Chapter 1

25 1 0
                                    

Cheska's POV

Papunta na kami ngayon sa Blg. 6 nandun kase yung Room 123. Iniisip ko pa rin yung sinabi ng Dean tungkol sa amin. Hindi ko maiwasang matakot dahil sa ngiti niya kanina at dun sa sinabi niya.

"Blg. 6 second floor" binasa ni Kyla yung maliit na papel na binigay samin ni Dean.

"Tara na guys late na tayo" sabi ko naman.

"Room 123" basa naman ni Julia habang nakatingin dun sa nakasulat sa pintuan. Napatingin ako doon.

"Ano kayang mangyayare saamin dito?" Bulong ko.

"May sinasabi ka Sis?" Sabi sakin ni Juls.

"H-ha? S-sabi ko kumatok kana" palusot ko.

Tok.. Tok..

Kumatok si Julia at binuksan ito ng kaunti. May nakita kaming isang lalaki na nakatayo sa harapan at tila lahat ng tao doon ay nakatingin saamin.

"Come in" sabi ni prof. Pumasok kami at pumunta sa harapan.

"Kayo yung transferee diba?" Sabi saamin at tumango lang kami bilang sagot.

"Sige bago kayo umupo introduce your self" sabi ni prof at napatingin kaming tatlo sa isat isa. Nakiki ramdaman kung sino ang una. Tumango si Kyla para mauna na.

"Hi guys, My name is Kyla Shyne Delo Santos, 17 sana maging friends ko kayong lahat"

"Hi miss" sabi nung lalaki sa dulo.

"Ganda mo naman ate" sabi nung babae na mas bata saamin.

Si Julia naman ang sumunod.

"My name is Julia Mae Erand, 17 also thank you"

"Hi julia" tawag nung lalaki sabay wink.

And lastly.

"Hello, My Name is Francheska Coleen Ruiz, 17 nice meeting all of you" sabi ko naman.

"Good luck sayo" bulong ng isang babae hinanap ko yun at napatingin ako sa kaliwa ko nakita ko ang isang babaeng nakatingin ng masama sakin at naka ngisi. Ang creepy niya.

"Okay take your seat" sabi ni prof.

"Mga ate dito na kayo umupo sa tabi ko" sabi nung kaninang babaeng pumuri kay Kyla.

Umupo kami don sa tabi niya limahan kase yung upuan kaming tatlo yung nasa gitna.

"Mag iingat ka sa mga kaibigan mo" nagulat ako ng mag salita yung katabi ko. Yung babaeng nakita ko sa kaliwa ko kanina.

Hindi ko nalang iyon pinansin at nakinig na kay prof. First day of school may tinuturo na siya agad.

Krinnnggggg..

"Ches break na tara sa Canteen kanina pako nagugutom" sabi ni Kyla.

"Tara nagugutom na din ako, hey Juls tara na" sabi ko naman.

"Teka lang nahulog kase yung ballpen ko dito hanapin ko lang" sabi ni Julia at yumuko siya para tignan ito.

"Ano Juls nakita mona? Ang tagal mo naman dyan tulungan ka na namin" sabi ni Kyla.

"Wait guys, may nakita ako dito oh" sabi ni Juls at napatingin kami doon.

"Saan?" Sabay naming sabi ni Kyla.

May nakita kaming nakasulat sa upuan ni Julia. Sa ilalim ng desk niya. Kulay dugo ang pinangsulat dito at ang creepy ng itsura.

"Bestie" sabay sabay naming sabi.

----
Itutuloy..

Room 123Where stories live. Discover now