chapter vi

60 6 0
                                    

Benjamin's POV

Ngayon ang start ng classes namin, first day ko at kinakabahan na ako. Feeling ko grade 1 ulit akong papasok na sa school eh.

"Hey! Wag ka kabahan" sabi ni Donny, andito kami ngayon sa sala, hinihintay si Hannah and Solana.

Ihahatid muna kami ni Donny then after sila Hannah naman. Magkalapit lang din naman daw yung school namin.

"It's just.. pano kung wala akong maging friend?" Tanong ko, tinawanan naman ako bigla ni Donny. Sinimangutan ko siya.

"Seriously, Benj? Sa gwapo mong yan, na obviously namana mo sakin, walang magkakagusto sayo? Are you kidding me?" Sabi niya at tinaas taas ang kilay niya, natawa na lang ako.

"Seriously, though. You'd be okay. You're a tough cookie" sabi niya at tumawa.

"But cookies break too." Sabi ko ng seryoso, hindi nakapagsalita si Donny.

And I think I've already become a crumbled cookie.

"Hey..." magsasalita pa sana si Donny ng kumiling ako.

"I was just joking, kuys" sabi niya kaya nginitian niya na lang ako as a response.

"Let's go!" Sabi ni Hannah pagbaba niya. Napatingin naman kami sakanila, andito na din sila Mom.

"Finally! Bagal talaga gumalaw Hannah eh" sabi ni Donny sakanya, tumawa lang kaming lahat.

"Goodluck on your first day guys!" Sabi ni Mom at yinakap kami. Ramdam kong extra tight ang pag kayakap niya sakin.

"You got this, love" sabi sakin ni mom. Ngumiti naman ako.

We said our goodbyes and pumasok na kami sa car.

Kuya Manny dropped us off in 15 minutes. Bumaba na si Donny ng tinawag ako ni Hannah bigla.

"Benj, goodluck." Sabi niya at nginitian ako. Nginitian ko rin siya pabalik.

"Kuya Benj! I love you! See you later!" Sabi ni Solana, kinindatan ko naman siya at nag mouth ako ng words saying i love you too.

Linapitan ko na si Donny. Inakbayan niya naman ako bigla.

"Welcome to our school, bro" sabi niya, nakita kong ang daming nakatingin samin. Second year na ni Donny dito and nakita kong ang daming nakatingin sakanya, or saamin... saakin.

They might be asking who I am. I mean wala naman akong kakilala dito eh, konti lang.

"Bro!" Rinig kong tawag sakin ni Zackrey.

Nakipag fist bump naman ako sakanya, pati kay Donny nakipag fist bump siya.

"Hoy. Ikaw na bahala ki Benj ha!" Sabi ni Donny kasi ibang building ang pupuntahan niya. Nginitian ko si Donny.

"Kuys. I'm old na." Sabi ko at tinawanan niya lang ako.

"Just making sure you're okay." Sabi niya at ginulo buhok ko. Tumakbo naman na siya paalis.

Photograph • Benjamin PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon