula mo.

"Bakit?" Tugon niya at sumubo ng kanin.

"May sasabihin ako..." sabi mo.

Tinignan ka niya.

"I'm pregnant." Sabi mong nakangiti.

Hindi siya sumagot at tinitigan ka lang niya.

"Yah! Jimin? Hello?" Sabi mo sakanya at nagtataka kung bakit ganun ang expression niya. Siguro baka nagulat sa tuwa? Ganun ba yun?

"Hindi ako ang ama niyan."

Sa mga sinabi niyang yun parang may kung ano ang kumirot sa puso mo.

Ang luha ay umagos sa iyong mata.

"A-ano?" Ang tanging nasabi mo at hindi ka makapaniwala sa iyong narinig.

"Ayoko ng ana-" Hindi mo na napigilan ang sarili mo at sinampal mo siya. Galit at lungkot ang nararamdaman mi ngayon.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin sakin yan. Napaka walang kwenta mong ama! Hindi kita bibigyan ng karapatan sa anak natin tandaan mo yan hayop ka." Sabi mo na puno ng galit.

"Ano bang pinagsasabi mo ha? Edi kung ayaw mong maghirap na alagaan yang pesteng batang yan edi ipalaglag-" hindi nanaman siya nakapagtapos ng sasabihin ng sinampal mo ulit siya.

Hindi kana nakapagpigil at ginawa ang unang nasa isip mo ngayon..

Ang lumayas.

"Sige! Lumayas ka! Iwan mo ako! Wala na akong pakealam sayo! Sayo at diyan sa anak mo!" Sabi niya at pinagtutulakan ka palabas kasama ng inimpake mong maleta.

Nang makalabas kana ay binalibag ang pinto.

Naglakad ka sa madidilim na kalye. Patuloy lang ang iyong paglalakad at ang iyong pag iyak.

Hindi ka parin makapaniwala sa mga nangyare.

"Yung totoo....Jimin minahal mo ba talaga ako?" Sabi mo ng mahina.

Hindi mo namalayan sa lalim ng iniisip mo umuulan na pala.

"Tsk. Buti pa yung ulan nandiyan kapag umiiyak ako." Sabi mo.

Basang basa kana ng ulan at patuloy ka parin sa paglalakad.

Nang bigla ka nalang natumba sa gitna ng kalsada.

Hindi mo na alam ang gagawin mo hindi mo alam kung saan ka pupunta. Isinara mo nalang ang iyong mga mata.

"Sana panaginip lang lahat ng ito." Sabi mo bago ka mawalan ng malay.

Kpop ImaginesWhere stories live. Discover now