chapter v

67 5 1
                                    

Donny's POV

Nandito ako ngayon sa beach, kasama ko si Arielle habang nagaayos kami ng surprise ko kay Solana.

I'm gonna throw a mini party for her. Just because she's my special girl and na i'm sorry na inakala niya na mas love ko si Alyssa kesa sakanya.

"Babe, tingin mo magugustuhan to ni Solana?" Tanong ko kay Arielle. Tinarayan niya naman ako bigla, natawa lang ako.

"Babe ka diyan, sa pagkakaalam ko, Donato Antonio, hindi pa kita sinasagot." Sabi niya, oo nga pala, hindi parin ako sinasagot ni Arielle but parang kami na rin naman eh. Hindi naman kasi talaga importante ang label para saamin.

"But, Arielle Llanfair, I know you will say yes, someday. And hindi naman importante ang label sakin eh, basta ako? liligawan kita araw araw, sagutin mo man ako o hindi" sabi ko sabay kurot ng pisngi niya. Nakita ko namang namula siya.

"Hoy PDA!" Sabi bigla ni Hannah, tiningnan namin siya ni Arielle.

"Inggit ka lang eh" sabi ko, pinalo naman ako ni Arielle.

"Bad mo sa kapatid mo!" Sabi niya, nag apir naman sila ni Hannah. Bakit ba ako pinagkakaisahan dito?

Benjamin's POV

Nagsimula na akong mag ayos ng pang swimming ko, may surprise si Donny kay Solana mamaya. Nalaman niyang nagtatampo si Solana eh, at ang role ko ngayon ay libangin si Solana.

Paglabas ko ng kwarto namin ni Donny, nakasalubungan ko si Alyssa.

"Kuya Benj!" Sabi niya, nginitian ko naman siya.

"Hi Alyssa! Where are you going?" Tanong ko sakanya, nagsabay naman siya sakin sa pag lakad.

"Ate Arielle told me about kuya Donny's surprise for Solana eh, I want to help." Sabi niya, andito naman na kami sa labas ng kwarto nila Hannah.

I knocked at the door and ate Ella opened it.

"Si Solana, ats?" I asked her. Binuksan niya ang pintuan at pinapasok kami.

"She's watching Toy Story 2" sabi ni ate Ella habang kinakausap si Alyssa.

"By the way, Benj, i'm gonna go to the beach to help with the surprise na. You can manage two kiddos naman diba?" Sabi ni ate Ella, natawa naman ako at tumango.

"Of course, I'm a great babysitter!" What should I call myself? I thought. "Ah! I'm a great yayo!"

Nakita kong nabigla si ate Ella sa sinabi ko pero agad nag soften ang expression niya at nginitian ako.

"Benjamin, is that even a word?" She asked, tumango tango naman ako.

"Yeah, it's in my vocabulary.. so yeah it's a word"

"Yeah right, anyways, i'm gonna go na, see you later!" Sabi ni ate Ella habang lumalabas ng pintuan kaya mag wave na ako sakanya as a sign of goodbye at linapitan na namin ni Alyssa si Solana.

"Kuya Benj!" She said happily when she saw me, pag tingin niya sa tabi ko biglaan siyang suminangot. "And Alyssa" mataray na pagkakasabi ni Solana.

Photograph • Benjamin PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon